Above All I'm Tired

527 29 4
                                    

"Rita! Ano ba!" rinig na rinig ko ang mahinang sigaw ni Ken. Ramdam na ramdam ko na ang galit sa mga boses nya dahil kanina nya pa ako tinatawag.

Pero wala akong pakealam. Simula ng matapos ang interview nya kanina, wala na kong pakealam sa kanya.

Kasalukuyan akong paakyat sa condo ko kaya naman pabulong lang kung sigawan ako ni Ken. Baka kasi may makapag video pa ng pahabol effect nya, ako pa magmukang masama.

Pagpihit ko ng doorknob ko ay bigla nya kong hinila papasok ng condo ko. Nararamdaman kong mahigpit na ang paghawak nya rito kaya naman inagaw ko na iyon sa kanya.

Anong karapatan nyang gantuhin ako? Loveteam ko lang sya.

Ayaw na ayaw kong sinasabi o pinapamukha sa kanya na loveteam ko lang sya, dahil hindi lang naman talaga sya loveteam para sakin. For me, meron kaming koneksyon na kahit kami lang ang nakaka alam ay alam naming puro at totoo. Sakin lang pala yun.

"Hindi mo pa rin ba ko kakausapin?! Ano bang problema mo?" tanong nya sakin at syang talikod ko naman.

"Sige, ilabas mo lang. Ilabas mo lang yung ugaling di mo magawang maipakita pag may camera Ken, ilabas mo lang. Ganun naman talaga eh, pag nasa camera ako itong mukang palaban at ikaw itong napaka-soft. Kaya ang tingin ng tao sakin, ako itong may problema eh. Pero ang totoo, ikaw naman talaga."

"Bakit ano bang problema sakin?" napatigil ako sa pagtatanggal ng hikaw ng marinig ko iyon mula sa kanya.

"Sagutin mo nga ko ng diretso, mahal mo ba ko?" walang pag aalinlangang tanong ko sa kanya.

"Oo. Ramdam mo naman siguro yun diba? Pinaparamdam ko naman sayo. At palagi ko naman ding pinapaalala sayo kung gaano kita kamahal."

"Ah. Alin? I love you??? as a friend? I get it." tumalikod na ulit ako sa kanya dahil ayokong makita nya na nagsisimula ng magtubig ang mga mata ko.

"Umamin ka sakin noon na mahal mo ko hindi lang bilang kaibigan. Diba? Pero nung ako na itong umamin sayo, sabi mo hindi ka pa handa. Pero putanginang hindi pa handa yan, ang harot mo naman po pala kung ganun, ano?"

"Rita, alam mong kailangan nating gawin yun dahil madami tayong projects. Kailangan nating ma-build up yung tandem na meron tayo."

"Hahahahahahahahahaha. Now, you're justifying your 'harot'. Sinabi mong hindi ka pa handa diba? Kaya sabi ko sayo maghihintay ako, kasi deserve mo naman yun. Ang hintayin. Kahit babae ako, maghihintay ako."

Huminga muna ko ng malalim at saka muling tumitig sa kanya. Wala na kong pakealam kung makita nyang mahina ako. Dahil eto ang totoong ako. Naging ganto ko nung piliin kong mahalin sya. At akala ko hindi ko pagsisisihan yung araw na minahal ko sya dahil naniniwala akong magiging masaya kami balang araw. Pero mukang hindi pala ganun ang mangyayari.

Ako pala itong naghihintay sa wala.

"Ken, bakit mo ginagawa sakin 'to? Ano yung mga sinabi mo kanina sa interview? Alam mong naghihintay ako diba? Hindi ito pagsusumbat ha, pero ako na ang lumalapit sayo diba? Ako na ang umiintindi sa lahat ng problema at drama mo sa buhay. Ako na ang nagbubuhat sa loveteam natin sa tuwing mararamdaman ng fans na parang wala lang. On or off cam, ako itong give na give. Wala akong pakealam kung anong isipin sakin ng ibang tao kasi ganto ako magmahal, ganun kita mahalin.

Alam mong naghihintay ako diba? Na isang araw sasabihin mo sakin na hindi na kaibigan ang tingin mo sakin? Na isang araw sasabihin mo sakin na handa ka na, handa mo na kong tanggapin at mahalin. Na isang araw, gigising ako na hindi na tayo loveteam LANG. Kasi ganun naman talaga pag naghihintay diba? You tend to look forward dun sa mga araw na magiging masaya na kayo.

Du hast das Ende der veröffentlichten Teile erreicht.

⏰ Letzte Aktualisierung: Jun 11, 2020 ⏰

Füge diese Geschichte zu deiner Bibliothek hinzu, um über neue Kapitel informiert zu werden!

RitKen Angst ✨Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt