Chapter 18

583 31 8
                                    

RITA'S POV


Maaga ako nagising kinabukasan para bumaba at mag-almusal, pero nagtaka ko nung hindi ko maabutan doon si Ken.




Mahigit isang linggo na ang nakaraan mula nung magsabay kaming kumain sa agahan pero eto ang unang pagkakataon na nauna kong gumising sa kaniya. Madalas kasi naaabutan ko siya na nandito na sa baba eh.






"Good morning po Miss." magalang na banggit nung katulong.









"Tulog pa si Ken?" tanong ko.






"Naks! Kailangan pala ikaw lagi ang mauunang bumaba para hahanapin mo ko." banggit ng boses sa hagdan kaya napatingin ako dun.






Ngumiti siya pero malamlam ang mga mata niya. Napansin ko ang biglang pag-ubo niya.







"Bakit?" tanong niya nung makalapit siya sakin.






Hinipo ko ang noo niya. Tama ang hinala ko, nilalagnat nga siya. Ilang araw na rin kasi siyang puyat sa trabaho eh.







"Nilalagnat ka, bakit bumaba ka pa? Dapat nagpahinga ka na lang sa kwarto mo." banggit ko.





"Tsss... lagnat lang yan." banggit niya at umupo na sa upuan niya.





Tinakpan niya ang bibig niya nung umubo siya uli.






Lumapit ako sa kaniya at hinila ang braso niya patayo.






"Magpahinga ka na muna sa kwarto mo." banggit ko.






"Ta, huwag kang mag-alala, lagnat lang to." banggit niya at uupo sana uli pero pinigilan ko siya.





Tumingin siya sakin.






"Maupo ka na rin para makapagprepare na tayo papasok sa company." mahina niyang sabi at uupo sana uli pero pinigilan ko siyang muli. "Ano ba, Ta?!" inis niyang banggit.







"Magpahinga ka na sa kwarto mo." banggit ko rin.







Bigla siyang ngumiti.





"Nag-aalala ka sakin?" tuksong tanong niya.




"Oo!" sagot ko dahilan para matigilan siya. "Nag-aalala ko sayo kaya umakyat ka na sa kwarto mo at magpahinga don! Ako nang bahala sa company kung yun ang inaalala mo." banggit ko kahit ang totoo, wala pa kong idea kung ano bang kalalabasan nitong pinagsasasabi ko.






Nagulat ako nung yakapin niya ko.








Ramdam na ramdam ko ang singaw ng init sa katawan niya.






Niyakap ko rin siya at hinagod ang likod niya.








"Bumalik ka na muna sa kwarto mo, ipaghahanda kita ng makakain mo." banggit ko.





"Ganito muna tayo Ta. Nanghihina pa kong umalis sa pwesto ko ngayon. Dito muna ko sayo." mahinang banggit niya.







Hindi ko alam kung bakit pero napangiti ako sa sinabi niya. Parang may kung anong kumiliti sa puso ko sa mga sinabi niyang yun.






My Detrimental LoverWhere stories live. Discover now