Chapter 4

1.3K 72 32
                                    

Warning: This story is not as perfect as you think. Please excuse foul words in my story. My writing style is not your type. Alliyah's point of view is based on her age as a senior high school student. Please be warned.

Chapter 4

"Congratulations!"

"Thank you," He smiled. "Uhm, can you hold my phone?" he asked. I nodded before he handed me his cellphone.

We stopped at a nearby bleacher and he sat there to fix his shoelaces,natanggal kasi iyon sa pagkakabuhol. I sat down next to him, tiningnan ko muna ang tatlo na abala sa pakikipagtawanan kay Levi at Enrique.

"Are you going home now?" Tanong niya at agad na lumingon sa'kin. Napaiwas ako ng tingin bago sinagot ang tanong niya.

"Oo, alas nuebe na, mag-aabang pa kami ng sasakyan sa labas." sabi ko.

He looked at his wristwatch. "It's already 9pm, mahirap na kung mag co-commute kayo." ani niya.

"Taxi naman ang sasakyan namin."

He shook his head. Hindi na sumagot pa at agad akong tinalikuran. Gusto ko na sanang mainis sa kanya dahil iniwan niya 'ko pero agad ko siyang sinundan sa paglalakad papunta sa pwesto nila Levi. Pumwesto siya sa likuran ni Levi at tinapik ang balikat nito.

"Magcocommute raw sila, may taxi pa ba ng ganitong oras?"

"Taxi? Meron pa naman siguro," sagot ni Levi.

Sinenyasan ni Dos si Levi at kinuha nito ang susi sa loob ng bag na dala. Napaawang ang labi ko nang mapagtanto ko kung anong gagawin niya. Hindi naman siguro ako nagkakamali nang iniisip, diba? Na ihahatid niya kami.

"Susunod na lang ako, sasama ka ba? Ihahatid ko lang sila." Tanong ni Dos sa kaibigan, tumango naman si Levi.

Sabi ko na nga ba! Kahit hindi niya naman kasi kami ihatid, e. We're not that special para bigyan pa ng ganitong treatment. Ano bang pumasok sa isip niya? At saka nakakahiya rin sa kanya.

After a minute, I heard his teammates teasing us. The others were still slapping and sprinkling confetti na pinulot mula sa sahig. Lumakas ang hiyawan ng mga ito kaya bahagya akong humakbang palayo kay Dos.

"Uy! Si Kap, pumapag-ibig." Halata ang pang-aasar sa mga mukha nila. Halos lumampas na nga sa tenga ang ngiti ni Levi na nasa tabi ko lang na panay ang siko sa'kin.

"Alin d'yan yung girlfriend mo, Kap?" tanong nung isa at tiningnan kami ng mga kaibigan ko. My eyes widened nang tumigil sa'kin ang mga mata nila. I covered my face in shame. Walang ibang ginawa ang tatlong kaibigan ko kundi ang makisabay sa trip ng kalalakihan.

I was blushing big time! It felt like my cheeks were about to explode. Nakakahiya!

"Loko! Mauna na kami, susunod na lang ako." ani Dos.

"Yieee! Lover boy!" sigaw nila at may iilan pang sumipol.

"Ihahatid mo talaga kami?" Ilang minuto ang nakalipas ay nagkaroon din ako nang lakas ng loob na tanungin siya. He seemed really serious earlier that's why hindi ako umalma at hinayaan ko na lang.

"Of course, you guys are safe from me." Iyon lang ang naging sagot niya sa'kin pagkatapos ay agad niyang niyaya si Levi. I was still confused and couldn't believe of what he said until we walked out of the gymnasium. Nakabuntot ako kay Dos na ngayon ay nangunguna na sa paglalakad.

"Pumayag ka na, tipid pamasahe pa!"

Agad kong binatukan si Riyana. Pabor na pabor sa kanya na ihatid kami, palibhasa kuripot siya.

MD 1: Ways of GoodbyeWhere stories live. Discover now