Chapter 24

602 33 23
                                    

KEN'S POV






Mabilis lumipas ang mga araw samin ni Tata.








Bukas na ang alis namin ni Rita kaya halos hindi siya makatulog ngayong gabi. Nandun siya sa walk-in closet ko para siguraduhing kumpleto na ang gamit niya.









Kitang-kita ko ang excitement sa kaniya. Sumandal ako dito sa pader para pagmasdan siyang nag-aayos ng mga gamit niya.










Naramdaman niya yatang pinanonood ko siya kaya lumingon siya sa likod niya. Nginitian ko naman siya nung tumingin siya sakin.










"Mukhang excited ka talaga ah?" nakangiti kong banggit.










Ngumiti siya at tumango.












"Alam mo namang gusto ko talagang pumunta don di ba? Pupuntahan natin yung Parthenon huh." nakangiting banggit niya kaya tumango naman ako.









Lumapit siya sakin at yumakap sa bewang ko.











"Thank you, Ken." nakangiti niyang sabi at inilagay ang ulo niya sa dibdib ko.










Mas napangiti ako at umayos ng tayo't niyakap din siya.











Mabibigyan na natin ng hustisya ang pagkamatay ng parents mo Ta. Malalaman na natin kung sino ang may gawa ng lahat ng to sa pamilya mo.









"Sige na, ituloy mo na yung ginagawa mo." banggit ko dahilan para lumayo na siya sakin at muling pumunta dun sa inaayos niyang gamit.











Tinignan ko siyang maigi. Kaya na kaya niyang matanggap yung totoo?







"Ah, Ta." banggit ko.










"Bakit?" tanong niya.








"Meron akong nabasang libro noon. May isang lalaki na nakasaksi ng isang krimen sa bahay ng kaibigan niya." banggit ko.









Humarap siya sakin at ngumiti.









"O, bakit nabanggit mo ata bigla?" tanong niya.











"Naalala ko kasing may kinalaman yun sa Greece eh." banggit ko. "Dun nagtatago yung isang mahalagang tao sa kwento." dagdag ko.











"Ano bang kwento nun?" tanong niya.










Okay.. Pwede naman sigurong unti-untiin ko dito. Titignan ko lang kung anong magiging reaksyon niya kapag nalaman niya ang totoo.











Lumapit ako sa kaniya at umupo sa tabi niya.










"Dun kasi sa kwento... May narinig na ingay yung lalaki dun sa bahay ng kaibigan niya. Balak kasi niya siyang bisitahin nung araw na yun." kwento ko. "Nung papunta na siya sa kwarto nung kaibigan niya, may marinig siyang malakas na kalabog dun sa kwartong pinanggagalingan nung ingay. Nung buksan niya yung pinto sa kwartong yun, nagulat siya na patay na yung daddy nung kaibigan niya. At ang nakita niyang salarin... ay yung mommy din ng kaibigan niya."












My Detrimental LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon