The Author

63 15 2
                                    

Hanggang sa pag-uwi ay hindi na nilubayan ng isip ko ang lahat-lahat.

Ang katotohanang may ibang gusto ang best friend ko.

Ang mga ngiti niya na para lang kay Zariyah.

Ang mga payo ko sa kaniya.

Paulit-ulit iyong nagre-replay sa utak ko, sinasampal sa akin ang katotohanang isang hamak na kaibigan lang ako sa mata ni Ayen.

Pathetic as it may seem, but I'm still hoping. Hoping that he'll eventually divert his feelings to me. Pero alam ko namang impossible na iyong mangyari. Umpisa pa lang, nang sabihin niyang kaibigan na niya ako, talo na ako. Naghahanda pa lang ako, tapos na ang laban. Binubuksan ko pa lang ang libro, may nakaukit nang wakas.

Napabalikwas ako ng bangon nong gabing iyon. Kahit kailangan ko ng mahaba-habang tulog ay sinakripisyo ko na lang iyon upang mapaghandaan ang nabuong plano. I grabbed my extra notebook and a cheap pen. Heaving a sigh of determination, I started scribbling down my plans on the first page.

Buo na ang desisyon ko. Kailangan ko 'tong gawin para sa ikasasaya naming dalawa.

Kinaumagahan.

I dragged Ayen into the corner of the cafeteria. Sa pinakasulok na lamesa kami umupo. Ayen was eyeing me weirdly as he didn't bother to touch his food.

"Ano bang nangyari sa'yo?" takang tanong niya.

I raised my palm, signaling him to wait. Puno pa ng isang buong sandwich ang bibig ko kaya ayaw ko munang sagutin siya dahil konting tulak na lang ay mabubulunan na ako. Hinablot ko ang tubig saka iyon tinungga. Nabasa pa ang blusa ko nang umapaw iyon sa bibig ko.

I didn't expect him to grab my arm while leaning his head near my face. Wala sa sariling nalunon ko ang pagkalaki-laking piraso ng pagkain dahil sa kabang binibigay ng matiim niyang titig sa akin.

"Hoy. Chrystal Mae Astillero. Alam kong sabog ka madalas pero ibang level na 'to," puno ng diin niyang sabi. Mas lalo pa siyang lumapit bago bumulong. "Nagdo-droga ka ba? Sabihin mo sa akin ang totoo dahil kung oo, ibabalibag kita ora mismo."

I gawked at his last remark. Sa sobrang inis ay nabato ko pa ng matindi ang walang lamang plastic bottle ng tubig sa ulo niya.

"Aray ko naman! Yan na nga ba ang sinasabi ko eh." Sinighalan niya ako. "Kailan mo pa natutunan 'yan?! Tigil-tigilan mo 'yan, Talme, ha kung ayaw mong ako mismo ang kakaladkad sa'yo sa presinto!"

"Kupal ka!" Hindi ko mapigilang sumigaw. "Hindi ako sumisinghot! Napuyat lang talaga ako kagabi kaya ganito itsura ko!" Halos hindi ko na mahabol ang hininga ko. Bigay na bigay ba naman sa pagsigaw.

Ka-inis! I know I look like shit right now but that's just too much! Lagi naman niya akong inaasar pero ibang level naman iyon. Mas gugustuhin ko pa yatang isa-isa niyang punahin at pagtawanan ang mga ebidensya ng pagpuyat ko kesa sa mapagkamanlang gumagamit ng droga.

"Eh bakit ka naman nagpupuyat?" kapagkuwa'y tanong niya nang kumalma na kaming dalawa.

Hindi ako umimik. Instead, I pulled the notebook from last night and placed it in front of him. Salubong ang kilay niya itong binuklat. Binasa niya ang unang pahina saka unti-unting nankalaki ang kaniyang mga mata. He scanned through the pages. Nang makitang halos nangalahati na ang mga pahinang may sulat ay saka naman nalaglag ang kaniyang panga.

"A-Ano 'to?" gulat niyang tanong.

"Plot 'yan para sa istorya niyong dalawa ni Zariyah. In short, plan of action para magkatuluyan naman kayo," I said nonchalantly, but deep inside, my heart is tightening as I speak.

The Author & The EditorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon