09
Magkatabi kami ni Astrid habang nakaupo sa bleachers at naghihintay na magsimula ang championship game ng basketball kasama sina Keziah at Ria. Business Administration ang kalaban nina Giro at hindi ko alam kung i ch-cheer ko ba ang department ko o ang Engineering.
Pero bahala siya, I want our department to win too kaya wala akong susuportahan, I'll just simply watch.
Malapit ng magsimula at nakikita kong nag r-ready na ang mga players pero umalis na muna ako para pumunta sa toilet dahil naiihi ako at medjo sumasama ang pakiramdam ko.
Nang malapit na akong makaabot ay bahagya akong natigil dahil sa pagsakit ng puson ko pero dumiretso na ako at pumasok sa girls' comfort room.
Shit. Period ko na ba?
Walang ibang tao doon dahil siguro nasa gym ang halos lahat. At nang tumalikod ako mula sa salamin, nanlaki ang mata ko dahil may konting tagos na sa jeans ko.
"What the fuck." I whispered at dali-daling kumuha ng tissue at pumasok sa isang cubicle na pinakamalapit sa pinto.
Sinarado ko ang takip ng inidoro at pinuno iyon ng tissue bago umupo at kinuha ang phone ko para tawagan si Astrid. I called her twice pero hindi sumasagot!
Naririnig ko ang ingay sa loob ng gym mula rito at nagw-warm up na yata ang mga players. Tatawagan ko sana ulit si Astrid nang nakatanggap ako ng tawag galing kay Giro.
"Where are you? Magsisimula na in three minutes." Naririnig ko ang ingay sa background niya.
He's always part of the first five at nagpapahinga lang sa second quarter at bumabalik rin sa third at fourth.
"Why are you calling me? Focus on your game. Baka mamaya pa ako." Sabi ko at napahawak sa puson ko.
Period. Cramps. Fucking. Sucks.
"Bakit? Nakita na kita dito kanina. Nas'an ka?"
"I'm just somewhere... shit." I whispered the last word nang naramdaman ang dugong dumadaloy.
"Ali, answer me. And what's wrong?"
"Stop bothering me! Nasa toilet ako, okay? At hindi ako makakalabas dito kung patuloy kang manggugulo dahil tatawagan ko pa si Astrid!" I said, irritated then hanged up to call Astrid but she won't answer!
"Shit." I said and tried to call Ria pero hindi rin sumasagot!
Bakit ba kasi meron ako ngayon na bukas pa naman dapat!
"Ali? Ali..." I heard a voice called outside.
It was Giro!
"Why are you here? Bumalik ka na sa loob!"
"Bakit hindi ka makakalabas? What's happening? Are you okay?" Sunod-sunod niyang tanong.
"Obviously not. Umalis ka dito!"
"Hindi ako aalis hangga't hindi mo sinasabi kung ano ang problema mo. I'll stay here."
Ang tigas ng ulo!
"I don't need you here."
Sinubukan ko ulit na tawagan si Astrid pero narinig ko ang announcer at mukhang magsisimula na kaya mas umingay pa ang gym!
"Giro! Bumalik ka na!"
"Damn it, why are you being so difficult? Nagsimula na rin naman at hindi na ako makakahabol sa first five, I'll play later. Now what do you need?"
Tangina ang sakit!
Hindi ako sumagot at kinuha ang bag ko para tingnan kung may pad doon and thank God there's one!
![](https://img.wattpad.com/cover/222047189-288-k118803.jpg)
BINABASA MO ANG
See You Soon, Love
Romance(Casamiento no. 1) Ali Montero just waits for her groom, chosen by her parents. She didn't have any problems with it, not until she knew who it would be - Giro Callante, a man whom she had issues with in the past. (very slow updates) (1.7k to 2k wor...