The Midpoint

35 9 0
                                    

Habang hinihintay na matapos ang pagbaba ng elevator, walang ibang laman ang utak ko kundi ang natanggap na email mula kay Sir West. For the last five months we never got the chance to meet again for personal reasons, even though we live in the same apartment and on the same floor. Our every interaction always revolve around work. Nothing more, nothing less.

Kaya nakakagulat lang na ayain niya ako (for the first time) ng dinner sa isang sikat ng restraurant. Nakapagtataka rin dahil wala siyang binanggit na tungkol sa trabaho ang ipupunta ko.

Hindi naman kaya iyon date?

“Hala! Imposible! Sobrang labo. Malabo pa sa kanal,” I mumbled with a frown.

The elevator door opened. I stepped out with my boots clicking on the tiled floor in every step, a box of milk in my hand. Simpleng tank top, denim jacket at slip skirt lang ang suot ko para bumagay sa panahon ngayon ng San Francisco.

Binigyan ko ng tipid na ngiti si Madeline nang magkasalubong kami sa lobby.

The pristine glow of amber streetlights flickered on the night city streets as soon as I stepped out of front door. Sinulyapan ko ang wrist watch at nakahinga ako ng maluwag nang makitang 6:30 pa lang. Bumaba ako sa hagdan saka lumiko sa kaliwa. As I approached an alley just a few steps away from Willard's Inn, the sight of a kitten sitting inside a box made the corner of my lips to curve up.

Nilapitan ko ang puting kuting na natagpuan ko dito sa eskina kailanlang. Bata pa lang mahilig na ako sa mga pusa. Matagal ko nang in-adopt ang kaawa-awang inabandonang kuting na 'to kung hindi lang banned ang mga alagang hayop sa Willard's.

“Hi, Bunny! Are you doing well?” I cheerfully chirped while pouring the milk on a bowl that I especially bought for her.

I know it was a terrible irony to name her Bunny but it just suits her well. Sobrang puti ng balahibo nito. Tumaba na rin ang katawan mula nang inalagaan ko ito. Kaya nagmumukha siyang kuneho sa paningin ko dahil sa lumobo niyang pisngi.

“Sorry I can't pet you today. I'll be back later, okay?”

I patted her head before turning my heels to leave.

Agad akong pumara ng taxi saka nagpahatid sa address na binigay ni Sir West. I still have a lot of questions circulating my head regarding this sudden invitation, but I opt not to be bothered about it for the minute. Inisip ko na lang na ang importante ay may libreng hapunan pa ako.

Pagkababa ko ng taxi ay nagpakawala ako ng hangin. Tumambol na naman ang dibdib ko sa kaba. I shook my head to clear my mind before entering the restaurant.

Hindi ko na kailangan hanapin pa si Sir West. Nakaupo siya sa bandang gitna kaya ang supladong niyang mukhang ang unang bumungad sa akin pagpasok.

Napaka-unfair talaga.

Kung kukwentahin ay mas marami pa siyang trabaho kaysa sa akin. Maaga akong nag-off kaya may oras pa akong mag-ayos ng sarili. But Vince West Zekiel is no doubt really good-looking in nature. He's still wearing his office attire and his hair was slightly disheveled. I could even see traces of sweat on his temple but that it weren't enough to affect his charisma.

Nilunok ko ang natitirang kaba na naipon sa lalamunan ko saka lumapit sa kinaroroonan niya. Naramdaman niya ang presensya ko kaya lumingon siya sa gawi ko. Our gazes met, I nodded as I gave my best to smile. Gusto kong pagtawanan ang sarili ko nang suklian lang niya ako ng malamig na tingin.

Ang sungit talaga.

Bahagya akong nagulat nang tumayo siya't iginaya ako sa upuan ko. He pulled a chair for me which caused my stomach to churn for an unknown reason. Sinigurado pa muna niyang komportable akong nakaupo bago bumalik sa upuan niya.

The Author & The EditorWhere stories live. Discover now