Chapter 21

337 22 0
                                    

Gustav

Dati hindi ako naniniwalang may iba pang mundo maliban sa mundong ito. Pero kapag makakita ng patunay ay saka lang ako maniniwala.

At ngayon ay isang nilalang na tinatawag ang sariling isa raw siyang taong Lobo ang nagpatunay na totoong nageexist nga ang lahi nila. Matagal na panahon na siyang napunta rito at sabi niyay mas matanda pa siya sa amin kahit parang magkapareho lang kami ng edad.

"Kaya pala ramdam ko na kakaiba ang inyong lakas." komento ni Alas

"Ito ang normal na lakas namin. Pero Mas malakas ka dahil natalo mo si Jill." gumawa pa ito

"Tinatawanan mo ba ang napaslang mong kasama?" sumingkit ang mata ko.

"Ano? Tinatawanan ko siya pero hindi siya napaslang dahil buhay pa ang kasama kong Lobo. Hindi ninyo kami mapapatay sa pamamagitan non, nakakatulog lamang. Sa ngayon ngay gising na ito at kasalukuyang inaaliw ang sarili sa sentro. Kung gusto niyo talaga na hindi na kami mabuhay pa ay pugutin ninyo ang aming mga ulo. "

" Ah.. Ganun pala." Ani ko na ikinatango nito. Ngayon ay alam ko na ang kahinaan ng nilalang na ito. Taksil siya sa kanyang lahi dahil sinabi niya sa amin kung paano sila papatayin! Tsk Tsk. Di nag iisip...o ako lang talaga ang nag iisip ng ganun?

" Matanong ko lang.. Anong nangyari sa lugar na ito?"

" Sa Tanong na iyan ay si pinunong Hanaseh lamang ang dapat magkuwento. " sagot nito sakin at patuloy lang sa pag sagwan sa banayad na agos ng tubig.

Namayani ang katahimikan sa aming tatlo kaya nagkaroon ako ng pagkakataong pagmasdan ang paligid ng lawa na napapaligiran ng mga walang buhay na lupain. Bahagi ito ng Valeria pero bakit tila parang napabayaan?

Ano ang solusyon ng Haring Marcus tungkol sa sitwasyon rito? Tama ba ang ginawang pag isolate ng mga taong narito mula sa Ibang Bayan ng Valeria?

Ito ang mga Tanong na mahirap sagutin lalo na at hindi ko naman nasaksihan ang kasaysayan nito, ang puno, ang pinagmulan ng lahat.

"Isa ka ring prinsipe, tama ba ako kamahalan?" nagawi ang tingin ko sa bandido na naka tingin na pala sakin. Paano niya iyon nalaman? Hindi naman ako gumamit ng kapangyarihan.

"Kakaiba ang inyung presensya sa karaniwang nilalang. Masyadong matalas ang aking pandama para malaman ito."  nabasa niya agad ang kuryusidad sa aking ekspresyon

"Uhuh." Maikling sagot ko

"Anong rason kung bakit nagawi ang mga prinsipeng tinitingala ng lahat sa isinumpang Bayan na ito?"

"May misyon kami rito. Hindi niyo ba narinig ang tungkol sa puno ng orakulo at ang misyong ibinibigay nito para putulin ang sumpa na dulot ng pagpaslang Kay Zilah?" umiling ang bandido at parang naguluhan pa siya sa tinuran ko.

"Kung alam iyan ng mga nilalang rito ay matagal na sana silang umalis sa lugar nato at hanapin ang lunas ng sumpa. Pero kahit na gustuhin man nila ay hindi sila makakalabas sa bayang ito. Kung Hindi ninyo alam ay lahat ng mamamayang sumubok lumabas sa harang ay napaslang ng higanteng halimaw, ang Octavio. "
Tumingin ako Kay Alas dahil sa katotohanang hindi namin alam na ganito kalala ang sitwasyon ng Bayan ng Virgo.

Alam niya ba ang bagay nato? Alam ba to ng Hari? Kaninong mahika ang ginawang harang? Sino ang amo ng halimaw na pumapaslang sa mga mamamayan?

Umiling si Alas na ibig sabihin ay wala siyang alam tungkol rito. Paano namin naaatim na magpakasasa sa kalayaang aming natamasa pero nakakulong at naghihirap ang maraming mamamayan ng Virgo.

"Ano ang pinagkukunan niyo ng makakain?" pagtatanong ni pinuno. Alam kong naka ramdam rin siya ng pag aalala sa mga mamamayan rito.

"Ang aming kuta ay sagana, taliwas sa sitwasyon rito sa labas. At ito ay dahil sa kapangyarihan ni pinunong Hanaseh."

"Ano ba ang kapangyarihang meron si Hanaseh?" dagdag ni Alas na nagpangisi lang sa bandido

"Malalaman ninyo pag dating natin roon. Sa ngayon ay ihanda ninyo ang inyong mga sarili dahil malapit na tayo sa aming kuta."

Sa kanyang sinabi ay napatingin ako sa unahan para tingnan ang daang aming tinatahak ngunit wala naman akong nakikitang malapit na Isla. Binibiro niya lang ba kami?

Nabigla nalang ako nang ang banayad na daloy ng tubig sa lawa ay biglang bumilis na para bang inaanod ang bangkang sinasakyan namin sa kung saan. Di nagtagal ay mas lalo pa itong inanod ng mabilis hanggang sa naging marahas at ang lawa ay tila naglaho dahil nag iba ang paligid.

"Waah.. Pinuno! Mahuhulog ako! Yakapin mo ko! Yakapin mo ko! " napamura si Alas nang inilapit ko ang sarili sa kanyang at mahigpit na kumapit sa kanyang braso.

Parang tataob ang bangka dahil sa mabagsik na daloy ng ilog. Nawala ang lawa at ito ang pumalit. Nag iba ang paligid. Kakaiba ito dahil matingkad at buhay na buhay ang natural na ganda ng lugar.

"Get off me! Hindi kana nahiya Gustav, prinsipe ka pero ang bakla mo." natamaan ang ego ko sa sinabi ni pinuno kaya mabilis akong kumalas sa kanya at tumingin sa bandido na nakangisi sa amin.

" Bagay kayo." Paslangin ko na kaya ang lobong to? 😑

Unti unti humina ang daloy ng ilog. Nagsagwan ulit ang bandido para dalhin ang bangka sa gilid kung saan may nakadaong ring iilang bangka.

"Patawad kung kayoy nabasa sa ating munting paglalakbay. Sumunod kayo sa akin para makapagpalit ng ating kasuotan bago tayo tumungo sa kampo ng mga bandido ni pinunong Hanaseh." walang imik naman kaming Sumunod nang nagtungo siya sa isang nipa hut na elevated. Matibay at malaki ang pagkakagawa nito at pabilog ang hugis.

" Ito ay aking pahingahan lamang kung pagod ako galing sa misyon ko sa bayan dahil malapit lang ito sa ilog. " may iilang kasuotan ako rito, Hiramin niyo muna." may itinuro siyang mga damit kaya pinuntahan ko agad iyon at nakapili ng jeans at shirt. Buti nalang hindi masyadong makaluma ang pananamit ng lobong ito, di katulad ng pananalita niya. Ginawa rin ito ni pinuno kahit may pag aalinlangan pa.

Nakapagbihis na kaming dalawa at pinaglaho ang aming mga cloak kasama ang aming mga sandata na ano mang oras ay pwede namin itong e summon ulit.

" Tayo na at magtungo sa kampo."

Risen Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon