Prologue

126 10 4
                                    

Via and I are on the way to Batangas. Pinagdrive kami ng driver niya kasi mahaba-habang byahe 'to. Sa Stilts Calatagan Beach Resort ang punta namin. Ininvite kasi ako ng family ng girlfriend ko sa outing nila.



Natutuwa ako kasi malaki 'yung tiwala nina tita at tito sa'kin. Tinatrato nila ako na parang anak na rin nila. Close ako sa buong pamilya ni Via lalo na sa nakababatang kapatid niya. Mas gusto pa nga ata ako ni Krisha kaysa sa ate niya. Hahaha.


"Babe! Tara, picture tayo tapos i-IG story ko!"


"Sure, babe! Sa phone ko ba o sa'yo na lang?"


"Dito na lang sa phone ko! 1... 2... 3... Smile!" Ngumiti naman ako. Then I heard camera shutter sounds. Isa... sampu... bente...


Mahal ko ang girlfriend ko pero ilang pictures ba ang kailangan naming kuhain sa isang araw? Haha.


She's frowning while looking at our photos. "Babe! Isa pa... nakasimangot ka naman sa lahat ng photos e." Sa halos isang daang pictures na 'yun, wala ba talaga siyang nagustuhan?


Naku. Pasalamat ka, Via, mahal kita.


Pangiti na sana ulit ako nang may marinig akong pamilyar na boses mula sa radio...


You will always have your ways to have a place in my heart to stay...


"Avrey?" Paniguradong lumaki 'yung mga mata ko dahil sa sobrang pagkagulat. I know it's her... I'm sure it's her.


Tinanong ako ni Via kung may sinabi raw ba ako. "Wala, wala... Medyo nahihilo lang ako. Let's take more photos na lang mamaya sa beach resort, okay?"


Nag-vibrate 'yung phone ko na nasa bulsa ko. Nag-text si Isaac. Hindi na ako nagulat.


Isaac: Bro! Makinig ka sa Wish 107.5! Ngayon na. Emergency 'to.


Napangisi na lang ako sa nabasa ko. Aso ba 'tong si Isaac at napakaloyal niya?


"I'll connect my phone through bluetooth ha. I'll play our Spotify playlist na lang."


"'Wag! Hayaan mo na muna sa Wish.. tutal paborito naman natin 'yan."


"And that was 'Your Ways' by the new rising star, Avrey Clemente! Hello, welcome to Wish! Batiin mo naman lahat ng nakikinig sa'tin ngayon." 'Avrey Clemente'... That name... It sounds very familiar, but it feels unfamiliar to me...


Tadhana nga naman. At talagang may pa-interview pa, Wish ha?


"Hi guys! Good afternoon! I hope you're all having a great day so far. Thanks for having me here, Wish. It's a huge honor." 'Yung hagikgik niya. Malalaman mo kaagad na siya 'yun dahil dun.


"So today, you released your first-ever single here sa Wish! Congratulations! Sobrang ganda nung kanta." So she pursued music... Masaya ako para sa kaniya kasi alam ko kung gaano siya kasaya sa paggawa ng kanta. It's really her passion and her dream.


"So let's now talk about your song! What's the story behind 'Your Ways'? Did you write it for someone? And kailan mo ba sinulat 'to? Share mo naman sa'min! Haha."


Tumawag si Isaac. Hindi na nakatiis ang loko kasi hindi ako nag-reply kanina. "Bro! Si Avrey iniinterview sa—"


"It's a song I wrote for someone very close to my heart... It was about two years ago."


"Gago pre! Mahal ko kayo ni Via pero kinilig ako dun." Binabaan ko na lang si Isaac. Kilalang-kilala ko siya at alam kong hindi ako titigilan nun.


"Kakilig naman 'yun! Is he your boyfriend?"


"OMG no! Hahaha. We broke up. Almost one year na rin ang nakalipas."


"Aw... For sure, marami ka nang ibang kantang naisulat in the span of two years. Why did you choose to release this song as your first single?"


"Because I wanted to keep my promise..." Avrey...


"I promised to release this song... so I did." Rinig na rinig 'yung pag-crack ng boses niya nung sinabi niya 'yun. Naiiyak ba siya? Damn, I really don't like it when she cries.


"He actually made a promise to me that we will listen to the song together once it's released. But I guess promises are really meant to be broken. Haha."


Andito ako, Avrey... Sabay pa rin naman nating pinakinggan 'yung kanta kahit napakalayo na natin sa isa't isa.

***

Credits to @lettersfor.donny on Instagram for "You will always have your ways to have a place in my heart to stay..." Check out her Instagram account for beautiful poems.

Mixtapes and Broken PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon