CHAPTER 21

26 14 0
                                    

"Nay?, nagustuhan mo  ba ang  mga pasalubong ko?" Mabuti nalang at nakalabas siya sa mansyon panay sunod kasi si Sav sa kanya.

"Aba eh Oo  naman anak. Salamat nga pala nito ha." Bakas sa mukha ng  kanyang  ina ang kasiyahan.

"Ano kaba nay, wag ka ngang magpasalamat , obligasyon kong mapasaya kayo." Napangiti naman ang kanyang ina at saka iniligpit ang mga cupcakes na dala niya.

"Ikaw Asla nagustuhan mo ba ang mga pasalubong ko?."

"Oo." Tipid na sabi nito na mukhang wala sa mood. Napakamot tuloy siya sa kanyang noo, kanina pa kasi niya  itong napapansin na hindi umiimik, parang may pinagtatampuhan.

"Pagpasensyahan mo na anak, nagtatampo  lang yan kasi hindi  mo ginising  nong umalis ka."

"Eh natutulog nay ehh, ayoko pa naman ma distorbo dahil nakanganga pa siya, sarap kayang matulog n--"

"Aray ko naman Asla." Hinampas  siya nito sa braso at saka kinuha ang damit na nabili niya sa bayan.

"Sorry na Asla" paglalambing nito sa kapatid nya, mukhang galit  parin kasi sa kanya.

"Sorry mo  mukha mo." Masungit  na sabi nito.

"Ano bang gusto mong gawin Asla para  Hindi ka na  magalit sakin?."

"Dito ka matulog, bukas ka nalang babalik." Napahinto siya sa kanyang ginawa ng marinig niya ito.

'Kung Hindi ako babalik mamaya paniguradong magagalit sakin si Sav, mainitin paman ang ang ulo non.

"M-may trabaho kasi ako Asla eh." Dahilan nya pero may punto naman siya.

"Sige lumabas kana, hindi na tayo bati." Pagtataboy nito sa kanya.

"Anak?, kamusta naman ang trabaho mo doon? Okay lang ba?."

"Okay Lang naman po."

"Ang amo mo? Ok lang bang ang pakikisama sa inyo? Hindi ba masungit?."

"Hindi naman Inay, mabait po si  Don sa mga taong nasasakupan nya."

"Ganon ba anak?, Aba  eh balita ko pa naman may anak daw  babae si Don, Maldita daw?.Sinusungitan ka ba non?." Napailing siya sa kanyang narinig. Totoong masungit nga si Sav pero ng makilala niya ito ng  lubusan ay  masasabi  niyang mabait naman talaga ang Dalaga, hindi nga Lang ito  pinapakita  sa iba.

Kahapon ng naglalakad siya palabas ay nakita niya si Manang Flor na umiiyak, nilapitan ito ng dalaga at binigyan ng pera. Nalaman kasi nila na inatake sa puso ang asawa nito at kinapos pa sa pera.

Napailing din siya ng maala ang eksena nilang dalawa ni Sav. Galit kasi ang dalaga sa kanya .

"Owss excuse me, ako ang tatabi  kay Jare." Sabi nito na may bahid na pagka-inis ang boses.

Balak sana kasing umupo si Glace sa kanyang tabi pero hindi natuloy dahil kay Sav.

"Anong tinitingin mo? Tusukin ko yang mata mo eh..!"

"Pasensya na po Señorita, sa pagkaka alam ko po kasi ay hindi ka umuupo sa kahoy na upuan." pagmamadahilan nito na may paggalang.

"A-abat sumasagot kapa ah-."

"Glace, Mauna kana iwan mo muna kami ni Sab."  Iniwan naman silang dalawa ni Glace.

Inis na bumaling si Sav sa kanya.
" kinakampihan mo ba ang rabbit na yon?."

"Sab naman, gusto  lang  naman niyang umupo nagagalit ka agad." Mahinahong sabi nya.

"Andaming upuan pero sa tabi mo  talaga siya uupo? That's bullsh-t." He hold her hands kaya napatingin ito sa kanya.

'Beast mood na naman to.'

"W-wag mo nga akong mahawak hawakan." Tinaboy pa ang kamay nya ngunit hinawakan niya ulit  ang kamay ng dalaga.

Nahihiya tuloy siya dahil sa  lambot ng kamay nito.

"Wag  ka nang magalit Sav-."

"Ayaw mong magalit ako dahil papangit ang  mukha ko ganon ba?. Ha?."

"Sab naman, Wala akong sinabi, at sino  ba namang nagsabi na papangit ang mukha mo pag galit ka?. Alam mo namang maganda ka " Sabi nya na ikinakatigil ng dalaga.

"T-talaga? Sure ka? Sabi mo kasi noon Hindi ka nagagandahan sak--"

"Hindi mo kasi ako  pinapatapos sa pagsasalita."

"So nagagandahan ka talaga sakin."

"Oo sobra." Then he pinched her cheeks. Napansin rin niya ang  pamumula ng magkabilang pisnge nito.

Nakagat nya pa ang kanyang pang-iibang labi ng biglang umupo si Sav sa kanyang  kandungan at pinugpog siya nag halik sa mukha.

Naiilang  tuloy  siya kanilang posisyon.

"Oi Jare anak? Ok kalang ba?, kanina kapang  nakangiti ah?." Nabalik sa realidad si Jare ng marinig niya ang boses ng kanyang ina.

"May napupusuan ka naba anak?."

"A-ano p--."

"Ok Lang yan anak, gusto ko  pa naman  makita ang magiging apo ko."hagikhik na sabi nito na ikinakapula ng buong mukha nya.

"Sino  ba yang babae mo kuya?."

"Pinapatawad mo na ba ako Asla?."

"Hindi, basta matutulog ka dito hindi na kita aawayin."Napailing na lamang siya sa sinabi ng kanyang kapatid. Mukhang hindi yata siya makakabalik ngayon.

"Oo na basta wag ka ng magalit sakin." Sabi nya na ikinakangisi ng kanyang kapatid.

'Maiintindihan naman yata ako ni Sav. Sana nga...'



















The Faded Photograph |COMPLETE|Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt