Ako na lang ulit

393 5 0
                                    

"Ako na lang ulit"

Nag-umpisa sa puro kasinungalingan,
Kasinungalingang aking pinanghawakan,
Dahil akala ko ito'y katotohanan.
Mahal nangako ka nangako,
Nangakong akin ka lang, pangakong biglang napako.
Mahal, bakit nilinlang ang puso ko,
Ang puso kong binigay ko ng buong-buo sayo,
Pero anong ginawa mo winasak mo lang ito.
Ang sakit isiping ako'y ginago mo,
Ginago mo pero patuloy ka pa ring minamahal.
Malaking tanga, tanga ang puso ko,
Dahil ikaw pa rin ang laman nito.
Tanga ang puso ko,
Dahil kahit paulit-ulit mo itong sinasaksak,
Ikaw parin ang sinisigaw at tinitibok nito.
Tanga ang puso ko dahil kahit alam nito,
Na ang pag ibig mo ay isang pag babalat kayo,
Naniniwala pa rin itong ito'y minamahal mo.
Pero bakit nga ba ako'y niloko mo?
Pinagpalit sa taong hindi ka kayang mahalin katulad ng pagmamahal ko sayo,
Taong alam kong hindi ka mamahalin ng tapat.
Bakit hindi mo ko kayang mahalin katulad ng pagmamahal mo sa kanya?
Bakit siya pa bakit hindi na lang ako?
Anong meron siya na wala ako?
Mahal nakikiusap ako, ako na lang ulit,
Ako na lang ulit ang mahalin mo,
Ako na lang ulit ang magpapatibok ng puso mo,
Ako na lang ulit ang nandiyan sa isip mo,
Ako na lang ulit ang mundo mo,
Ako na lang ulit mahal ako nalang ulit.
Ako na lang ulit, pero alam kong hindi na iyon mangyayari,
Dahil alam kong siya na ang tinitibok ng iyong damdamin
Minahal mo ba talaga ako?
O sa una pa lang siya na talaga?
Ikaw lang ang makakasagot ng katanungan,
At sana naman sa huling pagkakataon,
Sagutin mo ito ng buong katotohanan.

SPOKEN WORD POETRY (COMPILATION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon