Chapter 2

151 16 18
                                    

Habang tumatakbo ako may nabangga ako kaya nalaglag yung gamit na dala ko at napaupo. pag tingala ko nakita ko si......

Ysabelle Hope Salazar

Ang babaeng gusto ng best friend ko.

"Ano ba naman yan ang aga aga tatanga tanga" sabi neto habang nakatitig sakin habang  dinampot ko ang mga gamit ko

"Sa susunod tumingin ka sa dinadaan mo hindi yung aanga anga ka jan paharang harang ka sa dinadaan ko" tumayo ako at inayos ang sarili ko.

"Pasensya na hindi ko sinasadya" at yumuko ako. nilampasan lang ako nito at nag lakad papunta sa building kung saan ako pupunta.

Tumingin ako sa relo ko sa kamay kung anong oras na.  10mins pa bago ang klase ko. Nag patuloy ako sa pag lalakad papunta sa building  kung saan ang unang klase ko.

Habang nag lalakad ako sa hallway narinig kong may tumatawag sakin.

"Grace!" nilingon ko ang babeng tumatawag sakin at huminto sa pag lalakad.

Si Deanne best friend ko din siya syempre no kelangan ko ng best friend na masasabi ko yung mga rants ko sa buhay maliban sa alien na yun. Katamtaman lang ang tangkad niya hindi maliit hindi rin matangakad, maganda, talented at matalino din. Di man lang ako ginisining nung nag paulan si Lord ng ganda at talent eh. May mangilan ngilan na naliligaw sa kanya nung high school kami pero dedma study first daw.

"Hi Deanne Good Morning!" pag bati ko sa kanya ng makalapit ito sa akin.

"Oh bat ang aga aga parang nakasimangot ka wala ka sa mood first day ngayon eh dapat excited ka" nahalata niya agad ano ba yan.

"Mamaya na ko mag kikwento malelate na tayo sa first subject" nag umpisa ulit akong mag lakad ng nag salita siya.

"Ikaw napaka mo pabitin ka, siguraduhin mo lang na mag kikwento ka mamaya ah" aish kulit ng babaeng to.

"Oo nga mamaya tara na" nag patuloy ako sa pag lalakad, oo nga pala halos mag kalapit kami ng room ni deanne isang room lang ang pagitan kaya yun. Pag dating ko sa tapat ng room nag paalam na ko sa kanya.

"Deanne, mamayang lunch ah sabay tayo" tumango naman ito at nag lakad na.

Pag pasok ko sa room nakita ko agad si Ysabelle nakaupo sa bandang unahan sa kanan. Kaya naman punta ko sa bandang kaliwa at sa bandang gitna umupo para malayo sa kanya, malayo sa gulo. Maya maya pa ay pumasok na ang unang prof namin. nag umpisa siya mag sabi na kelangan na makaroon ng election of officers para daw blah blah blah.

Di na ko nakinig paulit ulit lang naman. Tapos pumasok na yung sunod na prof ganun lang din ang ginawa, pati pangatlong prof ganun din. hays buti na lang wala ng introduce yourself apat na taon na kami dito paulit ulit lang muka nila kilala na nila kami kaya ganun.

Nabobored na ko ang tagal tagal naman matapos inaantok na ko ng biglang mag vibrate ang phone ko. Patagong tinignan kung sino ang nag text

From: Alien Panget
Malapit na lunch daanan ko na lang kayo ni deanne jan.

Patago na sana kong mag rereply ng bigla akong tawagin ni Sir Gamet.

"Miss Priva ano payag ka ba?"

Nagulat naman ako ng marinig ko ang pangalan ko kaya napatayo ako.

"Ah eh ano po ulit yun Sir?" nahihiyang tanong ko. Shemay naman kasi dapat pala nakinig na lang ako eh

"Miss Salazar is suggesting na sa darating na College Week natin which is 3 weeks from now ikaw ang mag aasikaso ng mga certificates and awards ng mga sasali sa mga compititions. Ibig sabihin ikaw ang iaassign ko sapag bili ng mga trophies at mag piprint ng mga certificates is that okay with you?" sabi ni sir, si Ysabelle pala nag prsinta na ako ang bibili ng mga trophies. Nakakainis ayoko ngang lumayas ng lumayas eh.

"Ah ganun po ba Sir, sige po wala pong problema" saka ko umupo at napabuntong hininga. Nagulat ako ng biglang tumayo yung katabi ko.

"Sir, pwede ko po bang samahan si Grace na bumili ng mga trophies at mag ayos ng mga certificate. Mabigat po kasi kung siya lang ang mag bibitbit ng lahat ng yun at masyadong madaming participant sa mga program kung sya lang ang gagawa ng certificates" nakatingin lang ako sa kanya habang nag sasalita siya, pero biglang sumagot si Ysabelle.

"Kenneth kaya nya na yan diba Grace?" sabay tingin sa akin.

"Ha? ah oo okay lang ako kaya ko naman po Sir" sagot ko naman.

"See sabi sainyo kaya nya na yan di na kelangan ng tulong ni Kenneth" di na ko umimik sa sinabi niya.

"But Sir I insist to help her, please allow me" nakatingin naman si Sir sa akin at tingin kay kenneth.

"Okay Mr.Villanueva pwede mo ng tulungan si Miss Priva" nagulat naman ako sa sagot ni Sir

"Thank you Sir" at saka umupo si kenneth.

"Okay Class Dismiss" lumabas na ito ng room kaya naman kinausap ko na si kenneth

"Oy, bakit mo naman ginawa yun, kaya ko naman eh pero salamat ah" sabi ng nakangiti sa kanya.

" Walang anuman, madami kasi yun kawawa ka naman kung ikaw lang mag bubuhat nun" bigla niyang ginulo ang buhok at ngumiti.

Gwapo talaga tong lalaking to di nakakapagtaka bakit ang daming nag kakagusto dito sa school eh.

"Sige salamat ulit ah" nag umpisa na ko mag ayos ng gamit ko.

"Sige Courtney mauuna na ko ah" tumango na lang ako at pinag patuloy ang ginagawa ko.

Pag kaalis ni Kenneth biglang lumapit sakin si Ysabelle

"Ano sa tingin mong ginagawa mo?" sabi neto habang naka cross arms at nakataas ng isang kilay.

"Ha? bakit ano bang ginawa ko?" sarkastiko itong tumawa habang ako nakatingin lang sa kanya

"Nag mamaang maangan ka pa huh?" akmang sasampalin niya ko ng biglang....

By Your Side (COMPLETED)Where stories live. Discover now