The Prologue

119 21 8
                                    

I have a childhood friend. His name is Ayen and we met in a rather unpleasant way in kindergarten.

Makulit siya kagaya ng ibang bata. Hindi mapirmi sa isang lugar at panay ang pangingialam sa mga kaklase. Talagang mapapansin ng lahat ang kakulitan niya ngunit para sa karamihan ay parte lamang iyon ng pagiging bibo niya. Marami ang natutuwa sa kaniya, well, except for me.

“Talaga bang Chrystal Mae ang pangalan mo? Sobrang girly kasi ng name mo pero you don't act like a girl. Mas maputi pa nga ako sa'yo oh!” pinagduldulan niya pa ang braso niya sa balat ko para ipakita ang kaniyang pinupunto. Tahimik naman sana akong nagkukulay sa isang gilid pero bigla na lang sumulpot is Ayen at dinidisturbo ako.

I glared daggers at the nosy boy. Kumikibot pa ang kilay ko sa inis na nararamdaman. Hindi ako makakapayag na basta na lang akong insultuhin ng kutis labanos na 'to!

“Eh bakit ka ba kasi lapit nang lapit sa akin?! Kung ayaw mo sa pangalan, itsura, at kutis ko, lumayas ka na lang at magbigti!”

“Gusto ko lang namang makipagfriends,” tila tutang biglang umamo ang kaniyang mukha. “Ayaw kong sumali sa grupo nina Konan kasi nambubully sila ng ibang bata. Ayoko rin namang makipagfriends sa mga babae kasi puro barbie at disney ang pinag-uusapan nila. Kaya sa'yo na lang ako.” Pinagsiklop pa niya ang dalawang kamay. “Let's be friends, please? I like you kasi hindi ka tulad ng ibang bata. Girl ka pero mukha kang lalaki— Ahhh!”

Sinaksak ko ang kamay niya. Gamit ang inosenteng lapis. Monggol 2. At bagong tasa pa.

I was suspended for two weeks because of what happened. I really have a bad temper when I was a kid. Lalo na kapag harap-harapan akong iniinsulto o sinasaway. Kaya hindi nakatakas si Ayen sa pagtaas ng alta-presyon at naranasan niya ang galit ng isang kuting na pinaglihi sa bulkan. I didn't even say sorry to him hence the long suspension.

Hindi magandang pangyayari ang una naming pagkikita pero hindi namin inasahang magiging simula pala iyon ng isang matibay na pagkakaibigan.

I never thought that he would be nice to me again after that incident. Akala ko ay iiwasan niya ako o 'di kaya ay gantihan. Ngunit nang pumasok ako sa eskwelahan matapos ang palugit ng parusa, isang hindi inaasahang ngiti ang isinalubong niya.

“Baka naman may binabalak ang isang 'yon?” bulong pa ng isang bahagi ng utak ko.

Iniwasan ko siya nang araw na iyon. Kung pwede lang akong maglagay ng bakod na may kuryente sa palibot ko ay malamang ginawa ko na. Pero hindi siya si Ayen kung hindi siya makulit. Sinubukan niya ulit akong kausapin. Hinikayat niya ulit akong maging kaibigan niya. But of course I still have my doubts.

“Ano ba!” singhal ko nang napugto na naman ang aking pasensya. Break time ngayon at kami lang dalawa ang naiwan sa room.

“Kaibiganin mo na kasi ako.”

“Bakit ba ganiyan ka?!” I asked with creased forhead, confused. “Hindi mo ba naalala ang pagsaksak ko sa kamay mo? Nagka-amnesia ka ba? Bakit gusto mo pa ring makipagkaibigan sa taong sumaksak sa'yo? Baliw ka ba?”

“Siguro nga,” kibit niya. “I want you to be my friend. Forever.”

Sa pagkakataong ito ay napakaseryoso niyang tingnan. At doon lang ako nagkaroon ng chance na sipatin ang kabuuan niya. His skin is fair and white. He was close to being skinny but his face did its best job to avert everyone's attention from his body. Sa murang edad ay nangingibabaw na ang mahaba niyang pilikmata. Tila ring kumikislap ang mga mata lalo na kapag nasisinagan ng araw.

Natahimik ako noon habang pinagmamasdan siya.

Hindi ko na lang namalayang hinahayaan ko na siyang lumalapit-lapit sa akin sa mga araw na lumipas. I let him bother me every break time until we began talking casually. Dahil doon ay nalaman naming marami kaming pagkakatulad. May mga bagay na parehas naming gusto. At mayroon din namang hindi.

Then eventually we became friends. The best of friends if I do say so.

Halos hindi na kami mapaghiwalay simula noon. Sa sobrang malapit naming dalawa ay tandang-tanda ko na ang bawat detalye ng kaniyang mukha. Within all those years of friendship, I only keep on looking at him. His every emotion, gestures, and reaction. Lahat ng iyon ay sinubaybayan ko na parang telenovela.

Lagi akong nakatingin kay Ayen. I was mostly interested with his eyes. Parang gusto ko iyong sisirin hanggang sa makita ko ang kaniyang kaluluwa. At first, I thought it was just a normal thing between friends. Not until I suddenly hear my heartbeat racing. That strange feeling keeps bothering me until I realized what was going on. Grade 5 kami noong inamin ko sa sarili kong crush ko siya. At sa Grade 10 ko lang napagtanto na mahal ko na pala siya.

I tried confessing my feelings to him but every attempts were all in vain. Napangugunahan ako ng takot, hiya at pangamba. Takot na baka i-reject niya ako. Hiya na gagawin ko iyon ng harap-harapan. At pangamba na baka maputol ang pagkakaibigan naming dalawa.

I don't want to take risks, so I chose our friendship over my feelings. I am secretly in love with my bestfriend since then.

And now, 12 years later after I stabbed him with a pencil, my love for him keeps growing and growing. I didn't look on any other man except for him.

But unfortunately, his eyes are fixated to someone else.

“Ang ganda niya talaga,” bulong ni Ayen habang nakahalumbaba sa desk niya.

Hindi ko napigilan ang pagkibot ng mapait na ngiti. Hindi ko alam kung magpapasalamat ako at parang tuliro siyang nakatitig sa kaklase namin dahil hindi man lang niya nakikita kung gaano ako nasasaktan sa aking nasaksihan.

I immediately plastered a timid smile when he faced me. “Talme,” parang batang tawag niya.

“Oh? Ano na naman?” kunwaring natatawa kong tanong.

Bumusangot siya ngunit may halong pagbibiro. “Paano ba ako maging karapat-dapat para kay Zariyah?”

Binalingan ko ang tinutukoy niya. Sa kabilang bahagi ng room ay nakaupo ang babaeng dalawang taon nang hinahangaan ni Ayen.

Zariyah Montello. Pangalan pa lang ay wala nang panama sa akin. Lalo naman ang mukha. Napakaganda niya. Maputi, makinis, mabait, matalino at talentado. Kinaiinggitan siya ng mga kababaihan dahil pinagkakaguluhan siy ng mga kalalakihan. Every man would love to be her first boyfriend. At isa na roon si Ayen.

I exhaled silently, supressing the agony that I badly want to express. I closed my eyes to prepare myself. Dahil sa ikalawang pagkakataon, kailangan ko na namang magpanggap.

Ngumisi ako sa kaniya bago sumagot.

“Perpekto ka naman ah.”

Umismid siya. “Hindi ako 'sing-gwapo ng Jungkook at V mo.”

“Pero isa ka naman sa mga campus crush dito.”

“Wala akong ibang alam na sports kundi basketball.”

“At least ikaw ang captain ng team niyo, duh.”

“Hindi rin ako naging top 1 ng buong school.”

“Kasi top 2 ka. At kapag gumadruate na si Kuya Jude, sure akong ikaw na ang magiging top 1.”

Saglit siyang napa-isip doon. “Oo nga 'no?” Napailing na lang ako sa kaniya.

“Alam mo kung ano'ng kulang sa'yo?”

“Ano?”

“Initiative.” His forhead wrinkled at what I've said. “Hindi mo siya makukuha kung hanggang tingin ka lang. Dapat tumayo ka kung ayaw mong maunahan.”

Sabay kaming napalingon sa gawi ni Zariyah kung saan papalapit naman si Carlos na may gusto rin sa babae. I kicked Ayen's chair which startled him. Mabilis siyang tumayo, tumakbo at inunahan si Carlos na makalapit kay Zariyah. And seconds later, they're already enjoying each other's company habang nanlulumong bumalik si Carlos sa kaniyang upuan.

I shook my head in dismay.

“Tss. Para sa sarili mo yata ang mga sinabi mo kay Ayen, Chrystal Mae,” mahinang bulong ko sa sarili. “May pa-advice advice pang nalalaman. Eh kung ipukpok mo kaya yan sa kokote mo nang matauhan ka.”

The Author & The EditorWhere stories live. Discover now