Chapter 5

124 15 15
                                    

CHAPTER 5

Habang nag lalakad kami papunta sa sakayan ng jeep biglang may bata kaming nadaanan sa gilid ng kalsada na nag iiyak, mukang pulubi yung dalawang bata nakakaawa tignan.

"Bakit kaya umiiyak yung bata" pag tatanong ko kay Kenneth pero mas ikinagulat ko ng lapitan niya ito kaya sumunod ako.

"Bata bakit kayo umiiyak?" nakatingin lang ako habang kinakausap niya yung mga bata.

"Nagugutom na po kasi kami kahapon pa po kasi kami hindi kumakain na mag kapatid" sagot ng batang lalaki sa tingin ko mas matanda ito sa batang babaeng kasama niya.

"Ganun ba? halika kain tayo" sabi ni Kenneth at ngumiti ito. Napangiti naman ako dahil sa ginawa niya.

"Oo nga tara kain tayo dali tsaka bibili tayo ng makakain nyo ngayong araw" sabi ko. Nag punas ng luha yung dalawang bata at ngumiti, kahit ang dungis nila ang cute cute ng dalawang to.

Nakakita kami ni Kenneth ng malapit na Jollibee kaya dun namin sila dinala lalo pa silang natuwa ng bilhan namin sila ng chicken spaghetti at ice cream. Habang kumain sila kitang kita mo yung saya nila sa simpleng pagkain lang. Mag katabi kami ni Kenneth sa upuan dahil ayaw humiwalay ng batang baabe sa kuya niya.

"Ate ang ganda mo po" sabi nung batang lalaki, natawa naman ako. Di ko napansin na nakatingin pala sa akin si Kenneth.

"Oo nga ate crush ka ata ni kuya oh kanina pa siya patingin tingin sayo, tsaka po ate bagay kayo hihi" sabi naman ng batang babae ang ipinag tataka ko bakit di man lang kumukontra tong lalaking to.

"Oy kayo ah ang babata nyo pa may pa crush crush na kayong nalalaman" saka naman ako tumawa ng mahina.

"Maganda ka naman talaga Courtney" nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Kenneth lalo namang nang asar yung mga bata.

*****

Nang matapos kumain ang mga bata binilhan pa namin sila ng take out para may makakain pa sila mamayang gabi. Pag katapos ay tumungo na kami ni Kenneth sa pupuntahan namin at binili ang mga dapat bilhin at bumalik na kami sa school at dinala sa faculty ang mga pinamili namin. Certificates na lang ang kulang madali na lang yun nag prisinta na rin ako na sa bahay na lang gumawa ng mga yun at pumayag naman si Kenneth. Pinayagan na rin kaming umuwi pag ka alis namin ng faculty.

"Courtney, pwede ba kita ihatid pauwi? tutal parehas lang naman tayo ng dadaanan" sabi niya sa akin, papayag ba ko? tsaka bakit niya naman ako ihahatid?

"Bakit mo naman ako ihahatid kaya ko naman umuwi mag isa" sagot ko sa kanya.

"Para di ako maligaw sa pag punta ko sa inyo sa sabado" ah yun lang pala

"Sige"

"Tara na sa parking" ano daw sa parking?!

"May sasakyan kang dala?!"

"Oo bakit?"

"Eh bakit di natin ginamit kanina pag alis natin para di natayo nahirapan pumila sa jeep?" tanong ko ulit sa kanya

"Kung ginamit ko yung sasakyan kanina di nakit matutulungan yung dalawang bata" sagot naman neto, oo nga no okay na rin pala. Kaya nag kibit balikat na lang ako habang pinag patuloy ang pag lalakad namin papuntang parking. Parehas kaming tahimik ni Kenneth habang nag lalakad ng biglang

"Chanak!" parehas kaming napahinto at napalingon sa likod ng marinig namin si Hermes na tinatawag ako. Ang ipinagatataka ko kasama niya si Ysabelle.

"Oy! Alien, anong gingawa nyo dito?" tanong ko sa kanila.

"Ah si Ysabelle kasi ihahatid ko pauwi. Masama daw pakiramdam niya." nakatitig lang ako sa kanilang dalawa.

"Ah ganun ba" yun lang ang ansabi ko.

By Your Side (COMPLETED)Where stories live. Discover now