Chapter 46

658 34 24
                                    

KEN'S POV

"Masarap dito, di ba?" nakangiti kong banggit habang nakayakap mula sa likod niya. Nakaupo siya sa pagitan nang mga hita ko.



Ipinatong ko ang baba ko sa balikat niya kaya mas nakita ko ang pagngiti niya.


Masaya talaga ko na kasama ko siya. Na hindi ako nananaginip dahil nandito talaga siya!

"Nakaka-relax nga dito." banggit niya habang nakatingin sa paligid.

"Dito ko madalas tumatambay kapag gabi. Lalo na kapag namimiss kita." banggit ko at umayos ng upo. "Madalas akong tumingin sa mga bituin kapag nandito ko." banggit ko at itinuro ang mga stars sa langit.

"Mukhang naging maayos ang buhay mo dito ah." banggit niya at tinignan ako.

"Mas maayos sana kung nandito ka." nakangiti kong sabi.


"Ken, kailangan natin bumalik doon. Hindi ko kayang patakbuhin ang buong company." malungkot niyang sabi. "Nag-aalisan ang mga investors dahil nalaman nilang wala ka na sa company. Alam mo bang bumaba din ang naging kita natin mula sa tatlong buwan na wala ka." banggit niya. "Kaya bumalik ka na."


Ngumiti ako at hinalikan ang pisngi niya.

"Ta, madalas naman, bago mo makamit yung success, ilang beses ka munang madadapa. Alam mo ba, ilang beses din akong nadapa noon. Ang mahalaga lang ay yung babangon ka uli mula sa pagkakadapa na yun." banggit ko at isinandal siya sa dibdib ko. "Sayo na nakapangalan ang company. Sayo naman talaga yun eh, kaya ikaw ang dapat mag-manage non. Huwag kang mag-alala huh, back-up mo ko kapag hindi mo na talaga kaya." sambit ko at hinalikan ang ulo niya. "Tiwala ako sa kakayahan mo, Love. Alam kong malalampasan mo rin ang mga pagsubok na yan. Maibabalik mo uli yung mga nawalang kita ng company. At magagawan mo rin ng paraan yung tungkol dun sa mga investors." banggit ko.

"Pero ilang beses ko nang kinausap yung ibang investors, nag-aalisan pa rin sila." malungkot niyang sabi.

"Edi hayaan mo na sila, Ta. Kung gusto nilang umalis, go lang! It's their loss, not yours, Love." banggit ko at hinalikan ang buhok niya.

"Pero baka bumagsak ang company dahil sakin." sambit niya. Malungkot siya at parang naging mahirap nga sa kaniya ang nakaraang tatlong buwan sa company.



"Ta, hindi babagsak ang company kung mawalan ka man nang ilang investors." banggit ko. "Saka kung nawalan ka man, hindi ba kailangan mas magpursigi ka pa para mapalitan naman yung mga nawalang yun?" nakangiting sambit ko. "Maghanap ka nang ibang mga investors, patunayan mo sa kanila ang kakayahan mo para magtiwala sila sayo."

Umayos siya ng upo at tinignan ako.

Ngumiti siya at dinampian ako ng halik sa labi.

"Mr. Chan, utang na loob, bumalik ka na lang. Ayoko na talagang ma-stress ng sobra! Bumalik ka na, huh. Kailangan ka talaga ng company, Love." banggit niya na ikinangiti ko.

"Ano uli yun? Pakiulit nga uli." nakangiting banggit ko na ikinataka naman niya.



"Alin?" tanong niya.

"Yung sinabi mo kanina." banggit ko habang nakangiti.




Tinawag niya kong Love, haha. Feeling ko, kinikiliti ang puso ko ngayon, hahahaha.



"Alin? Yung bumalik ka na lang?" tanong niya.

"Hindi yung iba pa." masayang banggit ko.

My Detrimental LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon