"Mahal kita"
Mahal kita—
Salitang ang bilis sabihin,
Pero ang hirap gawin
Yung pakiramdam na ang saya mo,
Kasi sinabihan ka ng taong mahal mo,
Pero bakit ganoon?
Kung noon,
Napakahalaga ng mga salitang iyon,
Pero bakit ngayon?
Halos lahat na yata ng tao,
Sinabihan mo no'n.
Bakit ganoon ang mga tao ngayon?
Hindi na ba nila naiisip ang kahalagahan no'n,
Mahal kita,
Kung saan-saan ko nalang naririnig ang mga salita,
Salitang naglalarawan,
Naglalarawan sa taong nagmamahalan.
Mahal kita,
Oo, mahal mo siya,
Pero bakit di mo ito maipakita.
Mahal kita,
Oo, mahal mo halos lahat ng tao,
Kahit hindi naman kayo.
Mahal kita,
Oo na, mahal mo na siya,
Pero bakit may iba ka pang sinasabihan ng mga salita.
Hindi ba kayo makuntento sa isa,
At gusto niyo pang dagdagan ng iba.
Mahal kita,
Pero nakakapagod na.
Siguro naman hindi ito masama,
Dahil ikaw naman ang nauna.
Mahal kita,
Pero gusto ko sanang mamaalam na.
Ayoko na kasi sa mga salita mong ubod ng ganda,
Pero lahat naman pala ay walang halaga.