9- THE BULLY

4K 283 67
                                    

Yosh's POV

            "I didn't ask for this. Isang araw pa lang kaming magkasama ng Laxamana na iyan, mauubusan na ako ng pasensiya."

            Pigil na pigil kong sumigaw sa harap ni JD habang paulit-ulit ako ng explanation sa kanya kung bakit kailangan kong magkaroon ng bagong partner sa mission ko na ito.

            Halatang pinipigil lang nito ang inis na nararamdaman. Marahang hinilot ang noo tapos ay tinapunan ng tingin si Declan na nakaupo lang sa couch na naroon at parang walang pakialam na inirereklamo ko siya.

            "Ano na naman 'to, Declan?" Tonong pagod na si JD.

            Tumingin siya sa amin na parang wala siyang ginagawang kasalanan.

            "Bakit ako? Anong ginagawa ko? Nagta-trabaho lang ako." Kaswal na sagot nito.

            "Nagta-trabaho? You are acting like a high school bully!" Inis na baling ko sa kanya.

            Natawa lang si Declan at napailing.

            "Hindi ako bully. Nagsasabi lang ako ng totoo," bumaling ito kay JD. "You should see how he acts in front of Sesi Castro. Parang laging makahiyang tumitiklop. Tapos kapag mag-isa na-" ibinitin nito ang sasabihin at umakto ng parang nagma-masturbate. Kunwari ay tumitirik pa ang mata.

            "'Tangina ka talaga," hindi na ako nakatiis at nilapitan ko na si Declan at akmang susuntukin. Tawa lang siya ng tawa na umiwas sa akin. Mukhang hindi naman papatulan ang gagawin ko.

            "Sanchez! Laxamana! Para kayong mga gago!" Parang kumulog sa buong opisina ni JD dahil sa lakas ng boses nito. Napahinto ako sa ginagawa at painis akong naupo sa kabilang couch. Parang dragon na sasabog ang hitsura ni JD.

            Gusto ko ding matawa sa kanya. Dati kasi, isa si JD sa mga sinasaway ng boss namin. Si Mason. Isa siya sa pinakamalakas mang-asar. Tapos ngayon, para na siyang puputian ng buhok dahil sa kunsumisyon sa mga agents niya. Nararanasan na niya ang kunsumisyon noon ni Mason.

            "Hindi ba kayo aayos? Hindi basta-basta ang mission na ito tapos anong ginagawa 'nyong dalawa? Harutan kayo ng harutan! 'Tangina. Napakarami ko ng problema pero kayong dalawa yata ang papatay sa akin ng maaga." Nagbukas ng drawer si JD at may kinuha. Kaha ng sigarilyo tapos ay kumuha ng isa at sinindihan.

            "Nag-quit ka na 'di ba?" Paniniguro ko.

            Ang sama ng tingin na ibinato niya sa akin.

            "Oo. Pero dahil sa pinaggagagawa 'nyong dalawa, kahit isang ream kaya kong ubusin dahil sa kunsumisyon sa inyo. Ano ang status report ng mission 'nyo?" Humithit siya ng sigarilyo at napapikit pa ng ibuga ang usok noon.

            "Si Declan may bagong syota," sabi ko. Kung asaran ang forte ng Laxamana na ito, kaya ko ding gawin iyon.

            Pero mukhang hindi naman ito naapektuhan ng sinabi ko.

            "Ah, si Tita Grace. Masarap magluto 'yun, JD. You should taste her tapa." Kumindat-kindat pa ito.

            Napailing na lang ako. Hindi ko alam kung paano naging agent itong si Declan. Parang hindi naman seryoso sa trabaho niya. Lahat ginagawa na lang joke.

            "Wala ba kayong matinong ire-report sa akin?" Namumula na ang mukha ni JD. Halatang nagpipigil lang ng galit.

            Doon na sumeryoso si Declan.

If I StayWhere stories live. Discover now