3rd Option

1 0 0
                                    

3𝐫𝐝 𝐎𝐩𝐭𝐢𝐨𝐧

Ako'y napamahal sa isang lalaki, kay Kyf Ganjiro. Matangkad, may pangangatawan at sporty, habang ako'y average height, mataba at hindi ko alam kung sa'n ako magaling. Let's say, Opposite attracts and naging kami, but our journey isn't that easy because I'm his... 3rd option.

"Luv, hindi ako makakadating sa birthday ng kapatid mo. Anniversary nila Mama, she won't allow me to leave, I'm sorry."

"Okay, Luv. I understand, ingat!"

Every occasion

"Luv, May laro kaming magtotropa ngayon. Sorry, hindi ko kayo mahahatid ni tita sa ospital para sa check up niya."

"Okay, Luv. I understand."

Every second, minute, hours, days, months and year na magkasama kami.

"Sorry, Luv. I can't accompany you for our Anniversary, may overtime kami ngayon sa trabaho. Promise, babawi ako sa'yo. Love you."

"Okay, Luv... I Love You too."

Pinaparamdam niya sa'kin na laging hati ang atensyion niya, pati sa'kin na girlfriend niya.

______

"Luv, pwede ba tayong mag usap?" mahinahon kong pangunguna habang siya ay nanonood sa sala, "Of course, Luv"Sambit nito habang nanonood parin ng basketball. Sa inis ay kinuha ko ang remote at pinatay ang T.V.

"Wha-"

"I mean now, right now!" madiin kong ani para tumahimik siya, at umayos ng upo, "Sabi ko nga po, ngayon na" mahinang sagot nito bago ako umupo sa tabi niya at humarap sa kaniya.

"Luv, mahal mo ba talaga ako?"

"what? Yan lang yong pag uusa-" itinaas ko ang aking hintuturo na kaniyang ikinatigil, "Makikinig ka o makikinig ka?" tumango naman ito at sinarado ang imaginary zipper sa bunganga.

"pakiramdam ko na laging hati yung atensiyon mo sa'kin, tapos lagi ka na lang may excuses! Kesho may laro kayo nila Greg, busy sa trabaho or tungkol sa family mo, and you know what? You even broke your god damn promises! I don't want to be your Plan B when your Plan A doesn't work! And I'm not the one you only hang out with just because you have no other choice! We're committing to each other, not playing games or with anyone else!" paglabas ko dito ng matagal ko ng nararamdaman. I don't care kung mukha man akong selfish, but sobra na...

Binalot kami ng katahimikan, before he utters Four words na nagpatigil ng mundo ko," let's break up then"

Tangina ang sakit...

"Okay then..."

______

It's been days after namin maghiwalay ni Kyf, at bumalik na siya sa bahay nila, leaving me all alone here sa Condo. Since then, nawalan na kami ng contact and I've been crying everyday, dahil sa katangahan ko.

"Hoy, bumangon ka na dyan Elijiah." paghahampas sa'kin ni Sana ng Kumot upang lumingon ako sa kaniya, "Ay ponyeta, Yung eye bags mo pinagmumukha kang multo!" na aking  ikina irap kahit masakit yung ulo ko.

"Ha. Ha. Ha. Oks ka na?"

"hindi pa, gawin mo ng lima diba. Hiya ka pa eh" tangena talaga nitong babaeng 'to. Napaharap ako sa may bed side upang makita ang Picture Frame naming dalawa, ng bigla itong hinablot ni Sana, "Bat hindi mo pa 'to tinatapon? Bakit gusto mo pa na magbalikan kayo? Ay ang rupok..." pagsisinghal nito na ikinangiti ko ng mapait, "Ang tanga ko pala... Ang tanga tanga ko, tangina..."

Nakamewang itong humarap sa akin, "Matagal ka ng tanga, gaga pa kaya dapat tawag sa'yo
Taga' ng Marupok," bago umupo sa tabi ko, "Pero yun nga yung minahal namin. Unique ka, maalalahanin, at may pagkamatakaw... Charot issa prank matakaw ka naman talaga."

Nakatulong ba 'yon?

"taena mo, pinapangiti lang kita."

"W'a epek, rip sa joke"

"takte na 'yan." napapakamot nitong saad bago tumalikod at nagpulot ng kung ano ano, "Ang kalat ng kwarto mo, babaita. Babae ka ba talaga?" habang nagliligpit siya ay wala siyang kamuang muang na nakangiti ako.

Kahit wala na siya,

Tumayo na ako at nag inat, "tara na, kain na tayo. Libre ko."

"LAH, WEH? WAIT, SABI MO 'YAN AHHH."

thankful parin ako dahil may kaibigan akong ganito.

______

"Sa'n ba tayo pupunta?" tanong ko kay Sana habang tinutulak ako nito sa likuran, "kakain tayo, ako manlilibre."

"Lah, nagbibiro ka ba?" pang aasar ko dito, bago umupo sa upuang hinatak niya, "nasa Restaurant tayo, tapos libre? Hoy, sabihin mo nga yung totoo- nagnakaw ka ba?" na ikinabatok niya sa'kin

"Raulo! Ikaw na nga ililibre, ikaw pa aangal! Maghintay ka lang, naiihi ako tagal mo kase magbihis!" sambit nito bago kumaripas sa banyo.

Kasalanan ko bang nag aya siya kung kailan matutulog na ako? Nakabusangot kong ani sa aking isipan ng biglang may mga lumabas na nag vi violin, na agad umagaw ng atensiyon ng mga tao dito pati na rin ako.

Agad tumayo ang isang binata at inakay sa gitna ang kasama nito bago sila nagsayaw, "sana ol" nakapalumbaba kong ani ng may kumalabit sa aking balikat, "Hay nako, tagal mo mag cr, Sa-" pagharap ko sa kumalabit sa akin ay nakita ko si Kyf, "Na..."

Ngumiti ito sa akin, "Elijiah" aniya na unti unting nagpaluha sa akin, "Anong ginagawa mo dito?" pagsusungit ko dito

Sinubukan niyang hawakan ang aking siko, pero pinalo ko ito, "Kinulit ko si Sana na papuntahin ka dito, Lu-"

"Dont call me Luv! Sabi mo break na tayo, diba?"

"I didn't..."

"Yes you did." I said making him sigh," I did ask you kung gusto mo, but i didn't said na gusto ko mag break tayo. I left para magcool down muna yung problema," hinawakan niya ang aking palad, "hindi ko kayang mawala ka, alam mo 'yon. Magfo focus na ako sa'yo kung 'yan ang gusto mo. Just please, let me in your life again." bago ito lumuhod at may nilabas na kahon. Pagbukas nito sa kahon ay lumantad ang isang kuwintas. A lock necklace

Kinuha ni Kyf ang nakasabit sa leeg niya na kuwintas at pinakita sa akin iyon," mine is a Key. Means to maintain a feeling of connection - even when both partners are physically apart. Even if you feel like I'm not there or feel mo na hindi kita napapansin, as long as nandito ito sa iyo remember na mahal kita more than anyone, Luv." saad nito na nagpaiyak sa akin at mapayakap sa kaniya upang magsipalakpakan ang mga tao.

" I'm sorry, Luv... "mahina kong ani dito habang hinahaplos niya ang aking buhok," Shh, its okay. At least you know na mahal kita at hindi ko kayang mawala ka. I'm sorry din kung 'yon ang nararamdaman mo."

"Thank you.."

' Thank you for coming back' napatingin ako sa gawi ng babaeng pumapalakpak, si Sana na nakangiti. 'Gago ka' saad ko sa kaniya ng walang boses na agad niya namang ikina tingin sa'kin ng masama at itinaas ang middle finger sa'kin na ikina tawa ko.

'Thank you, God. For giving me them on this lifetime...'

NefelibataWhere stories live. Discover now