"Patawad, nahulog ako sayo ng 'di ko inaasahan"
Matalik na magkaibigan,
Ganyan ang ating turingan.
Masaya at walang pag-aalinlangan,
Dahil iniisip lang ay ang kasiyahan.
Patawad, aking kaibigan,
Dahil nahulog ako sayo ng hindi inaasahan.
Patawad, kaibigan,
Dahil minahal agad kita ng lubusan.
Patawad, kaibigan,
Dahil hindi ko alam kung bakit ito ay biglang naramdaman,
Pasensya na sa lahat kaibigan,
Alam ko namang hindi mo ito masusuklian.
Sana hayaan mo ako,
Hayaan mo akong ipakita ito sayo.
Hindi ko hinihiling na suklian mo ito,
Ang hinihiling ko lang ay wag akong ipagtabuyan sa buhay mo,
Patawad sa lahat kaibigan,
Dahil bigla akong nahulog ng 'di ko inaasahan.
Patawad.