It Doesn't End Here

587 24 21
                                    

Ken's POV

I'm honestly not a good person, until Rita came into my life. Isa akong pilyong lalaki, masyadong bastos. Bawat babaeng nakikilala ko ay inaaya ko sa bahay ko.

And yes, marami ng dumaan sa kamay ko, Pero syempre, nagbago ako.

Si Rita ang dating tahimik sa amin noong high school. Wala talaga syang kinakausap na kahit na sino. Mas gusto nyang mag isa at tanging libro lang ang kasama.

Then, nagulat ako noong nag college na, biglang nag iba ang aura nya. Sobrang ganda. Lahat nga nagulat kasi sinong mag aakalang magiging kami pala. Yung dating tahimik at famous heart throb noong high school pala ang magkakatuluyan in the future. Pero hindi madali, nahirapan din akong ligawan sya dahil nga sa hindi magandang imahe ko. Pero tyinaga ko lang, pinatunayan ko sa kanya na nagbago na ko. Totoo pala yun no, pag nahanap mo na yung katapat mo.

Nang maging kami ni Rita, ang dami kong napansin na kakaiba sa kanya. Dun ko sya mas nakilala. Kung ano siya noong high school, ganun na ganun pa rin siya ngayon. Tulad na lang ng, ang mga paborito nyang kanta ay yung mga kantang madalas pine-play sa mga burol o libing. Tulad din ng pagsusulat ng love stories na ang laging ending ay namamatay ang babae. Hindi ko alam kung bakit. Pero hindi ko naman na inabala pa ang sarili kong intindihin yun, mahal ko sya at mahal nya ko kaya wala ng kaso ang mga bagay na yun.

Hanggang sa ayun, napag desisyonan naming tumira nalang sa iisang apartment. Para mas makasave kami dahil pareho kaming nakatira sa apartment habang nag-aaral.

Legal na rin naman kami sa parents namin. We're both 22 that time, at malapit nang grumaduate.

Naging masaya at payapa ang pagsasama namin. Masaya dahil para kaming mag-asawa na pinaghahandaan niya ng almusal, tanghalian at hapunan. Pinagpaplantsa ako, pinaglalaba at sobrang inaalagaan din talaga ako. At payapa dahil hindi sya yung tipo ng babae na madaming say. Masasabi ko ngang mas matured pa sya kesa sakin. Parang sya pa 'tong lalaki samin dahil sa lawak ng pag unawa at pag intindi.

Hanggang sa grumaduate kami, nakapasa sa kanya kanyang board at nakahanap ng magandang trabaho.

Hindi naging madali ang pinagdaanan namin ngunit habang dumaraan ang mga taon ay lalo kaming tumitibay. Lalo ko syang minamahal at ganun din sya sakin.

Pero dumating ang pinakamalaking pagsubok sa buhay namin.

Nagkasakit siya. Nagkaron siya ng lupus.

Pero kahit ganun ay hindi iyon naging hadlang para masira kami. Masipag pa rin siya. Maalaga at maasikaso.

Naalala ko, nakahiga pa lang ako sa kama naririnig ko na ang ingay mula sa kusina dahil naghahanda siya ng almusal. Laging niyang pinapatugtog ang favorite song namin na Sana ay ikaw na nga.

Hanggang sa isang araw sinabi ko sa sarili ko na handa na ako. Kailangan ko ng i-level up itong relasyon namin. Mahigit anim na taon na din kami. Sobrang dami na naming pinagdaanan. I couldn't love anyone in this world. Hindi ko maisip ang sarili ko sa iba. Siguro panahon na. Panahon na para pakasalan ko siya.

Ilang linggo rin ang lumipas, I proposed to her. Yung proposal na alam kong kahit matanda na kami ay maaalala nya parin.

She cried. Pati ako. Hindi ko maipaliwanag ang saya sa mukha niya. And she said YES.

Dumaan ang mga buwan matapos ang proposal. Nagsimula ang mga weird na ginagawa niya every night. Nagsi-sleep walking siya at tuloy tuloy na lumalabas ng kwarto at umuupo sa hagdan.

Nakakatakot pero inaalalayan ko nalang sya pabalik sa kwarto. Halos gabi-gabi ganito ginagawa niya.

Isang gabi rin nang umuwi ako. Pagod na pagod galing trabaho. Nadatnan ko siyang may hawak na kutsilyo sa kusina. Sobrang nagulat ako kasi nakatayo pa naman siya sa likod ng ref. Mabilis na inagaw ko ito sa kanya at bigla nalang siyang nahilo.

RitKen Angst ✨Where stories live. Discover now