Chapter 19

610 34 17
                                    


RITA'S POV



Pagbaba ko ay agad akong lumapit sa katulong. Bigla kasi akong nagcrave sa Mac and cheese, kaso nakahanda na ang breakfast namin.








"Ate, okay lang bang magprepare kayo ng mac 'n cheese bukas?" tanong ko.








"Sige po Miss." banggit niya.








"Thank you." banggit ko at umupo na sa upuan ko.










"First time mong magrequest ng gusto mong pagkain huh." banggit ni Ken at umupo na rin sa upuan niya.







"Nagccrave kasi ako dun eh. Gusto ko nga sana ngayon, kaso nakahanda na pala sila ng breakfast." banggit ko at kumuha na ng pagkain.









"Pwede naman nating ipahanda ngayon." banggit niya.









"Hindi na. Okay na to." banggit ko at kumain na.










Pagdating namin sa office ay sinalubong kami ni Atty. Sebastian. Bumati siya samin bago sumama papunta sa floor kung saan nandoon ang office ni Ken.










"Bakit nandito si Atty?" bulong kong tanong kay Benjie.









"May pag-uusapan po sila ni sir, Miss." banggit niya.










"Alam mo kung ano?" tanong ko uli.










"Hindi po, Miss." sagot niya kahit alam ko namang alam niya talaga.








Kilala ko na silang dalawa. Minsan kahit tingin lang ni Ken, alam na niya ang inuutos niya. Ibig sabihin, alam niya lahat ng tungkol kay Ken. Pero dahil sobrang loyal niya sa kaniya kaya hindi niya pwedeng sabihin sakin. Hmp!










Nang dumating kami sa office ay inihatid ako ni Ken sa table ko.









"Saglit lang ako." banggit niya sakin. "Hintayin mo na lang yung inorder ko huh." banggit niya.












"May inorder ka?" tanong ko.









Ngumiti siya at tumango.












"Umorder ako ng Mac and cheese." banggit niya na ikinangiti ko.








"Talaga?" nakangiti kong tanong.










"Kaya magbehave ka, huh." banggit niya at pinindot ang ilong ko.











Tumango naman ako.












In fairness kay Ken huh. Kinikilig naman ako sa ginawa niyang to. Nagpa-deliver talaga siya ng Mac 'n cheese dahil alam niyang nagccrave ako dun, hihihi. Hindi ko talaga mapigilan ang mangiti dahil dun.










Pumasok na rin sila ni Atty. sa VIP room. Si Benjie ay nasa pinto lang kung saan tanaw niya pa rin ako.






Nasa sampung minuto na sila sa loob nung VIP room nung biglang tumunog ang telepono sa tabi ko. Baka eto na yung sa Mac 'n cheese!!






My Detrimental LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon