Paalam, Kaibigan

1.1K 6 3
                                    

"Paalam, Kaibigan"
Dedicated to sheisatree

Nakilala kita sa isang hindi inaasahang paraan,
At naging malapit na magkaibigan.

Ako 'yong tipong ayaw makipag-usap,
Kahit ikaw pa ay kaharap.
Tahimik ako,
At ayaw makipaghalubilo.

Pero sadyang makulit ka,
Sobrang matiyaga,
Kahit malamig ang pakikitungo ko,
Na para bang yelo,
Ay hindi ka sumuko,
Kinausap mo pa rin ako,
Hanggang sa napansin ko na okay pala,
Okay pala ang makipag-usap sa iba.

Diyan nagsimula ang pagkakaibigan,
Na sobrang sakit na bitiwan.

Ngunit darating ang panahon na kailangan ng mamaalam,
Kailangan ko ng magpaalam,
Masakit pero kailangan,
Para sa ikakabuti ng karamihan.

Hindi ko sadya ang saktan ka,
Hindi ko sadya ang saktan kayo.

May mga bagay na dapat bitiwan,
Para sa sariling kapakanan.

Paalam, kaibigan,
Masakit man,
Pero kailangan,
Pagod na ako sa lahat,
At ayokong madamay pa kayong lahat,

Paalam, kaibigan—
Ang sakit ay hindi magtatagal,
Mawawala rin ito ng hindi inaasahan,
Katulad ng pagkilala natin sa isa't isa no'ng una.

Paalam, kaibigan—
Masakit ito sa 'yo,
Masakit ito sa inyo,
Pero doble ang sakit na aking nararamdaman.

SPOKEN WORD POETRY (COMPILATION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon