Pampalipas oras

240 4 0
                                    

"Pampalipas oras"

Akala ko totoo na,
Kasinungalingan lang pala.
Umaasa ako na magkakaroon ng tayo,
Pero umasa ako sa maling tao.
Pag nandiyan siya,
Parang hangin na hindi mo ako nakikita.,
Pag wala siya,
Sa akin ay lumalapit at naglalambing na.
Ano ba talaga?
Ako ba?
O pinaglalaruan mo lang ako?
Masaya naman tayo,
Masaya tayo pag wala siya.
Nito ko lang naisip na pampalipas oras mo lang pala,
Pampalipas pag wala siya sa piling mo,
At ako'y nandito.
Ang sakit,
Ang sakit, sakit,
Dahil sa bawat oras na kapiling kita,
Hindi ko alam na hulog na hulog na pala,
Ang puso kong tanga.
Inalay, sa taong mali pa.
Ang sakit isipin,
Na ikaw ay hindi para saakin.
Sana'y balang araw iyong mapansin,
Pag-ibig ko na puno ng ibig sabihin.

SPOKEN WORD POETRY (COMPILATION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon