02: Nabihag

432 16 0
                                    

02: Nabihag

***

"And that is our 15 minutes jeepney love story..."

Uminom ako sa shake na ginawa sa akin ni Ben. Nauhaw ako sa pagkuwento sa kanila ng nangyari sa akin kanina.

I smiled at them widely. Si Itchie ay ngumiwi lang habang si Ben ay kalmado, halos walang pakialam sa kwento ko.

"Ang sabihin mo ay 15 minutes delusional story mo, Sheen."

Sinamaan ko ng tingin si Itchie. "Suportahan mo na lang ako. Hindi naman ikaw 'yong nakaranas. Ako kaya!"

She hissed. "Eh paanong love story 'yon kung ikaw lang ang nagkagusto sa kaniya?"

Umirap ako. "Well, magugustuhan din niya ako."

Inagaw ni Ben ang shake sa akin. Kita mo 'to. Ginawan pa ako pero aagawin din naman. Dapat hindi ko na hinayaan ang dalawa na 'to na manggulo sa maganda kong tulog, eh.

"Tingin mo naman magkikita pa kayo. Napakaimposible naman yata," ani Ben.

"Eh 'di hahanapin ko siya!" I said enthusiastically.

Ang nega naman nitong dalawa na 'to!

"Paano mo mahahanap, eh mukha lang naman niya 'yong alam mo sa kaniya. Ni palayaw nga ay wala kang idea, eh," pagsingit ni Itchie. Siya naman ang umagaw sa shake ko na iniinom ni Ben.

I hissed. "Wala ba kayong tiwala sa investigation skills ko?"

"The last time you investigate my crush's name, napahamak lang ako kasi ang daldal mo. So, to answer your question, wala akong tiwala sa sinasabi mong skills. That is, kung mayroon man," si Itchie, muling pinasa ang shake kay Ben.

Ngumuso ako. Hindi ba para sa akin ang shake? Pero bakit sila na ang umubos?

Mabilis kong hinablot ang shake. Inaaliw lang nila akong dalawa tungkol sa mysterious-jeepney-passenger-guy ko, eh. Pero ang totoo ay inuubos lang nila ang shake ko!

"Akin to, eh! Inuubos n'yo naman!"

They laughed. Napansin na yata nilang nakahalata na ako sa ginagawa nila.

Umirap ako. Diretso ko nang inubos ang kaunting laman ng shake kahit alam kong baka ubuhin ako dahil sa lamig at tamis nito.

"Anyway, seryoso ka na ba talaga sa paghahanap doon sa jeepney guy mo?" tanong ni Itchie nang maibaba ko na ang baso sa lamesa.

Narito kami sa dining table sa condo namin ni Itchie. Nang makauwi sila kaninang 7 p.m ay tulog pa rin ako. Sinunod ko ang kagustuhan ng sarili na makatulog nang mahaba para makapagpahinga. Natupad ko naman dahil saka lang ako nagising nang dumating na silang dalawa na may dalang pagkain para sa akin.

Habang ginagawan ako kanina ng shake ni Ben ay patuloy lang ako sa pagku-kuwento kung ano ang nangyari. I could still feel the giddiness inside while I elaborate the things I remembered.

Kung paanong ito ang unang beses na naramdaman ko ang ganitong emosyon. Kung paanong na-e-excite akong may gawing susunod na hakbang. At kung paanong gusto kong makakilala ng isang tao bukod sa kaunti kong kaibigan.

I pursed my lips and nodded. Dahil ngayon ko lang din 'to naramdaman, hindi naman siguro masama kung may gagawin akong hakbang para makilala ko siya?

"Hindi naman panget kung gagawin ko 'to, 'di ba?" I asked.

Entry #10Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon