Chapter 39

253 18 0
                                    

ISABELLA

Isang pagyanig ang aking narinig...

At mga boses na nag uusap...

Nang idilat ko ang dalawang mata ay hindi ko inaaasahan ang aking posisyon ngayon.

"How's Bella?" tinig ni Ace ang narinig ko sa aking ulunan. Nakahiga ako sa ere at hindi makagalaw. Para bang may pwersang nagkokontrol sa aking katawan.

"Matapos umilaw ang kanyang buong katawan ay wala nang iba pang nangyari... She's okay." boses ni Celine

"Good."

"Ace..." paos kong tawag pero alam kong narinig niya ako dahil nakaramdam ako ng kilos na papalapit sa gilid ko.

"Bella... Your awake." maingat niyang hinawakan ang dalawang braso 

"Ace... Hindi ako makagalaw.."

"I know Bella.. Sorry." he softly said then suddenly placed a hand under my back and the other under my thighs.

Biglang nawala ang pwersang maramdaman ko kanina matapos niya akong buhatin sa kanyang mga bisig. Lumapit siya sa isang dingding at maingat ibinaba ako roon.

" Recover your strength first before you stand up." mahina akong tumango sa kanya. Naupo ako sa sahig habang naka squat naman siya sa harap ko.

It was so awkward... The silence between us is awkward.. Para bang may gusto siyang sabihin sakin na dinadaan niya sa titig.

"A.. Anong nangyari habang wala akong malay?"

"Dawn, Gust and Jethro discovered the monster. At nilalabanan nila ito ngayon kasama si Dale. I stayed to guard you and Celine. Muntik nang gawing kakampi ni SOLIDAD si Celine by threatening her to kill you if she won't... But she outsmarted her and run." napakuyom ang aking kamao sa nalaman.

Ngayon ay nagrerecruit na naman ito ng gagawin nilang tagasunod.

"No... Hindi siya si Solidad. Kailangan nating mabawi ang katawang iyon."

"Ano ang ibig mong sabihin?" biglang palapit ni Celine na kanina ay tahimik lang palang nakikinig sakanila.

"Ang mastermind ng lahat ng ito ay hindi si SOLIDAD, Pinilit lamang siya.  Ang lugar na ito ay kontrolado ng isang hindi pangkaraniwang punong ginamit ng kasamaan. Hindi nakikita sa pisikal na mundo pero sa panaginip ay maaaring makapanakit. Kaya nitong burahin ang alalaa at kayang magmanipula ng isip. And most importantly, it feed on souls. "

" Anong klaseng puno ito Bella?"

" Tinatawag itong Puno ng Lilim. " Walang pag alinlangan kong sagot na nagpasinghap sa dalawa.

" Ang puno ng lilim? Hindi maaari... Ito ay sinasabing mapanganib pero walang nakapagpatunay  dahil walang kahit sino man ang nakakita ng punong ito sa fourth Realm, kaya nanatili lamang itong isang teorya. Pero hindi ko akalaing nasa Valeria pala ito  nakakubli."

" Hindi ko alam kung paano pero nagawa itong natagpuan ng isang mangkukulam. At ito ang naging Daan para mabuhay ang lilim sa totoong mundo. "

" Ano ang iyong sinasabi?" nakita ko ang takot at pagkabahala ni Celine sa narinig.

" Isang mangkukulam ang nagpasimula ng lahat kung bakit Isinumpa si SOLIDAD na makulong sa lugar na ito, kung bakit maraming babae ang hindi na magawang makalabas rito... Siya si Minhara. "

" Alas!! Hindi namin ito magawang mapatay! Ano ang gagawi-- miss Isabel! Gising kana Pala! " isang hingal at mukhang pagod na Gust ang bumungad sa aming harapan na agad namang ngumisi ng makita ako. Ngumiti rin ako pabalik sakanya.

Risen Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon