Chapter 25

26 3 0
                                    

25

Halos umangat ako nang niyakap ako pabalik ni Giro.

I can't believe he's here! Akala ko sa susunod na araw pa siya pupunta rito!

"Ay puta miss na miss, Ali?" Narinig ko si Astrid.

Giro laughed at hindi ko nalang din pinansin ang sinabi ni Astrid.

"Oh my god, you're really here." Sabi ko nang bumitaw sa yakap pero hindi pa rin binibitawan ang leeg niya. "Akala ko sa Friday ka pa!"

"I missed you." He said.

"I missed you too!" Agad kong sinabi, still overwhelmed.

"For real?" His brows shot up at may naglalaro nang ngiti sa labi.

Tsaka ko palang napagtanto ang sinabi ko. Bumitiw ako sa yakap at sinuntok ang dibdib niya.

"Aw, you poked my heart." He said like a baby after the punch, at hinawakan ang parte ng dibdib niya kung saan ko sinuntok.

We stayed some more in the farm. I even saw Franco teaching Ria. Si Slater ang pinakamadaling natuto sa kanila. And as usual, nagbabangayan parin sina Yano at Astrid.

Nang gumabi ay wala akong ibang nagawa kundi iwan ang mga kaibigan ko para pumunta sa mansyon kasama si Giro. Alam ni Mommy na nandito si Giro so we had dinner together that night.

Kinabukasan ay pumunta naman kami sa Abbey of the Transfiguration, a monastery with a shape of a pyramid where you can go pray and reflect. Malapit lang dito ang Kaamulan Park na pinuntahan namin three days ago.

Unlike the other places that we visited, tahimik lang kami habang kumukuha ng pictures.

Then we went to a popular cold spring the next day.

Bukas, pupunta na ako sa plantations para mag monitor ng pag haharvest. Habang ang mga kaibigan ko naman ay magpapatuloy lang sa pagpunta kung saan saan kasama sina Marius. Pwede ring isama ko sila sa plantations bukas kung gustuhin nila.

Magkasama kami ni Astrid galing washroom para magbihis. Lumabas ako, only wearing my green triangle bikini top and low waist white shorts, revealing the strings of the bottom pair. Ganoon rin si Astrid but she's wearing a black bikini top and black shorts.

Naglalakad na kami sa boardwalk pabalik nang may nakasalubong kami na tatlong matatangad na lalake. I think they're not from here. They were all topless at agad ngumiti ang dalawa nang nakasalubong kami ni Astrid at tumabi para padaanin kami.

"Ganda ng katawan. Akin 'yung nasa gitna!" Hagikhik ni Astrid at lumingon pa nang nakalayo na kami.

Napangiti na rin ako dahil sa sinabi niya. Same old Astrid.

Nakangiti pa ako nang napasulyap ako sa gazebo kung nasaan si Giro. Mariin ang titig niya at agad na nag-iwas ng tingin. Agad na dumiretso si Astrid sa spring habang ako naman ay nilapitan si Giro.

Nakaupo siya kaya nag-angat siya nang tingin nang nasa harapan niya na ako. Inilagay ko naman ang mga gamit namin ni Astrid sa space sa tabi niya.

"Why do you look so grumpy?"

Agad na nagtungo ang dalawang kamay niya sa likod ng hita ko. He pulled me closer, making me stand in between his parted legs. Inilagay ko naman ang mga kamay ko sa balikat niya.

"Do you know who those guys are?" He asked, slightly irritated.

"What? Hindi 'no. Ngumiti ako dahil sa sinabi ni Astrid."

"What did she say?"

"Na maganda yung katawan nila. At sa kanya daw 'yung nasa gitna."

"And what about you?"

See You Soon, LoveWhere stories live. Discover now