Chapter 49

212 15 0
                                    

ISABELLA

"Paumanhin mga prinsipe pero hindi ko nais na makialam pa sa nangyayari sa Dwandelon."

Deretsong Sagot ni Haring Caius nang subukang hingin ni Ace ang alyansa nila para tulungan ang Fay na tugisin ang kalaban at sisimulan ito sa pagpapalaya ng Dwandelon.

Tumaas ang tension matapos nitong magsalita. Talagang walang pakialam ang Haring ito sa nangyayari sa ibang nilalang ng Fay.

"Hindi niyo naiintindihan. Kung hindi kayo tutulong ay walang Kinabukasan ang kahariang ito!" Galit na bigkas ni Dale

"Hindi ko ito hahayaan sa aking kaharian. Pero problema na ng Dwandelon ang kung anong kinakaharap nila ngayon. Masyadong mataas ang tingin ni Thoriel sa kanyang sarili! Sino siya para basta bastang talikuran ang ilang siglong alyansa?! Pinagmukha niya kaming tanga!"

" Hindi mo alam ang nangyari, pero kung makapagsalita ka ay para bang nakita mo ang sitwasyon sa loob ng siyudad. " malamig na Ani ni Ace

" Kung Ano man iyon ay hindi ko na nais malaman pa prinsipe. Ngayon kung iyon lang ang iyong kailangan ay maaari na kayong umalis sa teretoryo ko." pagmamatigas ng Hari.

Ito ay nakaupo sa kanyang tronong gawa sa matigas at malalaking korte ng bato. Ang buong Mist City ay parang kweba ang estraktura.

Sa labas ay napapalibutan ng malalaking ugat ng puno pero sa loob ay purong bato at minsan at diyamante.

Ang lokasyon nito ay makikita sa tabing ilog kung saan mahirap makita dahil sa makapal na hamog ng gubat.

"Hindi ko naman Akalain na ang Hari ng Mist ay isang duwag at makasariling Hari." Hindi na mapigilang singit ni Ayesha.

"Totoo ngang matatalas ang dila ng isang diwatang katulad mo. Bakit hindi nalang ang lahi mo ang iyong kumbinsihin na pumanig sa mga mapagmataas na nilalang iyon?"

"Ibinigay na ng Lyf ang kanilang katapatan sa prinsipe ng Valeria, dahil ito ay para sa buong Fay. Ngayon kung hindi ka tutulong ay palalayasin namin ang mga kampon ng kadiliman sa Dwandelon at hayaan silang lumipat sa teretoryo mo. Ang sarap sigurong makitang naghihirap ka Caius!" Ayesha mocked him. Kahit ako ay nagtitimpi sa kawalan ng sense ng Haring ito.

"Subukan mo lang Ayesha. Umalis na kayo. "

"Ha, buti pa nga para masimulan na namin ang pagpapabagsak sayo." she smirked.

"Wala tayong mapapala rito Alas.. Dale. Masyadong matigas ang kanyang puso. Mabuti pa ay magpatuloy nalang tayo sa ating misyon. Nagsasayang lang tayo ng oras rito."

Tama nga si Celine. It's not even worth wasting our time to a close minded king.

"I think we should go guys." I suggested..

"Mas mabuti pa ngang umalis kayo. Walang kahit sino man ang makakakumbinse sa aking lumaban para sa kapabayaan ng Dwandelon."

"KUNG ganun ay MAAARI KONG PASLANGIN ANG NAKATAKDANG HAHALILI SA IYONG MINAMAHAL  Na  Trono kamahalan?"

Lahat kami ay Nabaling ang atensyon sa Entrada ng bulwagan. Naroon si Dawn na hawak ang kanyang espadang nakatutok sa isang lalakeng elf. Mahaba ang buhok nito at maganda ang tindig. Nakaharap ito sa  amin habang nasa likuran si Dawn.

" Ama. "

" Franco!" napatayo sa gulat ang Hari.

"Isang maling galaw Caius at mamatay ang anak mo."

"Mga kawal!" napaatras kami para maghanda nang galit itong nag tawag sa kanyang mga royal guards.

Pero nagtaka naman ito nang wala man lang pumasok kahit Isa.

Risen Where stories live. Discover now