Chapter 29

309 22 0
                                    

Celine

"Sino ba ang nag suggest na maghiwalay?! Sabi ko na nga ba hindi magandang ideya yon eh!"

"It was to avoid suspicions Gust." Ani ni Dale

"Pero mas hihina naman ang ating depensa, We should've sticked together! Hindi na sana nabihag ang dalawang babae." katwiran naman ni Gust

"It was not because we we're devided. If I know Dawn bait themselves. Gumawa na naman siya ng plano nang hindi tayo hinintay na mabuo. The plan was to stay low until all of us arrived at the place but she is as hard-headed as a stone, at dinamay niya pa si Bella. " nang magsalita si Alas ay natahimik ang dalawa. Napasimangot nalang si Gust.

" Gust.. Makakarating rin tayo roon." pagpapagaan ko sa tensyon nila.

Kasalukuyan na kaming nakasakay sa isang di sagwang bangka. Lumabas kami galing sa isang portal na ginawa ni Hanaseh. Isang portal gamit ang oras na nagpabalik samin sa kasalukuyan panahon.

Limang bangka ang narito. Sa unang bangka ay ang matandang si Hanaseh at ang matalik nitong kaibigang lobo. Sa ikalawa ay kaming apat. Sa ikatlo naman ay si Jethro at ang kasama niyang bandido hanggang sa ika limang bangka. Tutungo kami sa sentro para iligtas sina Dawn at Isabella.

Pero kanina nang makasakay kami sa bangka ay walang tigil ang pagsisihan ng tatlong lalakeng kasama ko kung bakit hinayaang magsama iyong dalawa. Sabi nga ni Gustav na masyado pa naman dawng hubog ang katawan nung dalawa na siguradong pagkakainteresan sa bahay aliwan.

"Malayo pa ba tayo?" Tanong ko Kay Gust since hindi ko naman nakita kung paano kami napunta sa kuta ng mga bandido.

"Sa kasamaang palad ay ilang minuto pa bago tayo makarating sa sentro." bugnot na bugnot na si Gust sa likuran ni Alas.

"Siguro sa puntong ito ay sumasayaw na si Dawn sa entablado kaharap ang mga malililibog--"

" Suntukan nalang tayo oh!" kwinelyuhan ni Gust si Dale na nasa likuran niya lang at katabi ko.

"Tumigil nga kayong dalawa!" binigyan ko si Dale ng sapak sa braso na nagpangiwi rito at sinamaan naman ng tingin si Gust. Pero tumawa lang ito. Nagtaka naman ako.

"Pinuno! Tingnan mo si Celine tumingin ng masama, ang cute! Hahaha... Imbes na matakot ako, natuwa pa ako sa pilit na paglaki ng medyo singkit niyang mata! Tingnan mo pinuno, baka sakaling may pag asa pang ma in love ka.."

Bigla Nalang kumidlat kaya nagulat ako. Ngunit natawa rin kalaunan nang may isang single cloud sa ulo ni Gust na umuulan at tinatamaan siya ng kidlat.

" Dale!! " reklamo nito nang mabasa siya at nangingisay pa. Hahahaha.

" Serves you right.. "

" Seloso.." mahinang sabi ni Gust sabay irap.

Mas lalong kumidlat ang ulap sa ulo ni Gust kaya natawa ako nang muli siyang nangisay.

"Shut up Gust."

Akala ko epekto pa rin nang powers ni Dale nang may matingkad na liwanag sa tapat namin....pero laking gulat ng lahat nang dalawang pigura ang bumagsak sa malamig na tubig ng lawa.  Nagkatinginan kaming apat bago natauhan at naintindihan ang nangyayari. Hindi pa namin ito masyadong maaninaw dahil tanging isang lampara lamang ang ilaw na nakasabit sa bangka.

Mabilis na tumalon si Alas sa tubig at hindi ko nasundan ang nangyari nang nagsalita si Gust.

"Dawn? Dawn!!" sumunod siya Kay Alas at tumalon narin sa tubig. Sumisid sila sa ilalim na parang may pilit hinahagilap.

Unang dumungaw si Alas sa tubig tinulungan naman siya ni Dale sa pamamagitan ng pagkontrol ng tubig para iangat ang katawan nito hanggang sa makatapak sa bangka.

Nasa kanyang dalawang braso ay si... Isabella? Pero paano? Akala ko ay bihag sila? Ang mas ikinatanga ko ay ang mahigit na yakap nito sa isang gintong bagay kahit na wala itong malay.

"Dawn!" napalingon ako kay Gust na ginigising si Dawn.

"Let me." agad namang nagliwanag ang kamay ni Dale matapos sabihin iyon at maya mayay ganun rin ang dalawang babae bago sila inubo dahil sa nainom na tubig mula sa lawa.

"Bella.." mahinahong sabi ni Alas

"Ace?"

"Yes.. Bella it's me."

"Si.. Si Dawn?"

"Nandito ako." sambit ni Dawn na ngayon ay katabi ni Gust.

Isinummon nila Gust at Ace ang tuyong  cloak para ibalabal sa dalawang giniginaw na babae. Di bale nang sila ang ginawin jueag lang ang dalawa.

"Ang Setro!" umakto si Isabella na may biglang naalala..

"Here." ipinakita naman ni Alas ang isang bagay sa kanilang paanan

"Nagawa natin Dawn!"

"Just how in the world did you get this?" manghang tanong ni Alas

"You wouldn't want to know. Muntik na kaming mabalian ng mga buto sa katawan." sagot naman ni Isabella

"Ipapaliwanag namin sa inyo mamaya, pero bago Yan... Nasaan ba tayo?" Tanong ni Dawn

"Obviously nasa lawa tayo Dawn. Bulag ka na ba?" pamimilosopo ni Gust kaya sinamaan siya ng tingin ng babae.

"Ikaw ba Tinatanong ko ha?!"

"Oo?" sagot ni Gust

"Masyado lang ambisyoso. "

"Huwag niyong sabihin mag aaway na naman kayo?" naiiritang Tanong ni Dale.

"We're not fighting, ang babaeng ito ang high blood! Obvious naman kung nasaan tayo nagtatanong pa."

"Argh!! Ang Bobo mo Gustabyo! Lumayo ka nga sakin!" sunod ay nagtutulakan na ang dalawa na nagpagalaw ng bankang sinasakyan namin.

"hoy! Tumigil nga kayong dalawa!" pigil ko sa kanila dahil sa matinding paggalaw ng bangka.

Pero parang hindi naman na aapektuhan rito sina Alas na nasa unahan.

Ang posisyon kasi namin ay by pair. Ang upuan ng bangka ay nasa gitna. Sa unang tabla ay sina Alas, sa pangalawa ay sina Gust, at sa huli ay kami ni Dale. Lahat kami ay na kaharap sa unahan at ang nagsasagwan ay ang mga lalake.

"Aray! Aray! Dawnisya masyadong mabigat iyang kamay mo hah! Isa pang sapak at hahalikan kita!"

"Talaga lang?.. Subukan mo Bobo at sisipain kita paalis ng bangkang to!"

Hindi talaga mapigil ang dalawang to pag mag aaway.

Risen Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon