Stay A Little Longer

483 18 2
                                    

"Hoy! Ms. Rita Iringan! Ano na naman 'tong pinagsusulat mo? Anong mahihita ng mga kabataan dito 'e puro tips sa pagsusuicide 'to. Tsk. Wala ka na talagang pag-asa. Itigil mo na lang 'tong writing career mo!"

Palihim niyang tiningnan mula sa monitor ang nakakunot-noo na publisher na si Mr. Guzman.

Naisip niyang baka dahil iyon sa pagiging depress niya no'ng nakaraan. Naiwala niya kasi 'yung paborito niyang ballpen mula highschool. Ang nakakabilib sa ballpen na 'yon ay hindi nauubusan ng tinta. Parang magic! 

May naglagay yata sa bag niya no'ng oras na nagdadalamhati siya sa pagkamatay ng mahal niyang pusang si Katkat.

Ito ang magiging karamay mo simula ngayon. Naniniwala ako sa 'yo
may kalakip pa 'yong note.

Kung alalahanin niya ay napakasweet no'n. 
Palaisipan pa rin sa kanya kung sinong Poncio Pilato ang nagbigay no'n sa kanya. Alam yata nitong sa pagiging manunulat siya mapupunta.
---

"Laughtrip 'yung isa diyan. Buhay pa hanggang ngayon sa dami ng tips na ibinigay sa mambabasa. Hay naku!"

Pinaparinggan na naman siya ng kapwa manunulat na si Michelle. Ang init talaga ng dugo nito sa kanya. Napakaganda na nito't lahat, naiinggit pa rin sa kanya. As usual, kasama na naman nito ang kapwa nito kontrabida na si Angel na ang pangalan ay ang layo sa pag-uugali.

"Hayaan mo na lang 'yan bes, palibhasa puro X ang pinagsusulat kahit yata tuldok rated SPG diyan 'e." Sabi ng kaibigan niyang si Jane. Kasalukayan silang kumakain sa cafeteria.

Mula sa likod nito'y may nakita siyang lalaki na kumakain din. Napansin niya ito dahil na rin sa paraan nang pagtitig nila Michelle dito. 

Gwapo pero mukhang misteryoso at mailap. Napahagalpak nga siya nang tawa nang naglahad ng kamay si Michelle ngunit nilampasan lang nito pagkatayo nito.

---

'Ang biktima ay sinasabing nadepress matapos mabasa ang naipublika sa dreamwork na akda ni Ms. Rita Iringan'

Grabe. Hindi niya yata matatanggap na may reader siyang nagpakamatay matapos magbasa ng masaya niyang akda.

Pagkabukas pa lang niya ng Fb account ay samu't-saring komento na ang natanggap niya. Pati sa messenger ay puro hate messages ang laman.

'Bakit kasi kailangang ganun ang isulat mo!'

'Isa kang kriminal'

'Wala kang kuwentang manunulat!'

'Pakamatay ka na!'

Lahat ng mga salitang 'yon ay tila kutsilyong paulit-ulit na namahinga sa kanyang puso.

Hindi naman niya pinublish 'yon 'e! Wala siyang alam.

Agad niyang tinawagan si Mr. Guzman. Galit na galit agad ang matanda dahil damay ang kompanya nito sa nangyari.

---

"Lumabas ka diyan! Ms. Santos!" rinig nyang sabi ng isang babae na nasa labas ng bahay nila.

"Mamamatay tao ka!" dagdag pa nito.

"Ma'am, huwag kayong mag-eskandalo rito!" rinig nyang sabi ni Ms Santos.

"Anong huwag! 'Yung ibang kabataan nasa ospital pa ngayon! Hayop talaga ang writer na 'yan 'e! Palabasin n'yo siya!"

Takot na takot siyang sumilip nang kaunti mula sa bintana. Ang daming tao sa labas.

Lahat ay galit sa kanya.

Paanong sa isang iglap...
Kinasusuklaman siya ng lahat?

Hindi niya mapigilan ang maiyak.

Natigil ang komosyon sa labas nang biglang may dumating na nakasakay ng motorsiklo.
Mayamaya pa ay may katok siyang narinig mula sa ibaba. Sa pintuang nakapuwesto sa likod ng bahay.

RitKen Angst ✨Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin