Chapter 44

569 35 30
                                    


RITA'S POV



Nakatanaw lang ako dito sa terrace nang kwarto nang marinig ko ang pagbukas ng pinto.



"Miss, kailangan niyo na pong mag-ayos. Maaga pa po ang meeting ninyo." banggit ni Benjie.







"Wala pa rin bang update sa paghahanap sa kaniya?" tanong ko habang nakatingin sa malayo.



"Sorry po Miss, pero wala pa po." banggit niya.

Napangiti ako nang mapait.




"Mukhang ayaw na niya talagang magpahanap noh? Mukhang wala na talaga siyang balak magpakita sakin." banggit ko at hinimas ang kwintas na suot ko.




3 months na ang nakalipas mula nung umalis siya. At hanggang ngayon, wala pa rin silang lead kung saan siya makikita.




Gusto mo ba talagang kalimutan na lang kita, Ken? Napaka-unfair mo naman eh. Hindi mo na inisip kung anong magiging pakiramdam ko sa pag-alis mo! Ang tagal na oh, huwag mo naman ako tiisin nang ganito.







Agad kong pinunasan ang mga luha ko nung pumatak iyon.





"Miss," banggit ni Benjie.






"Oo na, sige na. Mag-aayos na ko." aniko at pumunta na sa walk-in closet ko.




Lord, bigyan mo naman ako ng sign. Kahit isang sign lang kung saan ko siya makikita, please.




-------------------------------------

KEN'S POV





Hinihintay ko dito sa isang bench malapit sa palengke sila Mandy. Naglast minute shopping sila para sa Media Noche mamaya.





Napatingin ako sa isang lalaking may buhat-buhat na baby. Pinagtatanong niya sa mga dumaraan ang isang babae. Mukhang asawa niya siguro yun. Pero unfortunately, hindi yun kilala ng mga napagtanungan niya.






Mas napatitig ako sa kaniya nung umupo siya. Mukhang pagod na siya, at mukhang matagal na niyang hinahanap ang babaeng yun.




*"Baby, hindi naman pala sikat nanay mo dito sa Nueva Ecija eh. Kanina pa tayo tanong nang tanong sa mga tao, hindi nila kilala si nanay mo. Pahinga muna tayo dito baby, napagod si tatay." banggit niya at mas inayos ang pagkakasandal ng bata sa braso niya. "Gutom ka na baby Angelo? Sorry huh, sana makita na natin nanay mo, ba-"






Napatingin ako sa humawak sa balikat ko.







"Tara na, tapos na kami mamili." nakangiting banggit ni Mandy.







Tumayo ako at muling tinignan yung lalaki. Nakatayo na siya at muling nagtatanong sa mga tao doon. Nakaramdam ako ng awa sa kaniya. Alam kong yung ibang tao may nasasabi na dun sa babaeng hinahanap niya.






Naglakad na rin ako pasunod kila Mandy habang iniisip pa rin ang nakita ko kanina.







Malamang na iniisip nung mga tao dun na napakasama naman nung babae para iwan ang mag-ama niya. To think na may intellectual disability pa yung asawa niya.







Pero... hindi ko alam kung bakit, nakaka-relate ako kahit papaano sa nang-iwan sa kaniya. Malamang na iniwan din niya ang mag-ama niya dahil sa mabigat na dahilan. Feeling ko, hindi niya rin gustong umalis at iwan sila, pero wala na rin siyang choice. Yun yung tingin niyang makakabuti para sa kanila.






My Detrimental LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon