Chapter 26

23 3 0
                                    

26

"I like you too, Ali. A lot. Noon... hanggang ngayon."

Ngayon lang ulit siya nagsalita pagkatapos ng sobrang habang katahimikan. Giro is giving me a piggyback ride pabalik ng warehouse kung nasaan nag-aabang ang sasakyang magdadala sa amin pabalik ng bahay.

Pahilerang nakatanim ang mga coffee trees kaya naglalakad si Giro sa gitna ng dalawang hilerang coffee trees.

"Baba mo na ako."

Tumigil siya sa paglalakad at bahagya akong nilingon.

"Hindi na ba masakit ang paa mo?"

"Hindi na."

"Sure?"

I nodded.

Isinuot niya muna ang bota sa dalawang paa ko bago ako binaba. He looked at me and held my hand pero agad ko iyong inangat at pinakita ang hawak ko paring coffee cherry. Bahagya siyang tumawa at pumunta sa kabilang side ko para ang isang kamay ko ang hawakan at nagsimulang maglakad ulit.

I was biting my lip the whole time to stop myself from smiling. Kapag sinusulyapan ako ni Giro ay agad kong inaayos ang mukha ko, acting like I'm not affected.

At bakit ba palagi akong nangingiti!

Bumalik kami ng bahay na wala pa ang mga kaibigan ko. It's six in the evening kaya naisipan naming magluto ni Giro ng dinner naming lahat para may makain na sila pagkabalik nila.

They're in Mt. Kitanglad Agro-Eco Farm kung saan may Hobbit House at mukhang maglalaro rin ng golf.

I am cutting the spices and Giro will be the one who will cook because obviously, mas masarap siyang magluto kesa sa akin.

Nakaupo ako habang nag s-slice at naiiyak na dahil sa onions kaya nilagay ko muna ang kutsilyo sa table. Nakita ni Giro ang ginagawa ko kaya lumapit sa akin at pumunta sa likod ko.

"You done?" He asked and leaned to give me a soft kiss on the cheek.

"Ikaw nga maghiwa niyan, baka 'yan pa dahilan para umiyak ako."

Siya na ang tumapos ng mga hinihiwa ko. Narinig ko ang ingay sa ng sasakyan sa labas at ang ingay na papasok na bahay.

"They're here!" I said and went out of the kitchen.

Sinalubong ko ang mga kaibigan ko at agad na nanlaki ang mata nang nakitang may dalang ice pack si Astrid at may pasa sa noo!

"What the fuck happened to her?" Galit na sabi ko at agad na lumapit kay Astrid.

They were all silent. Maybe because of my sudden outburst.

"Anong nangyari sa'yo?"

"It's nothing. Natamaan ng golf club. It was an accident."

"Golf club! What the fuck? Sino?"

Hindi sumagot si Astrid kaya nilingon ko ang mga kaibigan ko sa masamang tingin. Nandito na rin si Giro. Then I saw Adriano not looking at me and guilt is written on his face.

"Yano." Madilim na tawag ko kaya nag-angat siya ng tingin at lumapit.

"It was my fault, I'm sorry."

"Hindi mo nga kasalanan! Ako yung dumaan sa likod mo so stop blaming yourself."

Ipinikit ko ang mata ko para mawala ang galit dahil mukhang wala namang may kasalanan. Pero base sa pasa ni Astrid sobrang sakit niyan!

"Akin na yung ice pack, lalagyan ko ng bagong ice." Sabi ko at naglahad ng kamay kay Astrid.

See You Soon, LoveDonde viven las historias. Descúbrelo ahora