03: Kinikilig

374 15 1
                                    

03: Kinikilig

***

Love at first sight was an absurd thing. Ang babaw. Hindi ako naniniwala sa gano'n. And I think that the only reason you felt love towards the other was because of her physical appearance. Unang tingin lang, na-inlove na? Kalokohan.

'Eto ang mindset ko kung tatanungin mo ako noon. Hinding-hindi ako sasang-ayon sa idea na 'to. Mas fan pa ako ng slow-burn romance. Iyong tipong friends-to-lovers trope na aabot pa sa pagkakasakitan ng feelings bago kayo umamin. At iyong tipong magkakaroon muna kayo ng history bago n'yo malamang mahal n'yo na ang isa't isa. Dahil love for me is all about the journey-a shared experience.

Ngunit parang kinakain ko na ngayon ang mga sinabi ko noon.

Totoo talaga na hindi dapat tayo nagsasalita kung hindi pa naman natin nararanasan ang isang sitwasyon. You couldn't understand a thing if you still didn't experience it.

Paanong ang NBSB na katulad ko ay nag-se-search sa lahat ng social media sites para lang mahanap ang lalaking nakasabay ko sa jeep na bumuhay sa natutulog kong damdamin at kilig? Paanong ang katulad kong hindi naniniwala sa love at first sight ay mukhang tinamaan nang malala? Hindi ko alam...

"Ano? Nahanap n'yo na ba?" tanong ni Ben habang nakikisilip sa likuran namin ni Itchie.

Tapos na ang klase. Narito kami sa condo. Busy kami ng kaibigan ko na maghanap sa social media sites kung mayroon bang account si Archie. Halos isa't kalahating oras na yata kaming naghahanap pero wala pa rin kaming nakikita. Baka naman private person siya?

"Lahat na yata ng puwede niyang ipangalan, na-search na namin. Pero wala pa ring lumalabas," ani Itchie na hanggang ngayon ay busy pa rin sa harap ng laptop.

Na-fu-frustrate kong ginulo ang buhok ko. "Bakit ba kasi wala? Ang damot naman niya sa content!" Iyong gano'ng mukha ay hindi dapat naka private.

"Ano, Ben? Wala ka man lang bang dagdag impormasyon?" tanong ko kay Ben. Tiningnan ko siya nang may pag-asa. Malay mo ay mayroon pa siyang alam. Sinabi niya lang kasi ang pangalan at course kanina.

Nag-isip sandali si Ben. "All I know was Archie once a top student sa department natin. Mas ahead siya sa atin ng isang taon kasi napanood ko siya sa isang debate noong freshmen pa lang tayo."

Huh? Eh, bakit sabi niya kanina ay third year pa lang si jeepney guy ko?

"Ano ba talaga, Ben? Ang sabi mo kanina third year pa lang siya. Tapos ngayon ay ahead siya sa atin ng isang taon?" si Itchie, naisaboses ang gusto kong itanong.

Ben hissed. "That's the point kaya ko sinabing once. Ang alam ko huminto siyang mag-aral. Pagkatapos ay bumalik ulit siya na hindi ko nalaman ang rason. Hindi ko na naririnig ang pangalan niya. He lie low. Ni hindi na nga rin siya sumasali sa kahit anong extra curricular activities ngayon."

Sa paliwanag na 'yon ni Ben ay mas nadagdagan pa ang interes ko na kilalanin siya. So, he was basically our senior?

"Wow! Ang daming sagap na balita, ah. Ngayon ko nga lang nalaman na may gano'n pala tayong schoolmate," ani Itchie.

Ako rin. I never thought na ang jeepney guy ko ay nasa malapit lang. Bakit hindi ko siya napansin noon kung ganito na katunog ang pangalan niya? Was I too focused na umiwas sa temptasyon noon kasi wala naman talaga akong interes sa mga lalaki?

Nawala na ang atensyon namin ni Itchie sa kung ano'ng ginagawa namin sa laptop. Mas interesado na kami sa katotohanang kilala ni Ben ang jeepney guy ko.

Entry #10Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon