She Felt Too Much

414 23 9
                                    

Ken's POV

Alas nwebe na ng gabi ng makarating ako dito sa tapat ng Alma Mater House, UP Diliman.

Umupo ako sa isang bench. Nakatingin lang ako sa malawak na field at inaamoy ang masarap na simoy ng hangin.

Ng mapapad ang mga mata ko sa isang puno ay nakita ko syang papalapit.

Si Rita.

My girlfriend for 10 years. 17 years old sya at 19 naman ako ng maging mag nobyo kami.

Sa loob ng sampung taon ay naging smooth ang relasyon namin. And I'm always grateful for that. Madalang kaming mag away, at kung may away man ay madali naming naireresolba. Madaming pagkakataon na iniintindi at inuunawa namin ang isa't isa dahil sabi namin hindi naman na kami mga bata para mag away pa at hindi ayusin.

Sa maikling salita, naging masaya ang sampung taon naming pinagsaluhan. Magkasama kaming nasstress sa kanya kanyang trabaho, sabay na naglalabas ng sama ng loob pag napupuno na sa pamilya, sabay na humahagalpak ng tawa pag natutuwa sa pinapanood, at sabay na umiiyak sa tuwing nakakamit ang bawat pangarap ng magkasama.

Masyado na ngang matibay ang pundasyon ng relasyon namin. Masyado ng mahirap tibagin, dahil kami mismong dalawa ang nag build ng trust and love bilang ugat ng relasyon namin.

Pero lahat pala ng yan, akala ko lang. Akala ko matibay at matatag kami. Matibay nga yung ginawa naming pundasyon, pero kami mismo ang hindi matibay.

"Hi." rinig kong sabi nya ng makalapit sakin.

Halos isang buwan na 'din pala ang nakakalipas simula nung huli ko syang makita. Isang buwan na din ang nakakalipas simula nung sinabi nya na,

Sorry Ken, pero hindi na kita mahal

"Kamusta ka?" Tanong ko sa kanya at nakita ko naman syang ngumiti. Napaka sakit saking makita ang mga ngiti na yun, alam ko kasing mamimiss ko yung mga ngiti nyang tunay na nakakapagpawala ng pagod ko.

"Ok naman ako. Kakauwi ko lang galing trabaho. Ikaw?"

"Yes, ako din."

Nabalot ng katahimikan ang ilang minuto. Walang nangungunang magsalita. Ramdam kong nangingilid na ang mga luha ko pero pinipigilan ko yun.

"Ken?"

May kung anong humaplos sa puso ko ng tawagin nya ang pangalan ko. Sampung taon kong nakasama yung taong nagparamdam sakin ng kakaibang kuryente sa tuwing babanggitin nya ang pangalan ko.

"Hm?"

"Sorry..." naririnig kong gumagaralgal na ang boses nya. Pinipigilan nya ding lumabas ang mga luha nya.

"Wala kang kasalanan Rita, wala."

Huminga ko ng malalim bago magpatuloy sa sinasabi ko.

"Wala kang kasalanan kung gumising na lang ako isang araw na hindi mo na ko mahal. Hindi kita masisisi. Siguro nga nagkulang ako, madami akong bagay na hindi napapansin at nagagawa, nasobrahan siguro ako sa confident na hindi na tayo maghihiwalay. Masyado akong nakampante na mahal na mahal mo ko."

Kumawala na ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

"Sa palagay ko ay hindi ka nagkulang, sa tingin ko nga'y sobra sobra na. Kaya pasensya ka na kung sa tingin ko ay hindi na ito mag wo-work."

"Ano bang problema? akala ko ba'y sobra na? But what made you say na hindi mo na ko mahal? Dahil ba lagi kong busy? Kahit naman palagi akong wala, alam mo namang mahal na mahal kita diba? Na ikaw lang ang babaeng gusto kong mahalin sa habambuhay. At lahat naman ng ginagawa ko ay para satin. Para sa future nating dalawa."

RitKen Angst ✨Where stories live. Discover now