15-CORNED BEEF

3.8K 285 76
                                    

CORNED BEEF

Sesi's POV

            Maaga akong gumising kinabukasan. Marami pa rin naman akong aayusin dito sa bahay pero uunahin ko na muna ang magluto ng agahan. Kahit mag-isa lang ako dito, dinamihan ko na rin ang niluto kong corned beef, adobo at fried rice. Inilagay ko sa magandang plastic containers. Hindi ko maintindihan sa sarili ko kung bakit ang gaang ng feeling ko ngayon. Napakatagal ng panahon na naghanda ako ng pagkain para sa ibang tao. Nasanay na kasi akong kaming dalawa lang ni Lesley dito sa bahay at hindi naman malakas kumain ang anak ko. Mas madalas ay bottle-fed pa rin si Lesley at ako, madalas na take outs na lang ang kinakain lalo na ng malaman kong patay na si Ted. Minsan lang ako nagluluto kung pumupunta dito si Tita Grace.

            Napangiti ako habang tinitingnan ang dalawang plastic container na may lamang pagkain. Kinuha ko ang camera ko at kinuhanan ko ng litrato ang naiprepare ko. Nagpi-prepare ako dati ng food tapos ipinapadala ko ang litrato kay Ted. Para kahit magkalayo kami, malaman niyang hindi ko siya kinakalimutan. Pero magmula ng mamatay siya, hinintuan ko na iyon. Nawalan na ako ng gana lalo pa nga nang malaman kong may ibang nagpapanggap na siya.

            Sinamahan ko ng fresh fruits ang mga inihanda kong pagkain. Sinamahan ko din ng 3-in-one coffee sachets, hot chocolate at fruit juice. Hindi ko kasi alam ang preference nila.

            Naligo din ako at inayos ko ang aking sarili. For the first time in so many months magmula ng malaman kong patay na si Ted, ngayon na lang uli ako humarap sa salamin para ayusan ang sarili ko. Naglagay ako ng konting liptint at cheek tint. Nagkilay din ako ng konti.

            Napabuga ako ng hangin tapos ay binitbit ko na ang mga inihanda ko. Siniguro kong naka-lock ang bahay tapos ay lumakad na ako papunta sa bahay nila Jose.

            Nagpapasalamat ka lang naman kaya ka magdadala ng pagkain. Huwag kang mag-aalala na may iisipin silang iba kaya ka pupunta.

            Pakiramdam ko ay sinisermunan ako ng isip ko. Sa totoo lang kasi, gusto ko ng bumalik kasi bigla akong nahiya. Pero naisip ko naman, nagawa ko na din naman na magdala ng pagkain sa kanila so siguro, wala namang magiging ibig sabihin itong gagawin ko. Tinulungan ako ni Jose sa pag-aayos ng doorknob sa bahay. Pa-thank you lang naman itong gagawin ko.

            Ilang beses akong huminga ng malalim bago ako kumatok.  Tumingin ako sa relo at ala-siyete lang ng umaga. Naisip kong baka tulog pa sila. Baka nambubulahaw ako. Shit. Nakakahiya. Iwan ko na lang kaya ang mga pagkain dito sa may pinto?

            Muli akong kumatok pero wala pa ring sumasagot. Napahinga ako ng malalim at inilapag na lang ang dala kong eco bag sa may pinto. Magti-text na lang ako kay Jose na nag-iwan ako ng pagkain.

            "Sesi?"

            Nilingon ko ang nagsalita sa likuran ko. Si Arthur. Pawis na pawis. Basang-basa ang suot na sando pati na ang shorts at bahagyang hinihingal pa. Naka-rubber shoes at may suot na naka-baligtad na cap sa ulo. Mukhang galing sa pagja-jogging. Tinanggal nito ang air pods na nakapasak sa tainga nito.

            "Anong ginagawa mo dito?" Taka nito tapos ay tumingin sa inilapag kong eco bag.

            "Nagluto kasi ako ng breakfast. Medyo maraming sumobra. Ako lang naman ang tao sa bahay kaya naisip kong dalhan sana kayo. Kanina pa ako kumakatok pero walang sumasagot naisip ko na baka tulog pa kayo kaya iiwan ko na lang sana dito ang foods." Napakamot pa ako ng ulo dahil nakakaramdam ako ng hiya.

            Nagliwanag ang mukha ni Arthur sa sinabi ko.

            "Food? Damn, I am starving. Tara, pasok ka." Sabi nito at sinusian ang pinto ng bahay para bumukas. Ito na rin ang nagbitbit ng eco bag at tuloy-tuloy na pumasok.

If I StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon