27-FOR SESILIA

3.7K 286 96
                                    




Sesi's POV

Ngayon ako nakaramdam ng guilt sa nagawa ko pero mabilis kong inalis iyon sa isip ko. What I did was normal. Ginagawa ng lahat ng tao. Nabasa ko iyon sa mga magazine at online reads. Masyado lang taboo topic pero sabi ng mga experts, nakakatulong talaga sa pagtanggal ng stress ang ginawa ko.

But I still feel stressed. Hindi naman ako na-relax. Hindi rin ako makatulog. Inis akong bumangon sa kama at lumabas. Dumiretso ako sa kusina para uminom ng tubig. Nauhaw yata ako sa ginawa ko.

Habang umiinom ng tubig ay napako ang tingin ko sa sala at nakita kong may tao sa sofa. Gising pa si Jose. Tumingin ako sa relo at pasado alas-dose na. Hindi pa siya tulog?

Kita ko ang pagkataranta sa mukha ni Jose nang makita niya ako. Hitsurang nakakita siya ng multo. Hindi gumagalaw. Parang nanigas na lang sa kinauupuan niya. Ang dami-dami ko ng sinasabi sa kanya pero puro one liner lang ang sagot niya sa akin.

Hanggang sa mapansin ko ang wet marks sa sofa niya. Pinuna ko iyon at doon ko nakita na may itinatago siya sa shorts niya.

Basa ang shorts niya. Kitang-kita sa kulay khaki na shorts niyang suot. Naka-mapa na.

Tingin ko ay nawalan ng kulay ang mukha ni Jose nang pansinsin ko iyon. Dali-dali siyang tumayo at patakbong nagpunta sa kuwarto niya. Nagtatakang sinundan ko lang siya ng tingin. Napatingin ako sa mga patak-patak na basa sa sofa. Ano naman kaya ang ginawa ng lalaking iyon? O kaya, ano ang kinain at nagkalat pa dito.

Tumayo ako at kumuha ng cleaning wipes at nilinis ko ang sofa. Hindi pa naman leather ito at siguradong kung anuman ito, baka mag-mantsa pa.

Napalingon ako nang marinig kong bumukas ang pinto ng kuwarto niya. Nakaligo na at nakapalit na ng damit. Umalingasaw ang cologne na gamit. Gusto kong matawa. Ang bilis naman. Ligong pato yata ang ginawa nito.

"W-what are you doing?" Mabilis akong nilapitan ni Jose at pilit na inaagaw sa akin ang hawak kong cleaning wipes pero hindi ko ibinigay.

"Ako na. Madali lang naman 'to. Ano ba kasi itong tumapon sa sofa at shorts mo?" Patuloy ako sa pagkuskos ng sofa niya.

Napa-ehem si Jose at napakamot ng ulo. "Wala 'yan. Tama na. Ako na 'yan," Muli ay inakma niyang kunin ang cleaning wipes sa akin.

Tiningnan ko siya ng masama. "Ako na. Ang dali-dali lang naman nito."

Napahinga na lang ng malalim si Jose at naupo sa katapat na sofa. Napabuga ng hangin tapos ay marahang hinilot-hilot ang ulo.

"Hindi ka rin makatulog?" Puna ko at tiningnan ko ang sofa. Okay na. Wala ng mga patak at siguradong hindi na magma-mantsa.

"I am looking at these evidences again," ngumiti siya ng pilit sa akin.

Tinapunan ko iyon ng tingin at tumayo ako tapos ay tinungo ko ang kusina. Binuksan ko ang ref at kinuha ko ang isang wine na nangangalahati doon. Kumuha din ako ng dalawang baso at bumalik ako sa sala. Inilapag ko sa harap ni Jose ang mga dala ko.

"Then let us look at it together. Matagal ko na rin na paulit-ulit na tiningnan iyan pero wala namang bago." Komento ko at nagsalin ng wine sa baso tapos ay iniabot ang isa sa kanya.

Pagkakuha pa lang ni Jose ng baso ay mabilis na niyang inubos ang laman noon tapos ay pabagsak na inilapag sa mesa. Halatang tensed pa din ang hitsura.

"Sigurado ka talagang okay ka lang? Bakit para kang balisa?" Ngayon ay natatawa na ako sa kanya.

Tumingin siya sa akin pero mabilis ding nag-iwas ng tingin. Tingin ko ay para siyang nahihiya sa akin. Bakit? Kung may mahihiya dito, dapat ako iyon. Ako ang nakakaistorbo sa kanya.

If I StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon