Prologue

294 11 0
                                    

Entry #10: Prologue

***

"Gusto kita..."

Nakabibingi ang ingay ng tibok ng puso ko dahil sa kaba. Para na yata akong mahihimatay. But I have to do this. Hindi puwedeng mapalampas ang chance na 'to.

I looked at him with hopeful, yet nervous expression. Matatae na ako rito pero siya ay parang tuod pa rin. Halata rin sa kaniya ang kawalan ng interes. Para bang gusto na niyang umalis at iwan ako rito na nakatayong mag-isa sa gitna ng playground ng mga elementary students. Magmumukha akong inaway na bata 'pag ginawa niya talaga 'yon.

"Ang sabi ko gusto kita," pag-ulit ko, mas malakas kaysa una.

Guwapo nga ang isang 'to, pero bingi naman. Okay lang, gusto ko naman siya.

"Ilang taon ka na ba?"

Iyon ang napili niyang itanong pagkatapos ng isang minutong katahimikan sa paligid namin.

Huh? Out of place na nga kami rito sa playground tapos out of place din 'yong pagtatanong niya?

"Twenty-two," I answered nonetheless.

Getting to know each other na yata kami, ah. Ang bilis naman. Pero gusto ko 'yan. Wamport na ang progress namin!

"Bakit mo natanong?"

He sighed, too uninterested on our conversation and me confessing my feelings to him. Ang pakipot naman.

"Para kang teenager."

Ngumuso ako. "Ano'ng connect no'n sa confession ko?"

"Hindi ko tinatanggap."

Huh?

"No choice ka naman kasi feelings ko 'to, eh. So, hindi ko tinatanggap ang hindi mo pagtanggap."

Kala naman niya madadala niya 'ko sa pagsusungit niya kahit na-hurt ako ng slight.

"Wala akong panahon," sagot niya, hindi pa rin ngumingiti.

I smiled at him widely and raised my hand. "Ako, marami!"

"Wala akong pakialam."

Ouch.

Ngumiti pa rin ako sa kaniya. "Ako, mayroon!"

He sighed and rolled his eyes. Arte naman.

"Ang kulit mo."

"Tama ka r'yan!"

Pumalakpak ako, hindi iniinda ang pagsusungit niya. I cleared my throat and offered my right hand at him.

Kumunot ang noo niya dahil sa pagtataka. Ang cute naman!

"Ano'ng gagawin ko r'yan?"

"Hand shake!" sagot ko.

Mas lalong lumalim ang kunot sa kaniyang noo.

Well, not gonna lie, but he's hot when he looked a bit mad. Eh?!

"Wala nga sabi akong pakialam."

Imbes na indahin ang sinabi niya, I took courage to reach his hand and shake it with mine. Mabuti na lang ay hindi siya nabigla sa ginawa ko.

Maligaya ko siyang kinamayan na para bang nanalo siya sa lotto.

Well, totoo naman. Nanalo siya sa lotto dahil sa akin! Sino nga ba naman ang matino at magandang babae na manliligaw sa lalaki?

Syempre walang iba kundi ako!

"Congratulations, Archimedes David! Ikaw ang maswerteng lucky winner na liligawan ng nag-iisang Sheen Leigh Concha!"

Entry #10Where stories live. Discover now