04: Na Na Na Na

352 15 0
                                    

04: Na Na Na Na

***

"Tawang-tawa, Ben?"

Kanina ko pa iniirapan si Ben. Ilang oras na kasi ang lumipas simula nung insidente kanina sa pagitan namin ng jeepney-guy ko pero heto siya at tawang-tawa pa rin dahil sa sinabi nitong nag 1-2-3 ako.

Ilang beses ko naman nang sinabi sa kanila na hindi ko naman intensyon gawin 'yon. Pero dahil daw narinig nila mismo 'yon sa kaniya ay talagang nakatatawa raw.

Hindi naman funny, eh. Nakakakilig kaya. Ibig sabihin no'n ay may impact din ako sa kaniya. Sino'ng mag-aakala na naaalala niya pa ang nangyari na 'yon? Kahit pa hindi pa naman katagalan ang tagpo na 'yon.

"Couldn't help it. Sorry," he said, still struggling to stop his self from laughing. "Nag 1-2-3 ka raw!"

And then, his unending laughing continued...

Natatawa naman kaming napailing ni Itchie. Tingnan mo hanggang bukas ay tumatawa ang isang 'to.

Nasa canteen kami. Katatapos lang ng mga pang-umaga naming klase. Next week ay muli na naman kaming magiging busy dahil sa qualifying exam namin. Huli na 'to pero iyon nga ang mas nakakakaba dahil pagkatapos nito ay malalaman na kung sino ang mga ga-graduate sa amin.

I couldn't help myself to worry. Pero dahil may inspirasyon ako ngayon ay mas sinisipag akong mag-aral. Ang goal ko bago maka-graduate ay makasama siya sa library habang sabay kaming nag-aaral.

Speaking of inspiration...

Agad na luminaw ang mga mata ko nang nakita kong naglalakad na papasok sa canteen ang jeepney-guy ko. Parang mayroon din akong sariling radar dahil sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ay nararamdaman ko 'pag malapit na siya.

"Nand'yan na ang jeepney-guy ko..." ani ko na parang kinakapusan ng hininga.

"Nasa'n?" tanong ni Itchie. Left and right ang paglingon niya. "Wala naman akong makita, eh!"

I hissed. "Ayon, oh!" tinuro ko sa kaniya ang pinto sa bandang kanan namin. "Naglalakad na naka blue na backpack!"

"Nasa'n nga? 'Di ko makita kasi!"

"Ano ka ba! 'Yon nga, oh!"

Hinawakan ko na ang ulo ni Itchie at dinerekta para makita na niya kung nasaan banda naglalakad ang jeepney-guy ko. Hindi ko alam kung malabo ba ang mata niya o ano, eh.

"Girl, hindi ko pa rin makita! Grabe naman kasi ang jeepney-guy radar mo! Naka-automatic yata 'pag nasa malapit na siya, eh."

Sinisi pa 'ko, eh siya nga itong hirap maka-spot.

"Naka-fix na 'yan pagdating kay Archie. Ano pa ba'ng aasahan mo sa taong tinamaan ng matindi," ani Archie na pagkatapos tumawa nang tumawa ay mukha na namang walang pakialam.

Inirapan ko lang silang dalawa. Hindi ako makalingon sa kanila dahil tutok ang mga mata ko sa jeepney-guy ko. Baka kasi mawala siya sa paningin ko. Chance ko na 'to para duma-moves.

I saw him picked an unoccupied table. Iyong sa banda na hindi gaanong matao. Akala ko ay bibili muna siya ng pagkain pero binuksan niya ang bag niya at nilabas ang baunan. Mayroon siyang sariling pagkain at tumbler. Aww... Baby boy coded naman.

"Teka...saan ka pupunta?"

Hinawakan ni Itchie ang kamay ko. Nagulat siya dahil bigla akong tumayo. Pinipigilan niya ako ngayon.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 18 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Entry #10Where stories live. Discover now