Benefits (2/3)

0 0 0
                                    

𝐁𝐞𝐧𝐞𝐟𝐢𝐭𝐬 𝐩𝐚𝐫𝐭 2

"Hoy, Rein." tawag ko kay Rein na kanina pa nakayuko sa table nila, "I'm sorry, you don't have enough load to call this number, mag load at magregister sa promo. Dial *143# for more info, thank you!" mala robot nitong utal sa akin na ikina batok ko sa kaniya at angat ng ulo niya, "Yah! Sabi ko wala ng batukan!" para itaas ko ulit ang aking kamay

"Want mo pa?" na ikina iling niya lang. Umupo ako sa kaniyang tabi, bago humarap sa kaniya, "Bakit mo inangkin yung Ballpen? Eh hindi naman sa'yo 'yon" dugtong ko na nginusuan niya lang,

"Cute kase eh," bago tinuro yung panda na design

' Ay gago, batukan ko ulit 'to. Pigilan niyo 'ko'

"Pandak ka kase," Saad ng lalaking nasa likuran namin, "ay wao, hiyang hiya ako sa'yo kapre ahhh. Suntukan na lang oh!" na akmang tatayo pa ng bigla kong hinatak ang nakapusod nitong buhok.

"Gaga ka talaga, mag sitigil kayo" bago humarap kay Rein, "Ikaw naman, kauusapin ka pa ni Ma'am diba?" na ikina ungol niya lang ng pagka di sang ayon.

"Pa'no kung-"

"Ako na pupunta," pag susuhestiyon ni Reyver na ikinatingin namin sa kaniya, "Bakit? Ikaw ba may ari ng ballpen?" Nakangiti tanong ni Rein habang tinataas taas pa yung ballpen.

"Oo," bago hinablot ito sa kamay ng dalaga, "Kaya akin na ulit 'to." at naglakad paalis.

"Tangina naman, Reyver! Akin na lang! Finders keepers!" bago tumakbo sa dinaanan ni Rey at nakipagpatintero sa labas habang ako'y napapaisip na lamang.

' May gusto si Reyver kay Rein?' bago lumingon sa likuran upang makita si Bricz na nakikipagtawanan sa mga tropa niya," Okay, tangina. Malaking problema 'to."

_____

"Wisdom! Wala si Sir ngayon, bilin ni Sir na gawin na raw yung mga kulang niyo sa time niya." saad nito sa kalagitnaan ng biglaang ikina hiyawan ng Wisdom,

' Mga Attichoda talaga. Kitang may nagsasalita pa eh... ' tumingin ako sa upuan na katabi ko at agad na tinawag si Rein upang maupo 'to sa tabi ko na ginawa niya rin naman kagad.

" Sa tingin mo, pinapagalitan na kaya si Kapre ngayon?" tanong nito na ikina tingin ko sa gawi ni Bricz bago bumaling ulit kay Rein at umiling,
"Attichoda si Ma'am, pero hindi naman siguro." pagka pagkatapos ko ay biglang may pumasok na lalake sa loob ng room, walang iba kundi si Reyver na may ngiti sa labi.

"Hoy, Panget! Yung ballpen ko!!" Sigaw ni Rein sa may bandang tenga ko upang tingnan ko siya ng masama, "Ghe, sigaw para batukan kita ulit." Pananakot ko dito upang mapatakip siya sa kaniyang ulonan ng wala sa oras.

"Wala, nawala ata sa daan ko papuntang office ni Ma'am." bago kumuha ng ballpen sa bulsa at binigay kay Rein, "Oh"

"Aken na lang?"

"Hindi, bilhin mo. 10 pesos only, pag utang 20 pesos na."

"... Suntukan na lang oh."

TBC

Tatapusin ko lang 'to, then pag iisipan ko ang paglipat ng acc.

NefelibataWhere stories live. Discover now