01: Mysterious-jeepney-passenger-guy

488 17 0
                                    

01: Mysterious-jeepney-passenger-guy

***

Kung mayroon man na isang lugar ang pinaka ayaw kong pinupuntahan, 'yon ang ospital.

At dahil minalas ako ngayong araw, nandito ako at nagdurusa.

"I'm sorry, Sheen, 'di ka namin masamahan d'yan ngayon. Alam mo naman, babagsak na talaga kami 'pag umalis kami sa kasagsagan ng exam."

Tumawa ako. Naka speaker ang cellphone ko para marinig sila habang inaayos ang gamit ko.

"Naiintindihan ko naman, Itchie," ani ko. "Hindi rin naman ako baldado para samahan. Nahimatay lang naman ako."

"Anong nahimatay 'lang'?!"

Napangiwi ako dahil sa lakas ng boses niya.

"Eto naman! Ang sakit sa tenga ng boses mo!"

Hindi agad ako nakarinig ng pagsagot. All I heard from the other line was unidentified sound. Iyong parang may umagaw sa telepono ni Itchie.

"'Wag kang umuwi mag-isa. Susunduin na kita."

I knew it was Ben because of his strict voice. Isa rin sa kaibigan ko.

Tumawa akong muli at umiling. Ang overreacting ng dalawang 'to.

"'Wag na! Ang OA n'yo! Kaya ko naman kasi. Puyat at gutom lang ako kaya nawalan ng malay kanina."

It was early in the morning. Kapapasok ko lamang sa university kanina pero nakaramdam na ako ng hilo. All I remembered was my schoolmates rushing me to the hospital.

Isa lang naman ang sinisisi ko kung bakit ako puyat at kulang sa pahinga. Minsan napapaisip na rin ako kung bakit ko ba pinili ang kurso ko, eh.

"Kasi naman, eh. Magpapahinga ka rin naman!"

Pagsingit muli ni Itchie sa pagsagot. They were together. Paano'y magkapareho sila ng section. Ako lang ang naiba.

"Wow, Itchie! Coming from an accountancy student itself. Sino nga ba kasing makakapagpahinga pa ng maayos sa kurso natin?"

Ben, Itchie and I were close friends since senior high. Sanggang-dikit kaming tatlo. Sabay-sabay bumabagsak sa mga quizzes. At syempre, hanggang ngayon ay delikado pa rin ang pag graduate namin. Napapaisip pa rin ako kung paano namin nagawa na isang semestee na lang ay magtatapos na, eh bagsakin kaming tatlo.

"Accountancy pa more! Ginusto mo 'yan, eh!" muling singhal ni Itchie.

Ginusto ko naman talaga. Pero madalas kinekwestyon ko na 'tong desisyon ko, eh.

"Tama ka riyan. 'Di ko tinatanggi. Gusto ko kasing pinahihirapan ang sarili ko."

Tinawanan ko lamang silang dalawa. Mas naii-stress pa yata ako ngayon na nalaman nila ang nangyari sa akin kaysa sa pagkawala ko ng malay.

"Ewan ko sa 'yo, Sheen Leigh! Mabuti na lang talaga binalita sa amin ni Pao 'yong nangyari sa 'yo kasi mukhang wala ka namang balak."

Pao was also our mutual friend. Nakilala namin dahil magkatabi lang ang unit namin. Siya ang isa sa mga classmates ko that made my course bearable at least.

"Wala naman talaga akong balak na sabihin sa inyo. 'Di naman kasi life and death situation 'to. Bumigay lang talaga ang katawan ko kanina."

That's what really happened to me. Inabuso ko ang katawan ko. Dahil hindi naman ako si superwoman, ayan tuloy at bumigay.

Entry #10Where stories live. Discover now