CHAPTER 28

33 14 0
                                    

New Beginning

Kasalukuyang nasa loob ng modernong kubo si Jare. Nabili na rin kasi niya ang lupang pinagtatayuan ng kanyang may kalakihang kubo.

Pero para sa kanya parang wala lang lahat yun, Nakamit nga nya ang kanyang mga pangarap pero sabay namang mawala sa kanya ang lahat.

Si Sab at ang natitirang pamilya nya.

Pinunasan niya ang mga  namumuong luha na nagmula sa kanyang mga mata.

Nakatingin siya sa labas ng bintana at napabuga ng mahinang paghinga.

Mag dadalawang buwan narin ng huli niyang makita si Sav. Nitong nakaraang buwan ay inaabangan nya pa ang dalaga kong kailan ito lalabas mula sa kwarto para makapag-usap ulit sila pero bigo siya.

Mariin niyang naipikit ang kanyang mga mata ng bumalik sa  kanyang alala-ala ang pagtaboy ni Sav sa kanya.

***
"Wala na tayong dapat pag-usapan pa."

"S-Sav handa akong maging ama sa ipinagbuntis mo p-please lang wag naman g-ganito oh." Pagmamakaawa n'ya.

"P-please Jare t-tantanan mo na a-ako, may kanya kanya na tayong p-pamilya." Naguguluhan siya sinabi nito.

"Pano naman t-tayo? Sav--." Hindi siya nakapagtapos sa pagsasalita ng sinuntok siya sa mukha ni Josh.

Bumagsak siya sa sahig at naiyukom niya  ang kanyang mga kamay.
"P-please u-umalis k-kana." Umiiyak nasabi nito sa kanya at iniwan siya.

Napabuntong hininga siya at saka marahang ibinuka ang kanyang berding mga mata, bumungad sa kanya  ang asul  na langit.

'Ang ganda ng panahon pero hindi maganda ang araw ko.' Turan nitong nakatingin lamang na parang tulala.

Hindi narin siya pumapasok sa kanyang trabaho at hindi na nagpapakita sa mga kasamahan n'ya. Nakausap rin nya  si Don  Vandalemo at humingi ng tawad sa kanya dahil sa nagawa  ni Sav.

Tanggap naman nya kung anong nangyari kay Sav, ganon niya kamahal  si Sav, kayang-kaya niyang magbulagbulagan kahit ang sakit-sakit na pero ang hindi niya lang matanggap ay ang  hindi paglaban nito sa relasyong meron sila.

Walang araw at Gabi siyang hindi umiiyak dahil sa sakit ng kanyang nararamdaman. Parang pasan-pasan nya ang buong mundo at ang mga hinanakit nito.

Nakatitig parin siya sa langit at saka napayuko, nahagip sa kanyang mga mata ang isang guitara.

'Binili ko pa naman to para m-ma kantahan ko si S-Sav p-pero w-wala na sya eh.'
Pinunasan nya ang isang butil na luha sa kanyang  pisnge. Kinuha niya iyon at saka umupo ulit. He started to strum the guitar, played well and started to sing.

🎵Baby won't you tell me why there is sadness in your eyes, I don't wanna say goodbye to you🎵 Bumalik sa kanyang alala ang pagtataboy ni Sav sa kanya pilit man niya itong  iniintindi pero minsan hindi na nya  ito naiintindihan.

🎶Love is one big illusion I should try to forget, But there is something left in my head🎵pinilit man niyang maging masaya, kalimutan lahat ang  magandang ala-ala nila na nakabaon sa isip at puso nya pero hindi nya magawa dahil sa sobrang pagmamahal niya kay Sav.

🎶You're the one who set it up🎵
Napangiti siya ng maalala ang mga pangyayari kung paano siya nahulog  sa kamalditahan nito, sa magandang ngiti ng dalaga na syang  dahilan ng mabilisang pagtibok ng kanyang puso.

🎵Now you're the one to make it stop
I'm the one who's feeling lost right now🎶 Pero napawi rin ang kanyang ngiti ng bumalatay ang  sakit ng kanyang puso dahil sa paglayo nito.

🎶Now you want me to forget every little thing you said, But there is something left in my head🎵 Patuloy parin siya sa pagkanta at pagkuskos ng kanyang guitara habang nakangiti ng mapakla.

🎵I won't forget the way you're kissing
The feelings so strong were lasting for so long🎶 Na m-miss narin nya ang halik ng dalaga at kung paano ito naglalambing sa kanya na mukhang hindi na maibabalik pa.

🎶But I'm not the man your heart is missing That's why you go away I know🎵

🎵You were never satisfied no matter how I tried

Now you wanna say goodbye to me

Love is one big illusion I should try to forget But there is something left in my head🎶

Kanina pang umiiyak na nakikinig si Sav sa may pintuan.

She miss him so much..
Gusto niyang tumakbo at yakapin ito ng mahigpit pero hindi nya magawa dahil sa kahihiyang nagawa nya.

Pinunasan nya ang kanyang mga luha na patuloy paring nagsisilabasan, pinakalma ang sarili pero bigo siya. She feel so sad, nasasaktan siya at sobra ang pagsisisi niya.

Kung pwede man balikan ang  mga nagawang pagkakamali  nya ay matagal na sana niya itong ginawa.

Ng mapansin niyang tapos na ito sa pagkanta ay pumasok  siya sa loob.

Napatayo si Jare mula sa pagkaka-upo ng Makita niya Si Sav. 

Namumugto ang mga mata nitong nakatingin sa kanya, halata rin ang pamamayat nito pero para sa kanya siya parin ang pinakamagandang babae na minamahal nya.

"S-Sav" Ngumiti siya kahit sa kaloob looban nyay pinapatay na siya.

"J-jare."

"K-Kamusta ka na Sav?."

"I-im F-fine." Inabot nito ang pulang sobre na ikinakawala ng ngiti nya

"Ikakasal ka na S-Sav?."

"Sab akala ko Mahal mo ako?. Bakit mo ba ginagawa sakin to? Ano bang nagawa kong k-kasalan at pinaparusan mo ako ng ganito?"

"S-sav sagutin mo ako." Umiiling si Sav pero hindi umiimik patuloy lang sa pag-iyak.

"S-sav? Minahal mo ba talaga ako?."

"O-Oo." Umiiyak na sabi nito.

"Pero bakit mo ako sinasaktan ng ganito?." Nagsimula naring nagsilabasan ang mga luhang kanina pa nya pinipigilan.

"A-Alis na ako k-kalimutan na n-natin ang lahat." Natigilan siya sa kanyang narinig.

"Ganon nalang ba kadali sayong kalimutan lahat ng mga alala-ala natin Sav?."

"Aalis na ako." Tumalikod ito at saka nagsimulang maglakad.

'Wala na ba tayong p-pag-asa S-Sav.'
Pinunasan may ang  kanyang luha at saka huminga ng malalim.

"Kapag lumabas ka sa pintuan nayan ibig sabihin tapos na tayo." Huminto ang dalaga saglit na parang natigilan sa narinig, nakayukom ang kamay nito na parang nanginginig.

'Please S-sav wag kang umalis, wag mo akong iwan, ikaw nalang ang natirirang kasiyahan ko.'

Pero sa kahulihang sandali bigo na naman siya..

Tuluyan na itong lumabas sa pintuan at iniwan na siya.

"Kaya pala ayaw mong iwan kita,
kasi ako  ang iiwan mo."

"Pinapalaya na kita Sav." Nakatingin lamang siya sa papalayong dalaga na tuluyan na siyang iniwan.

Pero di nagtagal ay natigilan siya ng may makita siyang mga pares na itim na mga sapatos na ikinakatingala nya.

Gulat siyang nakatingin sa mga ito.

'Mga lalakeng naka black suit..'

Lumuhod ang mga ito sa kanya na parang nagpapahiwatig ng pag-galang sa kanya habang siya ay litong lito naman sa mga nangyayari.













"Sa wakas nahanap ka rin namin Sir Voir." Ani ng isang nakayukong lalake na ikinakagulat n'ya

The Faded Photograph |COMPLETE|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon