In A REALationSHIT

1.4K 5 3
                                    

Author: chiXnita

Status: Complete

Description:

Walang ibang pinangarap si Heather kung hindi maging sila ng taong pinakamamahal niya. Ang makasama si Grant at maging maligaya. Pero alam niyang hanggang pangarap lang 'yun dahil ikakasal na ito sa kapatid niya.

Kaso, bigla na lang bumaliktad ang ikot ng mundo. Nagising siya isang araw na siya na ang ipapakasal dito. Dapat maging masaya siya, ngunit hindi niya magawa. Paano ba naman, hindi siya nito mahal at sa oras na magkasama sila halos isumpa siya nito para lang maglaho siya na parang bula.

Ikakasal na nga sila, subalit 'di niya alam kung matatawag bang isang relasyon ang kanilang pagsasama. Their relationship isn't REAL, but rather full of SHIT.

Gano'n nga siguro ang masaklap sa larangan ng pag-ibig: 'yung alam mong walang pag-asa ang relasyon niyo, pero patuloy kang umaasa na maging totoo. 'Yung ang sinasabi ng mga malalapit sa'yo, "tama na!"... pero ang sinisigaw ng buong pagkatao mo "kaya mo pa!". Higit sa lahat, 'yung kahit anong subok ang gawin mo para kalimutan siya, hindi mo magawa, dahil alam mong sa sarili mong mahal na mahal mo talaga siya.

Ikinukumpara niya si Grant sa isang bituin. Nakikita niya nga pero napakamahirap abutin. Nararamdaman niya ang prisensya, pero kailanman hindi magiging kanya. Kaso, patuloy pa rin siya maghihintay at aasa... Why not? Sometimes, stars do fall.

Ngunit, hanggang kailan ang kaya niyang hintayin? Hanggang saan ang kaya niyang gawin? Magagawa kaya siya nitong mahalin? O... tatanggapin niya na lang ang katotohanan na ang estado ng kanilang relasyon ay hanggang "In a REALationSHIT"
na lamang.

MUST Read Wattpad Stories PT.1Where stories live. Discover now