Field Trip

0 0 0
                                    

𝐅𝐢𝐞𝐥𝐝 𝐓𝐫𝐢𝐩

"Hoy, enge ako pochi!  Paghihingi ko kay Michael na nasa harapan ko lang,

" mauubos mo na nga manghihingi ka pa? "sagot nito  na ikinabatok ko sa kaniya," Damot!" bago umupo

" Babi ko, oh! "tawag sakin ni Cheejay, Best Friend ko habang inaabot ang bukas na V-Cut," Gusto mo? "nakasimangot akong dumukot

' Damot kase nung Higante sa harap ko eh!'

" Woy, Kagagaling lang natin sa Art In Island na kahapon mo pa bukang bibig, bat ka na naman nakabusangot? "tanong nito na ikinaturo ko sa katapat ko," Madamot 'tong nasa harapan ko! "malakas kong ani na ikinalingon ni Michael," Mahilig ka kaseng mamburaot! "

" Bakit? Pochi lang naman hinihingi ko, hindi yung pag crush-" napatigil ako ng biglang may sinubo si Cheejay sa akin na cheesebread

' Powta, papatayin ata ako ng babaeng ito' bago tiningnan siya ng masama habang nginunguya yung tinapay

"Airplane Crush, Cru-Este Michael!" ani nito bago bumulong sa'kin, "Gaga ka talaga!" na ikinakunot ng noo ko, "Ha? Bakit, sabi ko lang naman crush-aray!" angal ko nang kinurot ako ni babaita sa tagiliran

'Pochihamnida, Pokwang!'

"Ang lakas ng boses mo, gaga!" Bulong ulit nito sa'kin na ikinairita ko at sinigaw, "BAKIT KRASS MO LANG NAMAN SI HIGANTE, ANONG MASAMA DO'N?!" pagkatapos kong sumigaw ay biglang tumahimik ang bus

'Lah, may bagyo bang dumaan?' tanong ko sa sarili pero nagulantang ng naghiyawan ang mga kaklase namin lalo na yung mga katropa ni Michael, "Fake news ba 'yan?" tanong ng nakangising Michael sa kaibigan kong naghihingalo

"H-Hindi, I mean oo!" sambit ni Cheejay na patingin tingin sa'ming dalawa ni Michael

'Bala ka dyan, Pokwang'

"may Crush din ako sa'yo" ani ng nakangiting Michael na ikina nganga namin ng kaibigan ko, "Ay mali. Mahal nga pala kita" dagdag nito bago kumindat sa ami-este kay Cheejay na lalong ikinahiyaw ng mga kaklase namin.

"T-talaga?" tanong ni loka na ikina irap ko. Bat ba? Eh sa bitter ako eh, "Oi, ulan! Lipat ka dito, pagtatabihin natin 'tong dalawang abno!" Pagsusuhestiyon ko na ikinangisi ni Rain bago tumayo," mga Gago, walang poreber! " dagdag nito nito bago ko binato yung bag ni Cheejay sa tabi ni Michael," Do'n kana, Shoo! "

Na ikina tingin nito sa akin ng masama bago umupo sa tabi ng darling niya, "sa Monday ka sa'kin, litsi ka" monday pa naman, makakatago pa ako hehehe

"Ede meow, SSS na lang para sa inyo" Bago pinaupo si Ulan sa tabi ko, "SSS, yung tagpuan ng mga estudyante kanina?"

"Sana Sagot Soon" bago sumilip sa dalawang nasa harap ko, "Tengene, wala paring poreber! Hindi magiging kayo!"

Biglang may kinuhang pakete si Cheejay sa Bag at iniabot sa'kin, "oh, para manahimik ka nang bitter ka!"

'Lah, parang hindi siya naging bitter twin ko ah'

"Wah, Aylabyo na pokwang! Sana maging kayo!" bago naupo at binuksan ng may kamay na bumungad sa aking harapan, "enge!" Bungad ni Ulan na ikinatingin ko sa kaniya ng matamis, "Over my dead body"

"tagal ka ng patay"

"powtq-for your--"

"Patay na patay sa'kin, Yieee" hirit nito na ikinatigil ko, "tatawa na ba ako?"

"Sabi ko nga masyado akong mais"

"Eat more pochi to be happy"

"Sorry, loyal ako kay Frutos"

"Mamatay na nagtanong"

↫↫↫↫↫  ↬↬↬↬↬
mass release of my old one shots. Inaalikabok lang eh so eto na. I just uploaded them back so enjoy? More stories to come(yata). Some of the stories here are requests from my friends in socmed so I made them. There's still a handful of 'em not here but here you go. Hopefully putting it back here is worth it^^.

04.27.2022

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 27, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

NefelibataWhere stories live. Discover now