Kabanata 34

3.4K 84 14
                                    

Nakapangalumbaba ako habang pinapanood si Darius na abala sa paghihiwa ng rekados. His firm muscled back is facing me. Nakatalikod siya sa akin at walang saplot sa pang-ibabaw.

This is my first time here in his rest house. Dinala niya ako rito dahil paglulutuan niya raw ako. I'm glad that I finished my works first before he invited me.

"Ikaw lang ba lagi rito?" Tanong ko at ginala ang aking paningin.

This house is not that huge. It's enough for one or two person. From its walls, roof, bannisters, floor, and interiors are all made with hard wood. Mukhang pinaghirapan ang bahay na ito lalo na't masalimuot ang bawat disenyo.

"Yes. Dito ako tumutuloy pag hindi ako umuuwi sa bahay," aniya.

Tumango ako. Nakangiti ko muli siyang nilingon. Tapos na siya sa ginagawa niya at tinitingnan na ngayon ang kumukulong sabaw. Kita ko ang iilang butil ng pawis sa kaniyang likod dahil sa ginawa.

I bit my lower lip. Tumayo ako at kinuha ang towel sa katabing upuan. Hinanda niya ito kanina. Siguro ay alam niyang pagpapawisan siya sa pagluluto.

I walked towards him silently. Kumakalabog na ang aking puso sa gagawin. This is the first time I'll do this, but it's normal since he's my boyfriend.

Oh. Boyfriend!

Pinilig ko ang aking ulo at hindi na nag-isip pa. Naramdaman niya ang paglapit ko sa kaniya. Bago pa siya makalingon sa akin ay pinunasan ko na ang kaniyang pawisang likod patungo sa kaniyang batok. I heard him exhaled.

"May... sinama ka na ba ritong iba? Maliban sa akin?" I asked curiously, still wiping his broad back.

Nang makuntento na ay tumigil na ako. Hindi na ako nagsalita nang harapin niya ako at nakataas ang kilay. Ngumuso ako nang mabilis niyang ipulupot ang kaniyang mga braso sa aking baywang. He stared at me with his natural tender eyes.

"You're the first person I brought here, and you will be the only one," he said seriously.

Napangiti ako. Hinawakan ko ang kaniyang panga, gumalaw iyon. Lumawak ang ngiti ko nang ipikit niya ang kaniyang mga mata at hinawakan ang kamay ko na nasa kaniyang panga. He bit his lower lip.

Ramdam ko ang pagkirot ng puso ko sa sobrang saya. This is just a simple moment with him but it makes me happy so much. I won't ask for more. He's enough.

"Hindi mo ba nadala si Yen dito?" nakangiting tanong ko.

Dumilat siya at kumunot ang noo. I chuckled.

"I never brought her here. I told you already, nireto lang siya ni Mama. Walang namagitan sa amin maliban sa pagiging fiancé noon," he said grimly.

I tilted my head when I heard his voice  hint with annoyance. I can see the danger he's suppressing.

"I'm just asking. You two never tried to make it work?" natatawang sabi ko.

Tamad niya akong inirapan at umiling.

"I don't like her," he divulged.

I nodded.

"Sino pala ang gusto mo? Si Avyanna?" pang-aasar ko.

He clenched his jaw.

"Hindi ko siya kailanman nagustuhan. Let's not talk about other girls, let's talk about you." Aniya at nilapit ang aking kamay sa kaniyang labi.

Nawala ang ngiti ko at napaawang ang bibig nang marahan niyang paulanan ng halik ang likod ng aking palad. Halos hindi ako makahinga sa samu't-saring emosyong gustong kumawala sa akin.

Delicate Touch (PUEBLO DE AMOR#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon