Rewrite The Stars

1 0 0
                                    

𝐑𝐞𝐰𝐫𝐢𝐭𝐞 𝐓𝐡𝐞 𝐒𝐭𝐚𝐫𝐬

I met a guy, Leo. I always sees him at the rooftop pag uwian, laging nag iisa making me curious about him. Soon after naging mag kaibigan kami and I learned na isa pala siyang Astrophile, that's why lagi siyang nasa Rooftop.

Katatapos lang ng klase namin, at kasalukuyan kaming nasa Rooftop ng school at tinititigan ang langit na unti unti ng dumidilim upang lumantad ang bilyon bilyong nag gagandahang mga bituin.

"Micah" that gentle voice that calls me, and his smile that I receive every time he utters my name.

"Yes, Leo?" I answered upang mapatingin siya sa akin, at tumingala sa langit na punong puno ng bituin, "Don't you think it would be nice to be part of the sky? Be part of Billion of stars na gabi gabing tinitingala ng mga tao, won't be that amazing?" saad nito bago tumingin sa akin.

Tumingala ako sa langit, "Mahirap maging Bituin, dahil sa dinami dami nila alam mong meron paring nag s stand out na isa,"bago may tinuro na bituin," Polaris, or the North star. Ginagamit na Navigational Tool for centuries and also the Lead star sa Ursa Minor or Little Bear constellation. There are two stars na malapit sa kaniya, pero siya pa rin ang napapansin dahil sa kaniyang taglay na kinang. Siya lang ang madalas na pinapansin, dahil nangingibabaw siya sa iba. " saad ko dito na nagpangiti kay Leo.

" You are right, but you miss something very important. "sabi nito na agad ikinakunot ng noo ko," What do you mean? "

Hinawakan niya ang aking ulo at hinimas himas ito, bago tumingala ulit sa langit," There are always a story behind Something. For Stars, A sad Story that can't be forgotten easily. "

Kinuha niya ang kaniyang cellphone at ipinakita sa akin ang litrato ng Orion Constellation,"Do you know that there's a Myth about Orion?" na aking inilingan.

"Orion, Artemis's First Love. A sole Male Hunting Companion of Artemis. He wants to marry her, but her jealous twin brother Apollo, won't let that happen. One day, when Orion is swimming far out at sea, Apollo points to the speck on the horizon and dares his sister to strike the target with her arrows- not knowing the target is Orion. She accepts the challenge, and being the Goddess of Archery, easily hits the mark. When she realizes her brother has betrayed her, and that she has murdered her friend, she places Orion's body in the stars." pagtatapos nito, bago ko nakita ang luhang tumulo sa kaniyang kaliwang mata bago niya ito pinunasan.

" Sometimes, being a star isn't bad, dahil kung tutuusin sila ang nagpapaalala sa isang taong matagal ng kinalimutan, Katulad ni Orion at ang kasalanang ginawa ni Apollo."

"I d-don't understand. Ano bang pinapahiwatig mo?" tanong ko dito

Pumikit siya ng madiin bago bumuntong hininga, "Napaka clueless mo pa rin kahit kailan." lumingon siya just on time para bumukas ang pintuan ng rooftop, "Sabi na nga ba may Estudyante dito eh! Baba na bata, ako mapapagalitan sa iyo eh!" sabi ni kuya na aking pinagtaka.

Tumalikod ako upang makita si Leo, na nakangiti at may mga luhang tumutulo sa kaniyang mga mata.

"Tell Orion I'm sorry. Sorry for being a bad twin brother to you. I hope mapatawad mo 'ko sa mga kasalanan ko. Pagkatapos nitong pagkikita natin ay makakalimutan mo na ako, makakalimutang nagkita tayo... Artemis" bago may malakas na hangin ang umihip para mapapikit ako, at pagdilat ko'y nawala na siya ng tuluyan.

"Ija?" tawag sa'kin ni kuyang guard upang mapatingin ako sa kaniya, "ija, Bat ka umiiyak?" tanong nito upang punasan ko ng aking palad ang mga luhang pumapatak, ngunit tuloy pa rin ito sa pagpatak.

'bat ako umiiyak?' tanong ko sa'king isipan bago tumingala sa langit, 'May dapat ba akong alalahanin na dapat ko nang matagal kinalimutan?'

"K-kuya, may nakita ka ba ditong kasama ko? Lalaki po!" Tanong ko dito na kaniyang inilingan, "Pagdating ko dito ay walang tao dito kundi ikaw lamang. Baka naman guni guni mo lang 'yon?" na lalong ikinatulo ng luha ko sa hindi ko malaman lamang dahilan.

' Sana nga... Sana nga... '

NefelibataKde žijí příběhy. Začni objevovat