CHAPTER 6

88 53 1
                                    


"Your name is Jare?, am I right?."
Napalunok  siya ng marinig niya ang nakakakilabot na boses ng Señorito Vandalemo, kasalukuyan itong nakatingin sa malawak na pag-aari  nitong lupain.

Hindi niya alam kung bakit siya biglang pinatawag.

Mahigit  dalawang linggo na din ang lumpipas  ng naganap ang insedenteng iyon at hanggang ngayon ay  hindi parin niya nakikitang lumabas sa mansion ang anak nitong si Savana Vandalemo balak nya pa sanang humingi ulit ng patawad.

'Okay lang kaya siya?'
Nagsimulang mamula ang kanyang  tainga kapag naisip niya iyon.
'Ang tanga mo kasi Re.'

Nagsimulang pinagpawisan ang kanyang mga kamay ng tumayo mula sa pagkaka-upo ang kanyang amo.

'Pagagalitan ba ako nito?, bugbugin nya ba ako dahil sa ginawa ko sa anak nya?, eh aksedente lang naman iyon at hindi ko sinasadya, T-tatanggalin nya naba ako sa  trabaho?, pano naman ang  pinangako ko sa  pamilya ko?.' Natarantang  sabi nito sa kanyang isipan.

'Baka sinumbong na ako non ng papa nya.' Hindi nya  maiwasang hindi malunggot.

"O-opo Don."

"Sinusubay-bayan ko ang mga galaw  mo Re."

"Po?." Hayan nya ito na ang kinakatakutan nya.

"Maupo ka." Sabi nito kaya umupo din siya sa may unahan.

"Wag dyan Jare, ang  layo mo paano  tayo makakapag-usap nyan."

"Ah pasensya na po." Paumanhin nya at saka umupo malapit sa may-ari ng lupain na kanyang tinatapakan.

"What do you like to drink? beer?, wine- "

'Balak nya ba akong lasingin? At kapag lasing na lasing na ako ay dyan na  nya ako papatayin? Ano  ba naman tong iniisip ko' saway niya sa kanyang sarili

"A-ano po Juice nalang, hindi po kasi ako umiinom ng g-ganyan."
Tumawa ang may edad na lalake sa kanyang harapan at saka napailing na ikinakagulat nya.

'May Mali ba sa sinabi ko?.'

"You never failed to amazed me Jare."
Napakamot naman siya sa kanyang noo ng marinig niya iyon.

Kahit hindi siya nakapagtapos ng pag-aaral ay alam naman niya ang lengwaheng English dahil minsan tinuturuan siya ng Guro na kapitbahay nila, gusto rin nya kasing matuto para may kaalaman din siya.

"B-bakit po?."

"Minamanmanan kita, your a hardworking person, Hindi karin tumitigil sa pag-t-trabaho kahit break time nyo na."

Hindi naman siya nakapag-salita agad, baka palagat Lang to.

Kinuha nya ang juice na inilapag sa lamesa na bagong dala ng isang katulong.

Nagdadalawang isip siyang inomin iyon dahil baka may lason, pero sa nakikita niya lay Don ay mukha naman itong mabait kaya ininom na lang nya ang juice.

Pumikit siya at nagbilang pero maraming minuto na ang nakakalipas ay hindi naman bumubula ang bibig nya. *sigh* nakahinga naman siya ng maluwag.

"These past few days I've been thinking." Anito at saka uminom ng wine.

"How about ikaw muna ang mamahala ng sakahan na to? All you just have to do is to watch them, order them the things they must do, and also you have to check if they're doing good." Muntikan naman siyang mapaubo sa sinabi ng kanyang boss.

"A-ano po  hindi ko po yan matatanggap, at saka wala po akong sapat na pinag-aralan para dyan Don Vandalemo at baka maging palpak ako sa trabaho."

" I don't take a No answer Re."

"P-pero po baka ma-."

"Just start tomorrow ok?, I trust you and don't worry, I will give you the proper guidelines how to do your job well."
Nahihiya naman siyang ngumiti dahil sa sinabi nito, pano nalang kung maging palpak siya?, baka ito na ang pagkakataon na matalsik siya sa trabaho. 

"By the way, kamusta naman kayo ng anak ko?." Nabulunan  naman siya sa kanyang kinain na  tinapay ng marinig ang  salitang iyon.

"Ano ka ba Jare hinay-hinay lang hindi ka mauubusan nyan." Paghahagod ng Don sa kanyang likod.

"N-nakakahiya naman po, pasensya nga po pala."

"That's ok, so how is it?."

"A-ano po isang beses kulang siya nakita at nakasalamuha  at yun lang  po Don.

"Sinusungitan ka ba nya?, I'm so sorry for her behaviour Jare I spoiled  her too much without knowing na umaasim na ang ugali nito." Natatawang sabi ng Don at  Ngumiti naman siya.

'Ang bait naman pala ng Don Vandalemo, saan kaya nagmana ang Señorita eh ang sungit sungit non.'

"But that's weird." Napatingin naman siya ng Makita niya ang Don na nakatingin sa mga trabahador na may  kani-kanilang ginagawa.

"Bakit po.?"

"Hindi mo siya nakikita pero nakikita ka nya." Naguguluhan naman siya sa sinabi nito kaya inilibot niya ang kanyang paningin at napahinto ang malikot niyang mga mata sa isang puno kung saan parang may nagmamasid sa kanila.

"I want you to do me a favor Jare." Tingin nito sa asul na  kalangitan

"Take good care of my daughter."
Napa awang ang kanyang labi sa narinig nito at napalunok ng makita niyang lumabas sa pinagtataguang puno ang babae na si Savana. Naka tingin ito  sa kanya  while glaring at him.

"Paano naman ako nito?." Napakunot noo ang Don ng marinig niya ang mangingiyak na boses ng binata habang nakatingin sa Puno kung saan nakatayo ang kanyang anak na babae

To be continued...

-Unedited-

✂ - - - - - - - - - - - - - - - -

Original by
(NSseries)
All Rights Reserved 2020

NStorySeries
Present
"The Faded Photograph"

The Faded Photograph |COMPLETE|Onde histórias criam vida. Descubra agora