Kabanata 5

83 5 0
                                    


"Haaaaaaayyy" langhab ko dahil sa kawalang magawa.

Nandito lang ako sa sala at nanonood ng palabas na 'Never Not Love You' na pinagbibidahan nina James Reid at Nadine Lustre.

Matagal ko na kasing iniidolo ang loveteam nila kaso hanggang tanaw lang ako sa kanila sa telebisyon dahil Wala naman akong magawa para suportahan sila sa mga proyekto nila.

Mahirap kasi ang buhay kaya imbis ipambili ko ng mga ticket sa sinehan ang perang kinikita ay ipinambibili ko nalang ng pagkain naming mag-anak. Gusto ko sana Makita man Lang sila sa personal at makadaupang palad kaso wala eh.

Pero ngayon napanood ko narin ang huling movie nila na magkasama. Kaya sobrang saya ko.

Parati nalang kasi akong mag-isa rito at dahil narin sa parating wala si Xaviar at iniiwan lang akong mag-isa dito. Hindi pa nagkakatagpo ang landas naming simula nang kinain niya ang adobo ko.

Magmula non, hindi ko na siya mahagilap. Hinayaan ko nalang dahil baka ganito naman parati ang araw nila ni Meleisha kaya hindi maayos ang buhay mag-asawa nila.

Hindi rin naman ako makaalis pa dahil kailangan ko pa daw ng isang linggong pahinga bago lumabas labas at magdadalawang linggo na ako rito at bagot na bagot na pero mananatili parin ako sa isang mistulang horror house na bahay na ito sa sobrang katahimikan.

Tumunog ang telepono di kalayuan sa pwesto ko kaya inabot ko ito at itinapat sa tenga.

"Hello?" Napatingin pa ako sa telepono dahil mukhang walang tao sa kabilang linya.

"Meleisha! I miss you bitchy!" Sigaw nito na kinalayo ko sa telepono.

"A-Ano ka ba naman Louella, huwag mo masyadong taasan boses mo. Maririnig naman kita eh." sermon ko dahil talagang sumakit ang tenga ko sa pagsigaw niya.

Alam kong si Louella ang tumawag dahil narin sa siya lang ang tumatawag saking Bitchy dahil tawagan raw namin iyonbilang magkaibigan.

"Sornaman. I just had my one week leave so ano? lakad tayo? " bungad nito.

"Huh? Saan naman tayo pupunta?" tanong ko.

"Malling. Ano pa ba? It's our favorite bonding together kaya that's why I'm on my way to your house to sundo you." anito na kinagulat ko.

"A-Ano?"

"Hay Nako, ang layo mo na talaga sa Meleisha na kilala ko. Parati ka nalang lutang. Eh dati hate mo pa naman ang mga taong lutang at mga paawa. Tsk." giit nito.

'Kung alam mo lang, Hindi ako ang totoong Meleisha, nabudol ka ng isang katulad ko.'

"Anyways, as I was saying. I am on my way to your house coz I know he's not taking care of you and just gonna leave your ass off the that goddamn house." pagmura nitong may pagkasosyalin.

Kung ako siguro nagmura ng ganon, ang pangit siguro pakinggan. Pero bakit sa mayayamang katulad nila eh ang sosyal pakinggan? Ganito na ba ka unfair ang mundo? Tsk.

At hindi nga nagtagal ay nandito na siya sa bahay at agad namang napasinghap at di makapaniwala sa suot ko.

"What kind of fashion is that? Are you from 90's?" nandidiring saad nito habang pinasasadahan ng tingin ang suot ko.

Nakasuot ako ng mahabang saya at isang t-shirt. Nakita ko lang ito sa pinaka sulok nitong bahay na Ito dahil hindi ko trip mga damit ni Meleisha na halos nakikita ang dibdib ko at pati narin ang upo ko sa ikli.

Yong shorts niya mukhang panty na di ko kinakayang suotin dahil para kong inaakit si Xaviar kapag sinusuot iyon. Parati ko ngang nilalabhan Ito eh dahil bilang lang ang mga  damit na ganito dito. Nasa mga tatlo lang ata ito.

LIFE CHANCES [ON-GOING]Where stories live. Discover now