The Epilogue

38 6 1
                                    

This chapter is dedicated to keleanneix. Thank you for adding TAATE to your reading list.

_______

“Chrystal, have you watched the series that I told you— OH MY GOD! What happened to your face?!”

I groaned before burying my face on the keyboard. Hinila ni Beverly ang balikat ko para humarap ako sa kaniya pero hindi ako nagpatinag.

“Hey, girl! Come on let me see!”

I grunted once more as I throw my head back up. Nang makita ni Beverly nang harap-harapan ang aking mukha, bigla ay bumuhanglit siya ng tawa. Dinuro niya pa ako, kuminang sa ilaw ang kulay pula niyang kuko.

“Oh God! What happened to you?” she snorted, letting another series of restrained chuckle.

Umikot ang bilog sa aking mata at tinalikuran siya. Hinarap ko ang lamesa saka inabot ang isang compact mirror. I can still hear Beverly's laughs and snorts in the background as I watched the terrible mess as I am on the reflection.

Reddish swollen eyes. Visible dark circles around it. Oily cheeks. Plus uncombed dishiveled hair.

Yup, I can audition as Hollywood's next monster right now.

“Ugh!” Sinubsob ko muli ang mukha sa keyboard. “Early in the morning and I already look like a midnight ghost.”

Narinig kong bumuntong-hininga si Beverly. “Geez, Chrystal, have you been crying?”

May narinig pa akong konting kaluskos sa aking likuran pero hindi na ako nag-abalang mag-angat ng tingin.

Kasalanan talaga 'to ni Sir West!

Ang ginawa niya, ang mga sinabi niya, ang mga pinaramdam niya, minumulto ako ng mga iyon kagabi. Kahit anong gulong ko sa kama ay hindi pa rin mawala sa isipan ko ang sandaling iyon.

Imagine, ang superior kong mailap at masungit, bigla na lang magsalita na parang may gusto siya sa akin tapos hahalikan ako sa noo. Sinong hindi magugulat doon?

“Hey, Chrystal, get up,” biglang sabi ni Beverly sa aking likuran. “We need to do something with your face before the others arrive.”

Bumangon ako mula sa pagkasubsob saka hinarap ang katrabaho na may hawak nang concealer ang brush sa kamay. She has that wicked grin on her lips that I nearly ran off if she hadn't blocked the way out of my cubicle.

“What are you going to do?” I asked nervously with a frown.

Mas lumapad pa ang ngisi ni Beverly. “Relax, dear. I'm just going to do my magic.”

Hindi na ako nakapalag pa nang simulan niya ang kaniyang 'magic.'

Beverly has always been fond of cosmetics. Makakalimutan niya ang pagpasa ng article pero hindi ang paglalagay ng kolorete sa kaniyang mukha mula sa pagpasok, lunch break, hanggang sa pag-uwi. Ganoon siya ka-concious sa kaniyang itsura at kaadik sa pagre-retouch. Although she oftentimes use vibrant colors, it would always suits her skin and even her outfit.

Beverly is expert in the fashion field. Hindi kagaya ko na nagsusumigaw ang kasimplehan. I don't wear heavy make-ups— simpleng press powder at tint lang para sa labi saka manipis na eyeshadow. Madalas rin akong naka-ponytail. Wala akong fashion sense noon pa man kaya basta ko na lang isusuot ang mahablot ko sa dresser.

Kung nandito lang si Ayen baka aasarin na ako n'on na hindi na ako ang Talmeng nakilala niya. Baka hinila na niya ang ponytail ko saka ipapaalala sa akin kung ilang beses siyang nagpresinta na taliin ang aking buhok dahil wala akong balak ayusin iyon. Baka dumukwang na siya nang sobrang palapit sa mukha habang sumisingkit ang mata para suriin kung naglalagay na ba talaga ako ng kolorete sa mukha.

The Author & The EditorDonde viven las historias. Descúbrelo ahora