Charot

1 0 0
                                    

𝐂𝐡𝐚𝐫𝐨𝐭

"Hoy, Vakla!" tawag sa'kin ni Jayson na ikina tingala ko sa vaklang 'to. Si Jayson ay yung tipong hindi crossdresser at mukhang lalaki, pero kapag binuka na ang bibig at tumawa dinaig pa ang babae,"Bakit na naman, Jona ha?" tawag ko dito sa pangalan niya sa gabi

"pahiram ako ng metallic pens mo, bilis" pagmamadali nito na akala mo alila ako.

Kinuha ko kagad ang pencil case ko at akmang ibibigay na sa kaniya ng inilayo ko ito sa kaniya, bago sabihin ang dalawang katagang, "kiss muna" nakangiti kong atal na ikina iba ng mukha nito, "yak! Mandiri ka nga babae!" bago ito hinablot sa aking palad at bumalik na sa upuan niya.

"Charot lang, gaga!" natatawa kong ani bago humarap sa katabi kong kung makatingin sa'kin parang papatayin ako sa tulis ng mata,"ano naman 'yon?"

"harot mo, babae" sagot ni Michael na ikina irap ko, "Sa kaniya lang po ako maharot" bago nangalumbaba at nakita ang best friend kong pumasok ng classroom, "Good morning, maganda kong jowaaaa!!" sigaw nito na ikina ngiti naman niya bago pumunta sa upuan niya.

"Tch, kay Jayson lang pala ah." angal ng katabi ko, "lah, wala kang bebe? Wala kang bebe? Epal ka sa layp ko ah." sagot ko dito bago dumiretso ng upo ng dumating ang teacher namin, "mamaya ka sa'kin" rinig kong aniya na ikina walang bahala ko lang. Hindi niya naman ginagawa eh, puro salita amp.

"Woi, bibili ako sa Canteen, pasabay ka?" tanong ko kay Michael na tinuro lang ang wallet niya sa may lamesa habang nag e ml.

' Tsk, humina sana signal ng sim card mo' pagsusumpa ko sa aking isipan, bago kumuha ng singkwenta sa wallet nito, "Ice cream ba ulit?" tanong ko dito, na ikina iling niya, "ano?"

"Egg sandwich ay saka Ice cream na rin" sagot nito na ikina tango ko bago nagtungo sa may pintuan upang makabanggaan si Vakla, "Ay vaklang papol este Jona este Jayson!" sambit ko na ikina taas nito ng kilay, "Ginagawa mue, lokaret?" tanong nito na ikina iling ko lang bago lumabas na ng tuluyan.

'tanga mo talaga, Azeri! Kinakausap ka tapos aalis, pilipino ka talga!' pagsisinghal ko sa aking sarili bago naglakad papasok ng canteen.

"Ate, dalawang Ice cream nga po! Yung tig be bente po" bungad ko kay ateng nag gigitara, iba din ate. Jamming naman dyan char, "kunin ko na lang mamaya, weyt lang po" bago nagtungo sa may bilihan ng burger, "Isang egg sandwich, ate May!" sabi ko dito bago hinintay ito pero napalingon sa Ice cream Stall upang makita ang ilang lalaking nakatingin sa'kin habang nag uusap.

'alam ko pinag uusapan niyo, mga litsi. Hindi akin lahat 'yan, kung sana akin kanina ko pa kinain yung ice cream diba.' pagngungusap ko sa aking isip na para bang maririnig nila ako

Iniabot na sa akin ang egg sandwich kaya iniabot ko na rin ang 50 ni kupal, ng nakuha ko na ang sukli saka ako bumalik sa bilihan ng ice cream.

"ate yung dalawang ice cream po" naglagay na siya sa apa at binigay sa akin ang isa na unti unti ko ng kinakain para mahawakan yung kay Michael.

' masyadong ma issue 'tong mga nasa likuran ko, sarap itapon sa kanila yung ice cream kaso sayang. Magiging dirty Ice cream yung ice cream.'

"bhe oh!" abot sa akin ni ate habang kumakain ng ice cream, ng aabutin ko na ito ay biglang may kamay na humarang, "ako na, baka matapon mo pa kung saan saan." sagot ni Jayson na nagpatulala sa akin, "yung mukha mo babaita, mukha kang batang nilampaso sa sahig"

'taena mo, nag iimagine ako. Panira ka talagang, vakla ka' bago ko siya sinamaan ng tingin at tumalikod na upang makita ang dalawang lalaki na kanina pa ako tinitingnan, "ano tinitingin tingin niyo?" bago ko hinatak ang braso ni Jayson at nakipag holding hands, "bawal ko bang bilhan ng pagkain ang Love ko?" tanong ko dito na ikinatigil nila at ikinatingin kay Jayson, "hindi lang pala toh matakaw namamakla rin, bro!" saad nito sa kasama niya na ikina tawa lang nilang dalawa.

Susugurin ko na sana ng may puting madikit ang natapon sa kanila, pag tingin ko kay Jayson ay wala na ang Ice Cream at nakatingin ito ng masama sa kanila," Don't you ever talk like that to my girlfriend! So what if I'm a gay, at least i know how to respect girls like her, how 'bout you two? Baka nga mamaya wala pala kayong jowa eh. Let's go, Love" paghihila nito ng hinila ko rin siya pabalik, "opz! Baka may mga kaharutan 'tong dalawa, pero wala namang label, or baka may jowa. Guys, alam niyo ba? Malapit na Christmas break, do'n madalas maraming mag break. Tara na, Love!" nakangiti kong singit bago hinatak na ang nakangiti ring si Jayson.

"sa lahat ng cs bakit Love pa naisip mo? Kadiri ka alam mo 'yon?" pangungutya nito sa akin na ikina irap ko lang, "Bakit ba? Trip ko eh. Ikaw naman, bakit mo sinabi na Girlfriend mo 'ko?" pagbabalik ko sa kaniya ng tanong

"trip ko rin, walang pakielaman ng trip." bago may hinugot sa bulsa na panyo at pinunasan ang bibig  ko, "Kahit kailan talaga napakagusgusin mo."

"at kahit kailan talaga napaka arte at caring mong vakla ka" naka ngiti kong sagot na ikina bungisngis nito, "I know right."

"I love you po, Jona" habang nakatingala sa kaniya, "charot"

"ay may charot, weak ka naman" saad nito na ikina ngisi ko, "Aylabyoh po, Vakla ng buhay koooo."

Hinawakan nito ang pisngi ko at hinalikan ang noo ko, " I also love you more than you know, Azeri na baliw" bago kami bumalik ng classroom na namumula ang aking pisngi at umupo sa upuan ko, at sumulyap sa vaklang nagpatibok ng puso ko sa likuran na para na namang lukaret tumawa kasama ang mga kaibigan namin.

"Azeri, Ice Cream ko?"

Ay pota, oo nga pala

'taena mo, vakla!'

NefelibataWhere stories live. Discover now