Chapter 13

101 13 47
                                    

Courtney's POV

Nandito kami sa may puno ng acacia sa likod ng school. Kasama ko si Hermes. Gustong sumama ni Kenneth pero sabi ko okay lang ako at kaya ko. Hindi ako nag sasalita hinihintay ko lang na mag salita si Hermes.

"Chanak" panimula niya, nakikinig lang ako.

"Gusto ko lang mag sorry, sorry sa mga sinabi ko sayo nung nakaraan" hindi pa din ako naimik.

"Alam kong nag kamali ako, hindi ko maintindihan ang sarili ko naiinis ako na lagi mong kasama si Kenneth. Sabihin mo nga sa akin Courtney anong meron sa inyo ng lalaking yun?" pag tatanong niya sa akin.

"Kelangan mo pa bang malaman Hermes? Bakit?" sagot ko naman.

"Best friend mo ko diba dapat alam ko" sarkastiko akong tumawa.

"Best friend? alam mo pa pala ang salitang yan Hermes. Ang alam ko kasi hindi na. Pag katapos mo kong iwan at sabihin na kung ako ang magiging dahilan para masira kayo ni Ysabelle ayaw mo na kong maging kaibigan pa. Nakalimutan mo na agad?"

"Dahil ba kay Kenneth kaya nag kakaganyan?"

"Anong dahil kay Kenneth? gusto mo ba talagang malaman ang totoo Hermes?"

"OO" madiin na sabi niya.

"Gusto ko si Kenneth, yan ang totoo"

"Anong sabi mo?" natatawang sabi niya.

"Nag bibiro ka ba Courtney? kasi nakakatawa eh" walang emosyon akong tumingin sa kanya.

"Muka ba kong nag bibiro Hermes, nag tataka ka siguro kung bakit ganun kabilis. mahigit isang buwan pa lang ng nangligaw siya eh pero sa loob ng isang buwan na yun Hermes. Kahit isang beses, hindi ako sinaktan ni Kenneth"

"Yun lang ba ang nagawa ko para sayo Courtney? Ang saktan ka?"

"Oo, wala kang ibang bukang bibig kundi siya, hindi mo man nga lang ako kinamusta bilang kaibigan mo, laging ikaw na lang, laging nararamdaman mo, pero may narinig ka ba sa akin? wala diba? dahil best friend mo ko susupportahan kita sa lahat. Pero ako? ganun mo lang ako kabilis binitawan yung ilang taon na pinag samahan natin dahil sa babaeng yun" paliwanag ko naman.

"Kala ko kasi Courtney okay lang sayo ang lahat"

"Yun! AKALA mo. Hindi ko naman hiniling na mahalin mo ko gaya ng nararamdaman ko para sayo Hermes, ang gusto ko lang alamin mo din kung ayos pa ba ko, pero hindi mo nagawang mag tanong kahit simpleng kamusta. At alam mo yung mas masakit? Lagi kang naniniwala sa kasinungalingan niya pag kaharap na ako, na parang hindi mo ako kilala"

Nagulat ako ng yakapin niya ako.

"Sorry" ang katagang tanging nasabi niya. Kumalas ako sa yakap niya at hinawakan siya sa balikat.

"Wag ka mag alala alien, hindi ako galit sayo, naiintindihan ko bakit mo nagawa yun"

"Courtney, pwede ba kong maging selfish? Pwede bang bawasan mo ang pag sama kay Kenneth nanliligaw pa lang naman siya" sabi niya sa akin.

"Kung hihilingin ko bang iwan mo si Ysabelle at tuluyang lumayo sa kanya gagawin mo ba?"

"Chanak naman alam mong hindi ang sagot ko"

"Ganun din ang sagot ko Hermes, noon kaya kong iwasan lahat ng lumalapit sa akin dahil mahal kita pero ang iwan si Ken pagkatapos ng mga ginawa niya para sa akin para kang humiling na mag kadagat sa desyerto" sagot ko sa kanya.

"Mauuna na ko" tumalikod ako at mag uumpisa na sana mag lakad.

"Gusto mo na ba talaga siya?" Tanong niya ulit.

"Oo"

"Kung ganun susuportahan kita sa gusto mo. Ako naman ang babawi sayo Chanak" napangiti naman ako.

Hindi naman ako galit sa kanya nag tatampo lang siguro pero di ko kayang magalit sa lalaking ito. Halos buong buhay ko siya ang kasama hindi ko kayang magalit sa kanya.

"Sige na mauuna na ko alien ha, ikaw din may klase pa babye!"

*****

Ysabelle's POV

Naiinis na ko! lagi na lang kinukumpara ni Hermes si Courtney sa akin. Napapagod na kong intindihin ang ugali ng lalaking to nakakainis bakit ba kasi ako nag titiis sa kanya. Mukang wala namang nanagyayari sa pang didistract ko kay Grace dahil si Kenneth ang napupunta sa kaya nakakainis. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Hermes. Maya-maya pa ay sinagot na niya ito.

"Hello? Kita tayo ngayon na" binaba ko din agad ang cellphone ko.

Nandito ako sa hallway ng department ng engineering inaantay si Hermes. I feel guilty na gagawin ko to kay Hermes. Oo naiinis ako na lagi na lang si Courtney ganito si Courtney ganyan pero kahit isang beses kahit ang sama na ng ugali ko hindi pinakita ni Hermes sa akin mahirap akong mahalin.

"Hi Babe" masiglang bati sakin ni Hermes.

"Hermes"

"Ano nga palang pag uusapan natin" tanong niya naman.

"I'm breaking up with you" hindi siya sumagot, nakatingin lang siya sa malayo.

"I'm Sorr--" tumingin siya sa akin at ngumiti.

"Don't be sorry Ysabelle. Alam ko namang dating tayo dito. Dahil kay Kenneth diba?" malungkot na sabi niya sa akin, mahahalata mo sa boses niya. Yumuko lang ako. Masyado syang mabait para sa isang kagaya kong masama ang ugali.

"Naalala mo ba nung Students Night nyo, nung nag sayaw ni Courtney at Kenneth kita ko yung galit sa mga mata mo, galit na may halong sakit. Nung dumating kami ni Kenneth at nadatnan kayo ni Courtney sa garden, bago ba siya dumating nandun na ko. Nakita at narinig ko ang lahat" sabi niya.

"Im Sorry" yun lang ang salitang nabanggit ko.

"Pero kahit nag sinungaling ka kinampihan kita kasi ayokong masaktan ka at isipin na mas mahalaga sakin ang best friend ko. Sinaktan ko yung taong nanjan lagi para sa akin kasi mahal kita eh, kahit alam ko na ang lahat hindi kita iniwan kasi umaasa ako na baka, baka sakaling mahalin mo rin ako. Pero wag ka mag alala Ysabelle. Okay lang ako. Pinapalaya na kita" hinalikan niya ako sa noo at umalis na.

*****

Courtney's POV

Pag katapos namin mag usap ni Hermes bumalik na ako sa classroom namin. Pagkaupo ko sinalubong ako ng tanong ni Ken.

"Kamusta pag uusap niyo okay ka lang ba?"

"Oo okay lang naman nag sorry siya"  sabi ko. Dumating na ang prof namin at nag umpisa na mag turo.

Mag uuwian na ng may natanggap akong text.

From: Alien Panget
Chanak i need you please.

Ano kayang nangyari.

"Courts tara na uwi na tayo" sabi ni Ken sa akin.

"Ah Ken mauna ka kelangan kong puntahan si Hermes emergency lang" tumango naman ito.

"Sorry" sabi ko sa kanya.

"Okay lang basta mag iingat ka pag kelangan mo ko tawagan mo lang ako" tumango ako at umalis na. Tinext ko si Hermes na sa sa puno ng acacia kami mag kita. Kaya naman agad na dun ako nag punta.

Pag dating ko sa puno ng acacia agad akong lumapit kay Hermes. Nagulat ako ng yakapin niya ako at bigla siyang umiyak.

By Your Side (COMPLETED)Where stories live. Discover now