The Editor

57 14 1
                                    

When I first stepped into the cobblestone streets of San Francisco, I knew my life will go into drastic changes. The cold autumn breeze that hastily slammed my face told me so.

Nanginginig ang mga paa nang bumaba ako ng taxi. Kahit sa gitna biyahe ay ramdam ko pa rin ang lamig ng temperarura sa labas. Bumuga ako ng hangin at lumubas ang usok sa bibig ko. I hugged myself more in my trench coat as I waited for the driver to take out my luggage.

“Here you go, Miss.” Nagpasalamat ako matapos abutin ang dalawang maleta. “It's too late for me to say this, but welcome to San Francisco,” he said with a grin.

Tipid na ibinalik ko ang ngiti dahil tila hindi pa maproseso ng utak ko na nasa ibang bansa na nga ako. Isa pa ay nakatuon lang ang atensyon ko sa usok sa bumubuga sa kaniyang bibig habang nagsasalita ito. Kailanlang ay sa mga palabas ko lang napapanood ang ganoong eksena.

Pinilig ko ang ulo saka tiningala ang building na nasa harapan ko. The first floor has thigh-length gray brick walls and the remaining walls upward was colored in red. May iilan rin akong nakitang halaman na nakapatong sa pasimano ng ilang bintana.

“Welcome sa bago mong tirahan, Talme,” I whispered in the humid air.

Tinapik ko ang kanang balikat, saying goodluck to myself.

Hinila ko ang mga bagahe ko papasok sa apartment kung saan ako titira sa susunod na mga buwan. The building was owned by the CEO of Quatervois magazine, which offered me the job opportunity, and most of the tenants are their employees, according to the HR head who emailed me.

Isang malawak na lobby ang sumalubong sa akin. Medyo nagulat pa ako dahil may pagka-modern ang interior nito, taliwas sa Edwardian na disenyo ng nasa labas. At the right corner was an L-shaped beige couch over a black fur carpet. The elevator was on the far left corner and adjacent to it was the stairs.

“Welcome to Willard's Inn, Ma'am. My name is Madeline and I kind of like manage stuffs around here. Do you happen to be Ms. Astillero?” nakangiting bati sa akin ng isang babae na nakaabang sa gilid. Naka-messy bun ang blonde nitong buhok. Nakaka-inggit lang dahil malinis at maganda pa rin itong tingnan.

“Uh yes. I'm Chrystal Astillero,” I flashed a timid smile, roaming my eyes to again to avoid eye contact.

Ang awkward naman nito! Kailanlang ay pinagtitripan ko pa ang mga kano sa Pilipinas, ngayon pinapalibutan na nila ako.

Inabot ni Madeline ang isang susi. “Here's the key to your room, Ms. Chrystal. Your room number is 207 at the third floor. Do you want our assistance for your luggage?”

“No! No thanks,” iling ko. “Keri ko na ito saka may elevator naman.”

Kumunot ang kilay niya. “Pardon?”

“Ah— I mean. I can use the elevator naman to get there. . . without help,” I let out an awkward chuckle.

“I see. Enjoy your stay, Ms. Chrystal.”

Tumango ako. Pagtalikod ko ay agad na nawala ang ngiti sa labi ko kasabay ng marahas na pagbuga ng hangin.

Tae. Mauubusan ako ng english dito.

Nagtungo ako sa elevator. Pinindot ko ang 3rd floor. Naglikha ng ingay ang pagsara ng pinto na gawa sa grills pati ang kalampag ng kable sa itaas nang umangat ang lift. Nakatuon lang ang atensyon ko sa ingay ng elevator, tila sinasaulo ang bawat tono na nililikha nito dahil ito na ang maririnig ko araw-araw.

Grabeng adjustments nga naman talaga ito.

Napaigtad ako nang bumukas ang pinto sa likuran ko. Naguguluhang nagpabalik-balik pa ang tingin ko sa magkabilang pinto ng lift. I looked up for a second and did an imaginary calculation of the geometry of this building but I gave up the moment my head started to ache.

The Author & The EditorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon